AN: Pasensya na po di ako nakapag-update kanina, nag-UD ako sa iba ko na story. Sana'y nakapaghintay kayo. :) ------------ Ang bilis ng mga araw at mahigit tatlong buwan na akong nandito kay, Steven. At ngayon nga ay hindi pa rin ako nagkakaroon, kinakabahan man ako pero masaya ako dahil nagbunga ang ginawa namin. Magda-dalawang linggo na rin na wala si Steven at hindi ko alam kung bakit hindi pa siya umuuwi. Isang beses lang siyang nag-message at ang sabi niya ay mag-ingat ako. Yon lang at hanggang ngayon ay wala na siyang reply sa mga message ko. Ganon pa man ay naging positibo ako na baka busy lamang siya at bigla-bigla na lang siyang darating. Napabangon ako dahil nakaramdam na ako ng gutom, gusto kong gumalaw-galaw dahil parang nanghihina ako lalo. Magpapabili na rin ako kay Manan