CHAPTER 23 Minabuti kong huwag na lang muna siyang patulan. Gusto kong maging kalmado lang kahit gusting-gusto ko na talaga siyang sumbatan at awayin. Nanggigil na ako. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Kinuha ko ang unan at doon ko isinigaw ng isinigaw ang galit na naiipon sa aking dibdib. Nang humupa ang aking emosyon ay bumangon ako. Binuksan ko ang f*******: ko at tinignan ko ang profile ni E-jay. Lalong nagkaroon ng confirmation ang lahat ng isa sa kaniyang mga lumang litrato at maaring high school pa lang siya noon ay nakasulat doon ang kaniyang buong pangalan. Emmanuel James Changcoco. Kumunot nag noo ko. Emanuel. Eman. Iyon ang nasabi ni John Dexter noon na pangalan ng ex ni Francis kaya wala kahit anong katiting na hinala ko na ang lalaking pinangarap ko at n