CHAPTER 24 "Hindi na tayo kailangan pang lumayo para lang mag-usap. Gusto kong marinig lahat mula sa'yo kung bakit mo ako ginagamit? Kung bakit kailangan mo pa akong paibigin para lang balikan ka ni Francis o kaya paselosin." "Ngayon ka pa nagreklamo e halos palabas na tayo ng Maynila? Doon sa sinasabi mong ginamit lang kita? Malabo yun. Hindi ko magagawa iyon. Susubukan kong magpaliwanag Carl kahit alam kong sira na ang tiwala mo sa akin. Hindi din kita kailangan paibigin para lang pabalikin si Francis sa akin. Ako ang nang-iwan at hindi siya. Ako ang hinahabol. May mga hindi sinasabi ni Francis sa'yo. Halos tatlong buwan na kaming wala. Tatlong buwan ko na siyang iniiwasan." Lalo akong naguluhan sa kanilang dalawa. Ano ba talaga! Sino ang nagsasabi ng totoo. Sino an