AN: Salamat sa mga comment niyong GG na Chill lang muna kayo diyan at baka mapaano na ang kontrabida. -------------- Kahit natakot ako dahil sa pagkamatay ni Manang Susan ay natuwa pa rin ako. Dahil nabawasan ng epal sa mga gagawin ko, hindi ako nag-alala na malaman nila kung ano ang totoong nangyari dahil kahit saang sulok ng bahay na ito ay walang CCTV. Hindi na ako magtataka dahil noon pa lang na napunta ako dito ay talagang walang CCTV dito. Hindi ko alam kung walang ganito dito sa kagandang bahay. Kaya safe ang ginawa kong pagtulak sa matanda na 'yon dahil nakita niyang nilagyan ko ng gamot ang gatas na dala ko. Kinompronta niya ako kung ano ang nilagay ko sa gatas, ayaw niyang maniwala ng sabihin ko na wala akong nilagay. Hanggang sa pilit niyang kinukuha sa kamay ko ang gamot