“Charry!” Kuya Alfonso’s voice broke into my thoughts. Kaagad akong nawala sa pagkakatulala. Ni hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang akong nawala sa sarili. Muling natuon sa screen ng laptop ang atensyon ko. “K-Kuya…” Kuya Alfon looked at me intently. Nasa mga mata n’ya ang kaunting padududa. He looks confused, too. Hindi ko nga lang alam kung bakit ganito ang itsura n’ya. Para bang may gusto s’yang sabihin na parang gusto rin n’yang ilihim na lang. “Are you alright, Kuya? Akala ko ba ay tatawag ka kagabi? Naghintay ako…” I said after looking at him. “Bakit parang namayat ka yata riyan? Kumakain ka ba riyan sa Canada o sobrang daming trabahong ipinapagawa sa ‘yo si Kuya Road?” Ilang buwan lang naman s'yang mananatili sa Canada pero mukhang bumagsak na ang katawan n'ya. My bro