AN: Mainit na gabi. Ngayon pahinga ko muna kayo kay Steven. Iinisin ko muna kayong lahat, charr! Love you all guys! --------------- Ngayon narito na ako sa loob ng bahay ni Steven ay magagawa ko na ang mga plano ko para mapasa akin siya at mapaalis ko ang Anne na 'yon. Gagawin ko ang lahat upang hindi siya magbuntis. Nakangising nakatingin ako sa salamin kung saan ay malaya kong nakita ang totoong ako. Habang nakangiting hawak ang mga gamot upang hindi magbuntis ang babaeng 'yon. Sa akin lang si Steven, sa akin lang! Gigil na wika ko sa isipan at humiga na ako sa maliit na kama. Nahirapan bago ako nakatulog dahil sa isipin na magkasama sa buong magdamag si Steven at Anne. Konting tiis lang at magbubunga rin itong plano ko. Pumikit na ako at hindi naman nagtagal ay nakatulog na ako.