Chapter 3

1782 Words
That was our last conversation days ago. Kaya hindi na ako nagtaka nang pagkatapos niyon ay halos hindi na kami magpansinan. It was awkward pero hindi ko matiis na hindi pansinin na kung ano ang trato ko sa kanya ay ganoon na rin ang trato n'ya sa akin. Pabor dapat sa akin pero kabaliktaran ang epekto niyon. Aminado akong hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay ako ang talo sa larong ako ang nagsimula. Busy ang schedule ko kaya mas lalong hindi kami nagkikita kahit na nga magkasama naman kami sa condo ni Kuya. Ewan ko rin ba, para kaming naglalaro ng bahay-bahayan at tagu-taguan nang sabay. Maaga akong gumigising para magluto at mag-asikaso sa pagpasok sa trabaho. Umaalis ako nang hindi pa lumalabas sa kanyang silid si Sebastian. Pagkatapos naman sa trabaho sa library ay dumidiretso na ako sa review center at pagkatapos doon ay sa café na ang punta ko. May ilang oras na pahinga sa pagitan ng mga iyon pero inilalaan ko sa pag-idlip at pagre-review. Pagkatapos ng duty sa café ay diretso ako sa condo. Naglilinis lang ng katawan at pagkatapos ay tutulog na. Naging ganoon ang routine ko sa araw-araw at kahit nakakapagod dahil nakakaumay ay wala naman akong magagawa. Wala na namang dalawang buwan, pagkatapos kong mag-take ng LET ay uuwi na ako. Iyon ang plano ko. Sa Mindoro ko na hihintayin ang result. I also have my plan B sa oras na hindi ako pumasa roon. Natuto na ako. Ayaw ko nang magsayang pa ng panahon at mahinto pa ang buhay ko dahil lang sa mga bagay na hindi ko naman kontrolado. At sa mga nakalipas na araw na iyon, halos hindi ko makita kahit ang anino ni Sebastian. Minsan ay nakikita ko naman s'ya, amoy alak o kaya ay amoy babae. Hindi na rin naman ako nagtataka lalo na at alam ko namang imposibleng walang babae ang lalaking iyon. Kaya mas mabuti nang hindi kami nagkakausap, sinasampal kasi ako ng katotohanan na wala talaga s'yang pakialam sa akin. Sabi nga n'ya, kapatid ako ni Alfonso at kaibigan n'ya ang kuya ko. Nothing less, nothing more. It was Friday. Katulad ng dati ay pasado alas diez na ng gabi nang makauwi ako sa condo. Gusto ko mang magpahinga na ay hindi naman puwede. I still need to do my laundry. Limitado lang kasi ang damit na dinala ko. Isang maleta at isang travelling bag nga lang ang dala ko nang lumuwas. Kalahati pa roon ay mga gamit ko sa pagre-review. "Life here is a bit exhausting," mahinang sabi ko nang pinapanood ang pag-ikot ng washing machine. Mabuti na lang talaga at tamad maglaba si Kuya Alfon, automatic ang washing machine n'ya rito kaya kahit paano ay hindi ako mapapagod. Hihintayin ko na lang na matapos ang pag-ikot niyon. My eyes went to a huge white polo shirt on the floor, nahulog iyon mula sa laundry basket kaya hindi ko nasama. Napailing na lang ako nang pulutin at makilala iyon. It's Sebastian's. His natural scent still lingers on the shirt. Mabango yata pati ang pawis ng lalaking iyon kaya kahit nagamit na ay parang bagong laba pa rin. At dahil sa kulay, kaagad kong nakita ang pulang marka sa may leeg ng shirt. Pabura na pero hindi ako tànga para hindi mahulaan kung ano 'yon. It's a kiss mark. Naiiling na nilukot ko ang shirt bago inis na itinapon iyon sa kanyang laundry basket. Hindi pa ako nakuntento at tinapakan ko pa nang tinapakan ang shirt kahit na nakalubog na iyon sa basket. Wala na akong pakialam kung mapansin n'yang bumakas na roon ang tsinelas ko. Deserve! Bad trip ako at ayoko nang isipin kung bakit. Mas lalo lang akong maiinis. Kaya sa halip na paglalaba lang ang gagawin ay nilinis ko na rin ang buong kitchen. Sa sobrang inis ko ay nagawa kong pakintabin pati tiles ng sahig sa loob lang ng ilang oras. Maging iyong sala ay nilinis ko rin. Bigla akong naging ganado at kulang na lang ay pasukin ko ang kuwarto ni Sebastian para linisin din. "Kailangan ko yatang mag-spray ng disinfectant dito..." Ipinagpag ko ang kamay at pinahid ang pawis sa noo. Malay ko ba kung ilang mga babae ang nadala n'ya rito tuwing wala ako? Mas mabuti nang mawala ang mga germs! Si Sebastian pa? Halata namang hindi nauubusan ng babae ang maharot na 'yon! And by those thoughts, gigil na ulit akong humarap sa mga shelves para 'yon naman ang linisin. Pinagbutihan ko pa ang pagsasalansan sa mga nananahimik na aklat. It took me hours bago makuntento sa paglilinis. Nagulat pa ako nang makitang alas dos na ng madaling araw. Hindi pa nga lang sapat ang mga ginawa ko dahil hindi man lang ako nakaramdam ng pagod at antok. Isa pa, hindi pa umuuwi si Sebastian! Parang ngayon lang yata s'ya inabot ng ganitong oras sa labas! I had enough! Kaya sa halip na isipin pa iyon ay dumiretso na ako sa kuwarto para maligo. Hindi pa nga lang ako dinadalaw ng antok kaya pagkatapos magtuyo ng buhok ay nahiga lang ako. It's almost three when I heard small voices outside my room. Agad akong bumangon para silipin kung nakauwi na nga si Sebastian. I saw him walking drunkily towards the kitchen. He's humming something pero hindi ko alam kung ano. He smells alcohol! Halata namang lasing lalo at tumatawa pa pero wala namang kausap! Baliw lang. I saw him covered his mouth with his hand. Akala ko nga ay susuka pero mabuti na lang na hindi kung hindi ay isusumpa ko talaga ang lalaking 'to! He stopped midway. He cursed pero hindi rin malinaw sa pandinig ko. Maya-maya pa ay humalakhak na si Sebastian. I frowned. Is he drunk or he's just... crazy? Maybe both. He murmured something. Hindi ko nga lang ulit nadinig. Nang nasa kitchen na ay halos yakapin n'ya ang ref. Isang pitsel ng tubig ang kinuha n'ya roon at halos ubusin n'ya ang laman. Napailing na lang ako. Hindi naman kasi umiinom ng madami itong si Sebastian, base sa pagkakatanda ko. Ayaw na ayaw n'ya ng nalalasing kaya hindi ko alam kung bakit parang ginawa n'yang tubig ang alak. I saw how he struggled to stand straight. Mukha rin s'yang nasisilaw sa tuwing napapatingin sa ilaw sa kisame. Hinihilot pa n'ya ang ulo at sinasabunutan ang buhok. I sighed while looking at him. Hanggang ngayon ay hindi pa rin n'ya ako napapansin. Iiwanan ko ba rito ang isang ito na ganito? "I need a cold warm..." bulong n'ya habang nakapikit at nakasandal sa refrigerator. Hindi na ako nakatiis at lumapit na. "Sebastian..." I saw how he tightened his grip on the pitcher. Nagulat yata sa biglang paglitaw ko. He whispered a curse. "I almost hit you..." Muli n'yang hinilot ang noo. "What are you doing?" Lumapit ako at halos masuka nang maamoy ang alak mula sa kanya. Kaya naman pala lasing na lasing! Lahat yata ng klase ng alak ay ininom kaya kumapit na sa kanya ang amoy! "Naligo ka ba ng alak? Bakit ang baho mo?" He whistled before chuckling. "I'm drunk... alright?" Sinubukan n'yang maglakad pero halos yakapin naman ang counter top dahil nag-eekis ang mga paa. Ni hindi nga nga s'ya makatayo nang maayos! "Alam kong lasing ka..." Inis na tiningnan ko s'ya. "Are you okay?" He's now leaning on the counter top. Bahagya s'yang natigilan at litong tumingin sa akin. Mas nangunot naman ang noo ko. Ganito ba malasing ang isang 'to? Mabuti at nakauwi pa, baka napagsamantalahan na ito kung hindi! "S-Sandali nga lang..." "Wait, anong gagawin mo?" I stepped backwards. Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata nang lumapit s'ya sa akin. At ang walanghiya, pinisil lang naman ang pisngi ko! "Aray! Dàmn it, Sebastian!" Inis na pinalo ko ang kanyang kamay na nakahawak pa sa pisngi ko. "Nagmumura ka rin pala, Ma'm." Humalakhak pa ang gàgo. Hindi pa ako nakakabawi sa kabaliwan n'ya nang bigla na lang s'yang maghubad ng suot na kamiseta. "Hoy! Anong ginagawa mo, ha?" Nilingon n'ya ako. He playfully put his finger on his lips. "Ikaw iyong imagination na ang ingay-ingay." Sumenyas pa s'ya sa akin ng shhh. I felt my jaw dropped. Akala ba n'ya ay imagination lang ako? "I need a cold bath!" He massaged his temple. "My head felt like spinning." Inis na napapadyak ako. "Kung hindi ka uminom, e'di sana hindi umiikot 'yang mundo mo!" Hindi nga lang ako pinansin ng damuho. Pasuray-suray na dumiretso s'ya sa living room and to my horror, he removed his pants! "What the heck are you doing?" malakas na sigaw ko. Napasunod talaga ako sa kanya dahil balak pa yatang mag-burles dito! Again, he ignored me. Tawa pa s'ya nang tawa, walang pakialam na may nae-eskandalo rito! "Sebastian!" Kulang na lang ay hilahin ko s'ya nang ihagis n'ya ang pantalon sa kung saan. "Ang ingay-ingay mo naman, Ma'm!" Aba't s'ya pa ang may ganang magreklamo! Ako na ang napamasahe sa ulo. Dapat talaga ay nagpilit na lang akong matulog! Walang sense kung kakausapin ko pa ang lasing na 'to at naloloka ako sa mga ginagawa n'ya! "You should stop nagging. Don't even talk..." He giggled. "Magagalit si Charry... mataray pa naman ang isang 'yon. Baka awayin ka pa n'ya!" Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata pero tumawa lang na parang baliw. "Lasing ako..." He laughed again. "Hindi kita mapagtatanggol kapag inaway ka ng supladang 'yon, sige ka! Ikaw din!" He even warned me! Nasapo ko na lang ang ulo at napailing sa stress. Dàmn it! He's too drunk to notice that he's talking to me! At hindi rin ako handa sa lasing na version n'ya! I didn't expect him to remove his boxer in front of me. I shrieked. Agad akong tumalikod. "You're too loud for being imaginary." I heard him chuckle. "Nakakadiri ka, Sebastian!" Nilingon ko s'ya at muli na naman akong napatili nang makitang wala na s'yang kahit anong suot! I froze there. Alam kong lasing s'ya at hindi lang naman ito ang unang beses na nakita ko s'ya sa ganitong estado pero may nakatakip sa kanya that time! And yes, Sebastian was built differently. Matagal ko nang alam iyon. He's more blessed na para bang pinagbuti ang paghulma sa bawat parte ng kanyang katawan. Mula sa mukha going to his body at hanggang sa mga kuko n'ya sa paa. But... hindi ako handang makita s'yang hubo't hubad! Especially now that his glory is exposed to my eyes like it's waving at me! He walked towards his room at malalampasan ako. Bago ko pa magawang paalalahanan ang sarili na lasing itong kaharap ko, my fist already landed on his face. "Tàng ina ka, Sebastian!" And right there and then, he was knocked down.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD