CHAPTER 13 "Sabihin mo sa akin, is this not what you wanted?" pagpapatuloy niya. "I am giving you back your life na sa pagkakaalam ko ay masyado kong pinaikot noon. And I'm sorry, I almost forgot." Tinanggal niya ang backpack niya at binuksan iyon. Hindi siya tumingin sa paligid. Sa akin lang siya nakatingin nang panahong iyon. "Happy 3rd monthsary." Inilapag niya ang isang puting rosas sa harap ko. Isa lang iyon na maayos na nabalot. "I have a class. Late na ako sa next period ko. Alam mong sumaglit lang ako just to meet you here dahil dito sa mga text mong hindi ko alam kung sa'n nanggagaling. See you around." "Wait, Francis." Nahawakan ko ang kamay niya nang patayo na siya. Kumunot ang noo niya. Tinanggal ko ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Sabay kaming tumingin sa paligid bak