Chapter 26

2000 Words

"Charry! Focus!" Lumabi na lang ako nang marinig ang nai-stress na boses ni Sebastian. May isang oras na yata mula nang makauwi kami. Twelve thirty na ng umaga at nakikisali s'ya sa pagpupuyat ko. Nakasanayan ko na kasing mag-review kahit isang oras bago matulog. Nag-offer naman s'ya na re-review-hin nga n'ya ako. At ito na nga ang kanina pa n'yang pinoproblema. Wala akong naiintindihan sa mga binabasa n'ya at sa mga tanong na ibinabato n'ya sa akin. Thirty minutes na yata n'ya akong sinasabihan na mag-focus pero wala, e. Tulala lang talaga ako at kung saan-saan na napupunta ang isip ko. "Akala ko ba, gusto mong mag-review?" supladong tanong n'ya. "Bakit kasi hindi mo sa akin sinasabi kung bakit hanggang ngayon ay inaabangan ka pa rin noong babaeng iyon?" ulit ko. Ilang beses ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD