Chapter 2

1527 Words
Dawn: I CAN'T GET HIM OFF MY MIND. His fierce eyes, walang kabuhay buhay ang mga matang 'yon. His cold voice, na s'yang humahaplos sa 'king puso. Ang kanyang mga tindig na hindi nag bago. His brushed up hair which highlight his stunning face. He walked towards the table. He suddenly leaned forward. He gently placed his arms on the table. Kinuha n'ya ang tasa na may lamang kape. Matagal n'yang tinitigan 'yon. I couldn't do anything but stand up and watch him. His face was expressionless. It was full of nothing. Hinintay kong mag salita s'ya. "If you want to succeed in this kind of work, you better know your place." Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Pagkatapos n'yang bitiwan ang mga katagang 'yon ay parang napunit ng paunti-unti ang puso ko. I was devastated. It felt like he ruined every inch of me. Matapos ang pangyayareng 'yon ay lutang akong bumalik sa trabaho hanggang sa umuwi. I can't face my son. Kilala ko si Sean. Magaling s'yang mag basa ng tao. Hindi ko pa kayang humarap sa kanya ng ganito ang lagay ko. I want to burry my self in my bed. Pagod ang katawang lupa ko at mas pagod ang mentalidad ko. KINABUKASAN ay nagdali-dali akong pumasok. "Late na ako!" Salubong ko kay Auntie Celda. "Dawn hindi ka nanaman ba kakain?" "Auntie sa opisina na ako kakain. Please paki-sabi kay Sean nauna na ako." Nasa labas si Manong Albert at katatapos lang nitong mag linis ng sasakyan. "Manong sa Sun Group tayo." Hindi naman nakapag salita ito at pumasok na ako sa loob. "Hija ayos ka lang ba?" "Yes manong. Hindi ako pwedeng ma-late. Not now." Kibit balikat na lang itong nag maneho. Pagkarating ko ng kompanya ay tumakbo na ako sa lobby. Bumungad pa sa 'kin ang ibang mga employees na abala sa kani-kanilang mga trabaho. "Sandali!" Hindi ko na naabutan ang elevator para sa mga employees. Dahan-dahan na itong sumara nang bigla na lamang may isang lalaki ang iniharang mismo ang kanyang kamay. Awtomatiko naman itong bumukas. "Thank you." Pasasalamat ko. Wala itong kibo. Napansin ko rin na ang bagong mukha nito. Baka sa ibang department s'ya naka-assign. Habang nasa loob ay hindi mawala ang bulong-bulungan ng mga kababaihan. "Oh my!… hindi ba s'ya ang kaisa-isang anak ng Changco family? Napaka gwapo n'ya." Narinig ko ng hindi sinasadya. Patuloy ang pag taas ng elevator. Tahimik lang akong nakatayo. Huminto naman sa Engineer Department ito at nagsilabasan na ang mga tao. Naiwan kami ng lalaki. "Are you new here?" Basag n'ya sa katahimikan. Lumingon naman ako sa kanya at duon ko nakita ang gwapong mukha n'ya. "Yes Sir." Suddenly he smiled at me. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya itinuon ko ang mga mata sa iba. "I'm Larson Changco." He offered me his hand. "Dawn. Dawn Feng-Van…" Naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang elevator. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Mr. Sun ang bumungad. Kaagad akong tumingin sa paligid. Walang katao-tao. Muling bumalik ang mga mata ko sa kanya. Nanatili s'yang nakatingin sa 'kin habang nakasimangot. He looked at me with his frowned expression. "Jian." Masayang bati ni Larson. Jian? Iyon ba ang pangalan n'ya? "What are you doing here with my secretary?" Walang emosyong tanong ni Mr. Sun dito. "Oh so she's your secretary?" Hindi na ito sumagot. Napaisip naman ako. Ganito ba siya kapag walang tao? Akala ko ba ayaw niya sa mga tao? He stepped back and cross his arms. Naglakad naman ako palabas ng elevator at gano'n din si Larson. "Jian what a surprise. I thought you don't want to be seen? What are doing here strolling around?" Nakangiting sabi ni Larson. He kept silent and leaned on the wall. Nanatili ang pagkakunot ng kanyang noo na parang iritable. Hindi na nagsalita si Jian at lumapit sa 'kin. Kinuha n'ya ang mga papeles sa desk ni Nessy at iniabot sa 'kin. "I need this report at noon." Walang gana n'yang sabi at naglakad na ito papalayo. Kaagad namang sumunod si Larson matapos magpaalam sa 'kin. Pumasok na sila sa opisina ni Jian at mukhang may mahalagang pag uusapan. Wala si Nessy ngayon at naalala kong tuwing Tuesday ang off nito. Ibig sabihin ay ako lang ang tao ngayon sa buong floor dahil bukod sa mga mahalagang bisita ay secretary lang naman niya ang pwedeng tumapak dito. I sat down on my chair and about to start to do my report. Nalula ako sa dami ng files na nakatambak sa desk ni Nessy.  Iisa-isahin ko iyon dahil ngayon ang deadline. Maya-maya pa ay lumabas si Larson at nakangiti itong lumapit sa 'kin. "I have to leave. Nice to meet you Dawn." Napaka presko ng kanyang pagkakangiti at maaliwalas ang mukha. Hindi ito kakikitaan ng problema dahil sa palagi s'yang nakangiti. Tinignan ko lang ito hanggang sa s'ya ay makaalis na. Itinuon ko na ang atensyon sa mga papeles. Hindi ko namalayan ang mabilis na pag takbo ng oras hanggang tumunog ang maliit na alarm clock na nagmumula sa desk ni Nessy. Kaagad ko itong pinatay at doon ko namalayang alas-tres na pala ng hapon. Bukod sa hindi ko pa natatapos ang report ay kailangan kong dalhan ng kape si Jian. Nagsimula na ring kumalam ang sikmura ko. Hindi pa pala ako nag uumagahan at ngayon lang dinatnan ng gutom. Inilapag ko na muna ang mga ginagawa at nagtungo sa pantry. Kaagad akong nag timpla ng kape nito at dali daling pumanhik papunta sa kanyang opisina. Kumatok ako ng dalawang beses, walang sumagot kaya't ito na ang pagkakataon na pasukin ang opisina n'ya. Ang sabi nga ni Nessy ay huwag daw akong magtatagal sa loob. Malamig na temperatura ang humaplos sa 'king balat. Dala ito ng aircon sa loob. Kaagad kong inilapag ang kape at aalis na sana nang makita s'yang lumabas galing banyo. Nagpupunas ito ng kamay at nagulat nang makita ako. "Sorry sir." Aalis na sana ako nang magsalita s'ya. "Have you eaten?" Tanong nito. "No sir." Hindi naman s'ya nagsalita. Inilapag n'ya ang hawak na pampunas ng kamay sa maliit na basket. He walked towards the table and took his coffee. Uminom ito ng kape at inilapag muli ang tasa sa mesa. "You can have your lunch." "I can't… I have to do a lot of things." Hindi pa ako tapos sa pinapagawa nitong daily report. "Forget about the report and eat." Tumalikod s'ya matapos n'yang sabihin 'yon at tumingin sa malaking bintana. Hindi na ako nagsalita pa. Isipin ko mang s'ya si Liu ay naroon na ang pagdadalawang isip ko. Baka nga nagkakamali lang ako at sadyang mapaglaro ang tadhana. Lumabas na ako ng opisina n'ya. Pumunta ako sa isang coffee shop malapit sa kompanya dahil balak kong bumili ng kape at tuna sandwich. Pagtapak ko pa lang sa loob ay isang pamilyar na boses ang bumungad sa 'kin. "Dawn?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Napakunot ako nang makita ang Ate Kiara. It's been a long time. Matagal ko na s'yang hindi nakikita. Matagal na rin akong walang balita rito. Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa. "What happened to you? Why are you dressed like that? Isang asawa ng Van Shen ang makikita kong nakasuot ngayon ng pang opisina?" She smiled at me sarcastically. "Akala ko ba nasa Amerika ka at totoo ba ang balitang na-coma si Liu?" Tanong nito. Hindi ko na nasagot ang mga tanong nito nang may dumating. "Dawn." Si Lee. Ang mga mata nito ay napuno ng kagalakan nang mag krus muli ang aming landas. "Kailan ka pa umuwi? Kamusta ka na?" Tanong nito. Ni hindi n'ya napansin ang masamang tingin sa kanya ng Ate Kiara. Hindi ko na nagawang sumagot pa. "Matagal ka nang hindi nagpaparamdam sa mga magulang natin Dawn. Baka gusto mo namang dumalaw paminsan." Sabi ng Ate Kiara at nakahawak sa braso ni Lee. Napairap na lamang ako. Akala ata n'ya ay uubra pa sa 'kin ang mga pang iinsulto n'ya. "I'm sorry I don't have time for this." Aalis na sana ako nang magsalita pa muli ito. "Totoo ba ang balitang itinatago mo raw ang asawa mo dahil patay na s'ya? Pinapalabas mo na lang ba na nasa Amerika si Liu at comatose?" Nakangiting tanong ni Ate Kiara. I gripped my hands from what she said. "Kiara stop!" Pabulong na suway ni Lee. Hawak nito ang braso ng Ate Kiara. "We talked about this. Don't make a scene!" Galit na sabi ni Lee. Pabalang na binawi ng Ate Kiara ang braso n'ya sa pagkakahawak ni Lee at nag-walk out ito. "Dawn I'm really sorry. Pwede ba tayong magkita ulit? I really want to talk to you." "Lee c'mon!" Tawag sa kanya ng Ate Kiara. "I'm sorry, wala naman na tayong dapat pang pag-usapan Lee." Ngunit mapilit ito. Hindi sapat sa kanya ang pagtanggi ko. "Please… Dawn I missed you." "Lee pwede ba? Ikaw ang gumagawa ng eksena. Alam mong kasal ako at mahal ko ang asawa ko." "Then where is he? Asan si Liu? O baka totoong patay na s'ya." Mabuti na lamang at hindi matao sa lugar kung saan kami nag-uusap. "Tell me Dawn. He's gone right? O baka iniwan ka na n'ya?" Hinawakan n'ya ang kamay ko nang mahigpit. "Let go off my hand!" Nabitiwan lang ako ni Lee nang kalasin ng kung sino ang kamay n'ya mula sa pagkakahawak sa kamay ko. "What's your problem mister?" Napataas ang tingin ko nang marinig ang boses ni Jian. Hindi parin n'ya inaalis ang pagkakahawak nang mahigpit sa kamay ni Lee na bumabakas na ang mga ugat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD