Naiiling na itinakip ko ang palad sa mukha nang makapasok sa silid.
Hindi ko yata natiis ang inis at nasabi ko talaga iyon sa kanya. Hindi ko na s'ya type...
Totoo naman. Ilang taon din na ganoon ang laman ng isip ko kaya malakas ang loob akong isaboses iyon pero hindi ko naman plinanong sabihin iyon mismo sa kanya!
You're so impossible, Charry!
Ano bang naisip ko at sinabi ko 'yon? That's not a lie, though.
Pero si Sebastian 'yon! Talagang s'ya ang sinabihan ko niyon? Grabe! Baka iniisip na ng lalaking 'yon na gandang-ganda ako sa sarili ko!
Hindi pa nakatulong na parang may isang makulit na demonyong nagcha-chant sa loob ng ulo ko dahil paulit-ulit kong naririnig sa isip ang sinabi.
Talo ko pa ang na-LSS!
Okay. Siguro naman ay hindi isyu 'yon sa kanya. Pinagtatawanan nga lang n'ya yata ako dahil doon. Saka, hindi ko naman kailangang isipin 'yon. Lalo na ngayon. Mas may kailangan akong asikasuhin at 'yon ang dapat kong pagtuunan ng pansin.
Iyon nga ang ginawa ko sa paglipas ng mga araw. Mas naging abala ako lalo na at kinailangan kong asikasuhin ang ilang papers na kailangan sa review center.
Plano ko ring maghanap ng part time habang nagre-review kaya laking pasasalamat ko na may nakita akong malapit lang din sa QRC, ang review center na pinili ni Kuya Road para sa akin. S'ya rin ang nagbayad doon at hindi ko naman puwedeng tanggihan ang kapatid dahil malaki na ang pagtatampo sa akin.
Ilang oras ang trabaho ko sa library na nasa bandang likod ng QRC. Pang-umaga ang schedule ko roon at gabi naman sa café na katapat lang ng review center, pagkatapos ng klase ko sa QRC.
Hectic ang magiging schedule ko pero mas pabor iyon sa akin lalo na at roommate ko pa si Sebastian. Mas mabuti nang busy ako para hindi ko nakikita ang lalaking iyon.
Hindi lang naman ako ang busy. Mukhang kahit s'ya ay abala rin sa kung ano dahil halos hindi ko rin makita sa condo.
"Dad, calm down. Paano kita sasagutin kung ang dami mo agad tanong?"
Sunday at nasa limang araw na yata ang lumipas mula nang magkasagutan kami ni Sebastian. Ngayon ko lang ulit s'ya nakita rito sa condo at mukhang seryoso.
Nasa sala s'ya, nakaharap sa nakabukas na laptop. He's wearing an earpods, mukhang doon may kausap.
Sandali ko lang s'yang tiningnan bago dumiretso sa kitchen. Hawak ko pa ang isang reviewer at lumabas lang talaga ako dahil naubos ang tubig sa kuwarto ko.
"Wala, Dad. I'm fine. Katulad nga lang ng nasa message ko, mag-e-extend ako ng two months at puwede pang humaba iyon."
Sinadya kong bagalan ang pagsasalin ng tubig sa baso. Puwede ko namang dalhin ang pitsel sa kuwarto pero naging interesado rin akong pakinggan si Sebastian.
He's talking to his father, obviously. Dapat nga ay hindi ako nakikinig dahil mukhang personal pero nangungunot na ang noo n'ya at katulad noon, ganito rin s'ya makipag-usap sa kanyang ama.
Malamig. Para bang kung puwede lang ay huwag na n'yang sagutin ang tawag nito.
Hindi nagbago ang parteng iyon ni Sebastian. Hindi ko naman inalam kung bakit parang ayaw n'ya sa daddy n'ya dahil halatang hindi n'ya gustong pag-usapan.
Kaagad akong nagkunwaring abala sa pagbabasa nang sandaling sumulyap s'ya sa akin.
"You can't blame her, though." I saw him sighed.
Is he in bad terms with his father? Maybe.
"I just need to rest, Dad. Gusto kong magbakasyon, I want to do something, hindi ko pa nga lang alam kung ano iyon. I just want to take some time off."
So, he's in vacation? Akala ko ay nakikitira lang s'ya rito dahil under renovation ang bahay n'ya?
Gusto ko pa sanang makinig pero masyado na akong tsismosa kaya umalis na ako ng kitchen. Binagalan ko pa ang lakad sa pag-asang may iba pang maririnig.
So nosy, Charry Faye!
"Nasaan ako?"
Nasa may pinto na ako ng silid ko nang muli s'yang marinig.
"Nasa Singapore ako ngayon, Dad."
Liar!
Dumiretso na ako sa silid at agad isinara iyon. He's obviously lying!
Singapore? Kailan pa naging parte ng Singapore ang Makati Triangle? Kaunting tumbling na lang ay nasa Ayala na kami pero Singapore?
Naiiling na dumiretso na lang ako sa kama at pasalampak na umupo roon. Inilapag ko ang baso sa study table na nasa gilid lang.
I should focus more on reviewing. Hindi iyong kapag may pagkakataon ay nakikitsismis pa ako.
Hindi nga lang madaling gawin iyon dahil nawala na ang atensyon ko sa binabasa. Nahiga ako at tumitig sa puting kisame.
Hindi ko pa rin makuha kung bakit ganoon s'yang makipag-usap sa kanyang ama. At kahit anong isip ko, wala akong maalalang nagkwento s'ya noon ng kahit ano tungkol sa pamilya n'ya.
Ngayon ko lang na-realize iyon.
Inakala kong kilala ko s'ya noon pero hindi pala. Wala pala akong kahit anong alam sa personal n'yang buhay. Samantalang s'ya, alam n'ya ang lahat ng tungkol sa akin, maging sa pinakamadilim na sekreto ko.
And why did he lie?
Nawala lang ang iniisip ko nang makarinig ng katok. Mahina iyon noong una kaya hindi ko pinansin. Baka nahipan lang ng hangin kahit na imposible naman.
Nangunot nga lang ang noo ko nang marinig ang mas malakas na katok.
Is he knocking on my door? At bakit?
Sandaling inayos ko ang buhok bago tinungo ang pinto para buksan.
Agad na tumaas ang kilay ko nang mapagbuksan si Sebastian. Nakataas pa ang kamay n'ya at mukhang plano pa yatang kumatok.
Patay-malisya n'yang ibinaba ang kamay. "Hi!"
Mas nangunot ang noo ko. Is he up for something? Ako lang ba o may kakaiba talaga sa kanya?
"What is it? Busy ako." Iyon ang kaagad na sabi ko lalo at ayaw ko ngang makipag-usap sa kanya.
He glanced inside. Sandaling nagtagal ang mga mata n'ya sa study table na punong-puno ng mga aklat.
"Nakita ko kasing abala ka nitong mga nakaraang araw. Baka lang gusto mo ng tulong... I'm willing to help," aniya pero nasa study table pa rin ang mga mata.
Mas lalo akong napantiskuhan sa kanya. Ano naman kayang trip nitong si Sebastian at nag-o-offer ng tulong?
Pero... wala rin naman akong pakialam. Wala dapat.
"I'm reviewing for my LET exam. Kaya narito ako sa Maynila ay para sa exam na iyon..." I heaved a sigh. "Mas maa-appreciate ko kung hindi mo ako papansinin o aabalahin. Mas okay din kung hindi mo ako kakausapin. Magkunwari kang wala kang kasama rito, mas malaking tulong iyon."
Agad na tumutok sa akin ang mga mata n'ya. Hindi ko alam kung nagulat ba s'ya dahil hindi ko naman s'ya kinakitaan ng kaunting pagkasorpresa.
"What? Pero magkasama tayo rito sa condo! Hindi naman puwedeng ituring nating hangin ang isa't-isa!" He sounded playful, hindi yata sineryoso ang sinabi ko.
Gusto ko sanang maging tahimik ang pananatili ko rito pero hindi talaga puwedeng hindi ko papatulan itong lalaking ito!
Kapag s'ya ang kausap ko, umiikli talaga ang pisi ko!
I chuckled. "Sebastian, hindi tayo magkaibigan para batiin ng hi and hello ang isa't-isa. We don't need to talk to catch up. Hindi rin tayo close para magtsismisan..."
"Wait... wait..." Itinaas pa n'ya ang dalawang kamay. "We used to be friends, Charry."
Hindi ko naiwasang hindi umirap. Ngayon n'ya talaga naisip 'yon?
"Used. Past tense. Nakaraan na kaya hindi mo na dapat na binabalikan pa. That's not important."
Kung kanina ay hindi s'ya nagulat, ngayon naman ay puno ng pagkamangha ang reaksyon n'ya. Kaya mas lalong nag-init ang ulo ko!
Nag-iinit na ang ulo ko pero s'ya, chill lang!
"Is this about what had happened before?" he asked.
Wow! Ngayon pa talaga?!
Gusto ko mang i-zipper ang bibig n'ya pero mas mabuti nang tapusin ko na ito ngayon.
"Seven years ago, sinabi mong kilala mo na ako kahit na ilang buwan pa lang tayong nagkakausap," mabagal na sabi ko. "Sinabi mong ako ang tipo ng taong hindi mag-i-invest ng oras at emosyon sa mga taong alam kong hindi magkakaroon ng ambag sa buhay ko..."
"Hindi kita masundan..." Now, he looks confused.
I almost rolled my eyes. Sebastian and his tricks!
"Isa ka sa mga taong alam kong walang magiging ambag sa buhay ko, Sebastian. Kaya bakit ko gagawing big deal ang nangyari noon?" I smirked. Ako naman ang mang-aasar ngayon. "Iyon ang sagot ko sa tanong mo."
He looked at me like I'm some kind of puzzle.
"I'm sorry for that. Kaya nga gusto kitang makausap para makapag-apologize..." Humina ang boses n'ya.
I tilted my head. "Hindi mo ba ako narinig? Wala na iyon sa akin. Ang nangyari sa nakaraan ay naiwan na roon. Wala nang halaga dahil nakalipas na."
I'm looking at him directly pero pakiramdam ko, ako naman ang nagsisinungaling ngayon.
"Kahit pa, gusto ko pa ring—
"Apology accepted," I answered cooly. "Okay na?"
"Ha?" Mas nangunot ang noo n'ya at halata talaga ang pagkalito sa mga mata.
What the hell is happening here?
Pati tuloy ako ay nalilito na. Kung bakit ba naman kasi ay nawawala sa script itong si Sebastian!
"Kung wala ka nang kailangan, magre-review na ako." I tried to close the door pero pinigilan iyon ni Sebastian, muntik pa nga s'yang maipit.
Sebastian closed his eyes for a bit. "Sandali lang..."
"May nakalimutan ka bang sabihin?" pagtataray ko.
"Hindi na ba talaga tayo magkaibigan, Charry?" His voice sounded hurt.
"Una pa lang, hindi naman talaga tayo naging magkaibigan, Sebastian. May kailangan ako sa 'yo kaya lumapit ako sa 'yo noon. Gusto mo namang bumawi dahil sa mga nasabi mo kaya nagdesisyon kang samahan ako," paliwanag ko pero parang mas para sa akin ang mga salitang iyon. "So, technically, hindi talaga tayo naging magkaibigan. Kinailangan lang natin ang isa't-isa."
"But I treated you as one of my friends back then!" palatak n'ya.
As one of his friends. Kaibigan...
At ayaw ko nang mangyari iyon. Ayoko na s'yang maging kaibigan at mas lalo ang mapalapit ulit sa kanya.
"Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin kilala ang sarili mo?" I shook my head. "It's been years, Sebastian. Huwag na nating sayangin ang mga oras natin sa mga bagay na hindi na nagma-matter."
Hindi na nagma-matter. Wala nang halaga. Hindi importante.
Ganoon nga siguro iyon? Kahit na pakiramdam ko ay hindi pa tapos ang parteng iyon, kailangan pa ring tuldukan.
"Charry—
"Tell me... dahil ba naging malaki ang pagbabago ko? Kaya ngayon ay nangungulit ka na sa akin?"
Nanlaki na talaga ang mga mata n'ya. "What?!"
"Attracted ka na ba sa akin ngayon because I got the curves?" Tumaas ang isa kong kilay. Ayokong sabihin pero kailangan. "Lumalapit ka ba sa akin ngayon dahil pasok na ako sa panlasa mo?"
"Of course not!" He looks pissed.
"Sebastian, I wouldn't jump into your bed. Kaya kung attracted ka na sa akin, help yourself. Wala akong planong pumasok sa mundo mo."
He chuckled. Agad ding nawala ang inis n'ya at naiiling na tumingin sa akin.
"I am not that shallow, Charry. I'm offering my help because you're my best friend's sister. Ngayon, kung ayaw mo, alright!" Naiiling na itinaas n'ya ang mga kamay. "Yeah, tama ka. It's been seven years and... madami nang nagbago."
Hindi ko alam kung paano pero parang nabaliktad ang sitwasyon namin. Kaagad s'yang tumalikod at mabilis naman akong sumandal sa pinto pagkasara ko roon.
What the héll happened?
Naging rudé ba ako? Pero bakit parang ako ang talo? Bakit parang ako ang nasaktan?
Him, pertaining me as his best friend's sister... It hurts a bit.
I moved on, right?
I should have...