CHAPTER 12 Nang itaas na niya ang kamao niya ay may dalawang lalaking mabilis na padaan palabas ng CR. Parang sinadyang dumaan nang makitang inaambaan na ako ng suntok. May madadaanan naman sila sa likod naming ngunit nagtataka akong sa harap pa namin nila gustong dumaan. "Excuse me. Baka puwedeng makidaan." Familiar na boses na" excuse me" na naman iyon. Natigilan ako nang makita kong si E-jay nga. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaharap ko si Francis ang lalaking kasalukuyan kong karelasyon at ang lalaking pinangarap ko sa aking mga panaginip. Nagkatitigan kami ni E-jay. Alam kong namumukhaan pa niya ako. Parang nawala ang lasing ko. Paano ko ba haharapin ang tagpong ito ngayong magkakaharap kaming tatlo, ang kasalukuyan ko at ang lalaking pinangarap ko kung hindi man k