Chapter 3

1210 Words
PAHIGPIT nang pahigpit ito at bumakas sa mukha ni Lee ang sakit na dulot ng pagkakahawak ni Jian sa kanyang kamay. Nadinig ko na ang mga buto sa kamay ni Lee kaya't naalarma ako. "Tama na please!" Hinawakan ko ang kamay ni Jian at nagulat ako dahil sa lamig nito. Mabilis namang binitiwan ni Jian ang kamay ni Lee. Namilipit si Lee sa sakit at napaatras. Sa tagpong iyon ay bumalik ang Ate Kiara mula sa labas at nagulat sa kanyang nasaksihan. Naabutan n'yang nakaupo si Lee sa sahig hawak-hawak ang kamay nito. "Oh God!" Kaagad itong sumalubong kay Lee. Hindi mawari ang ekspresyon ni Lee at ito'y pinagpapawisan. "Dawn what have you done!" Tumayo si Ate Kiara at akmang sasampalin ako nang humarang si Jian. Doon pa lamang n'ya nakita at napansin ang presensya nito. Napaatras s'ya at nanglaki ang mga mata dahil sa pagkakabigla. "L-Liu?" Hindi naman nagsalita si Jian na seryoso lamang na nakatitig dito. Nang mahimasmasan si Ate Kiara ay lumipat ang mga mata nito sa 'kin. "I can't believe this." Umiiling iling ito at mababakas mo ang iritasyon n'ya sa 'kin dahil sa sinapit ni Lee. "Let's go." Inalalayan n'yang makatayo si Lee at tumingin muli sa 'kin. Matapos ang eksenang iyon sa coffee shop ay nagsuot lamang si Jian ng mask at naglakad palabas. Sa sobrang bilis nga ng pangyayari ay walang nakapansing iba. Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa makarating sa harap mismo ng kompanya. Bigla s'yang lumihis ng direksyon at umiwas nang makakita ng tao. Naintindihan ko naman iyon kaya't tumuloy na ako sa loob. Hihintayin ko na lamang s'ya siguro makaakyat para makapagpasalamat. Samantala, mabilis ang paglipas ng oras ngunit hindi na ito muli pang nagpakita. Hanggang sa matapos ko na ang daily report at iniwan mismo sa desk ni Nessy. Umunat ako saglit dahil sa napakasakit ng likod ko. Kanina pa kasi ako nakaupo at nag titipa hanggang sa matapos ang trabaho. Tinanggal ko na rin ang reading glass ko at hinilot ang sentido. Nang matapos ang lahat ay kaagad na akong lumabas para umuwi. Hindi kasi ako nakapagpaalam kay Sean at alam kong inaantay na ako nito. Si Sean ay palaging nakaabang sa labas lalo na kapag ginagabi ako. Nang makalabas ako sa kompanya ay sakto namang nag-ring ang phone ko. "Hello Auntie? Asan na po si Manong Albert?" Inaantay ko kasi ito. "Nako hija ayon na nga hindi ka masusundo ni Albert ngayon dahil nasugod ang asawa n'ya sa hospital." "Ano ho?! Kamusta po ang lagay ng asawa n'ya?" "Maayos naman na ang lagay nito kaya wag kang mag-alala. Ipapasundo na lang kita sa hardinero natin." "Nako huwag na kayong mag atubili Auntie Celda. Kaya ko namang mag-taxi para makauwi na. Si Sean? Kumain na ba ang anak ko?" "Si Sean ay nasa taas at nag-aaral. Wag kang mag-alala hahatiran ko na lang s'ya ng makakain. Sigurado ka ba at kaya mo?" "Opo Auntie. Salamat pala sa pag-aalaga n'yo kay Sean." "Masaya akong pag-silbihan kayo hija." Napangiti naman ako at tinapos na ang tawag. Matyaga akong nag-antay ng masasakyan sa may taxi bay. Nakaupo lamang ako sa waiting shed habang kumakanta ng tahimik nang mapahinto ako. Pakiramdam ko ay mga mga matang kanina pa nakasunod sa 'kin. Napatayo ako at niyakap ang sarili. Malamig na rin ang simoy ng hangin dahil sa nalalapit na pasko. Lumingon ako sa may likuran ko dahil sa lakas ng pakiramdam. I feel that somebody's watching me wherever I go. Para bang may palaging nakasunod. Hindi ko maintindihan. Sawakas ay may dumating na rin na taxi. Kaagad naman akong pumara at sumakay. Kalahating minuto lamang at nakauwi na ako sa villa. Nakita ko si Sean sa labas at napangiti ako. Hindi talaga s'ya mapalagay kapag ginagabi ako. "Sean kumain ka na?" Tanong ko nang makapasok kami sa loob. Tumango naman ito at umakyat na ng kuwarto. Gano'n lang ito ngunit bakas ang kanyang pag-aalala sa 'kin. Pumasok naman si Auntie Celda galing sa likuran. May hawak pa itong walis. "O hija mabuti at nariyan ka na. Kanina ka pa inaantay ng anak mo." "Opo Auntie. Nakita ko si Sean sa labas. Kaaakyat lang n'ya." Ginalaw-galaw ko ang mga braso dahil sa pangangalay. "Kumain ka na ba?" "Mag gagatas na lang ako Auntie. Inaantok na kasi ako e sobrang daming ginagawa sa trabaho." "Bakit ba kasi at napili mong magtrabaho sa Sun Group? Dahil ba sa pagkakabili nila ng Van Shen Group?" Alam ni Auntie ang tungkol doon ngunit ang hindi n'ya alam ay may mas malalim pa akong dahilan. "Hindi ko pwedeng hayaang mawala na lang basta-basta ang kompanya ni Liu Auntie." Isa sa dahilan ko. Ito lang ang paraan para mapalait ako kay Jian. Gusto kong malaman kung bakit? Ano'ng sekretong mayroon s'ya? Maraming gumugulo sa isip ko kung bakit. Nagtungo na ako sa kusina para uminom ng gatas. Matapos no'n ay nagpaalam na ako kay Auntie Celda at umakyat ng silid. Mabilis akong naghubad para maligo at magsipilyo. Kaagad kong pinatuyo ang buhok ko at isinuot ang white silk dress ko na pantulog. Maaga pa ako bukas papasok at kailangan ko ng pahinga. Sa kalagitnaan ng gabi, habang ako'y nakapikit ay nakaramdam ako ng malamig na hangin. I found myself longing for pleasure. I feel the air caressing my skin. Tila nabuhay ang pananabik ko dahil doon. Napakapit ako nang mahigpit sa unan nang maramdaman ang mga haplos sa 'king katawan. His familiar touch that I could feel. The kisses on my skin. His lips on my neck. Tila nalulunod ako sa sensasyong iyon hanggang sa sumagi sa isip ko ang lahat at matauhan. Napabalikwas ako ng bangon ng gabi ring iyon. Am I dreaming? Niyakap ko ang sarili. Ramdam na ramdam ko ang mga labing naglakbay sa buo kong katawan. His touch. His smell. "Liu…" S'ya ang sumasagi sa isip ko. Napahawak ako sa 'king buhok at napayuko. Kung ano-ano na ang nararamdaman ko dahil sa pangungulila ko sa kanya. Mainit na umaga ang bumungad sa 'kin. I feel weird when I stood up and feel sore down their. Hinawakan ko ang puson ko dahil sa pananakit nito. "Katatapos lang ng dalaw ko." Sabi ko. Kaagad akong pumunta sa banyo para maligo. Naupo ako saglit sa toilet para umihi. Wala naman akong dalaw kaya't naisip ko na baka sumusumpong ang UTI ko. Hinubad ko na ang mga damit ko at tumayo para maghilamos. Hindi pa ako tumitingin sa salamin dahil lutang pa ako. When I finished washing my face I looked at the mirror to check myself. Kaagad kong binuksan ang shower para maligo. Pagkatapos no'n ay humarap ako sa salamin at kinuha ang suklay ko. Habang nagsusuklay ay may napansin ako. I parted my hair aside and noticed something. Inilapit ko ang sarili sa salamin at nagulat ako nang makita ang bakas na iyon. "Good morning Dawn." Bati sa 'kin ni Nessy. "Are you okay? You look pale." "I'm okay. Hindi lang ako nakatulog ng maayos ka gabi." Dahilan ko. "May sakit ka ba? Balot na balot ka ata?" "Medyo nilalamig lang." Pinilit kong ngumiti. Nagtungo na ako sa desk ko at sinimulan na ang trabaho. "Dawn may meeting tayo mamaya. Don't be late kasama si Mr. Sun sa meeting." Sabi nito. Napakunot noo naman ako. "Hindi ba ikaw palagi ang dumadalo sa meeting?" "Ayon na nga nagugulat na lang din ako." Nakangisi ito at tumikhim. "Magpapakita na sa tao si Mr Sun after so many years." Hindi naman ako nakasagot at umalis na ito. Napahawak na lamang ako sa 'king leeg nang sandaling 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD