Chapter 27

2454 Words

“Sigurado ka na ba rito?” Pinigilan kong mapangiwi. Hindi ko akalain na ang may-ari nitong coffee shop na pinagtatrabahuhan ko ay ang isa sa mga kaibigan nina Kuya Alfon! Nakangisi pa ngayon sa akin itong si Kuya Chris habang nakapangalumbaba, nasa kamay n’ya ang resignation letter na noong nakaraang linggo ko pa ipinasa. “Yes… sir,” mababa ang boses na tugon ko, gulantang pa rin. Hindi naman kasi ito ang main shop kaya hindi talaga nagagawi rito ang pinaka-may-ari nitong chains of coffee shop na ‘to. Mas madalas pa nga yata ang pagpunta rito ng mga mystery shopper para tingnan kung sumusunod ba ang coffee shop sa standard procedures na base sa manual ng kompanyang humahawak nito kaysa sa nagmamay-ari rito! Isa pa, ang alam ko ay law firm ang business nitong isang ito. Angkan ng mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD