Bago matapos ang English period ay nagbigay ng assignment si Mrs. Reyes. Ganun daw talaga kasi sya magpa assignment, by two students. Lahat ng tinuturuan nya ay ganun.
Hindi ko alam kung paano i a approach yung Joon. Hello? Mukhang nangangain ng tao eh.
Recess. Nag iipon ako ng lakas ng loob para i approach sya. Mukhang wala syang balak mag recess dahil hindi ito tumayo mula sa kinauupuan nito.
I stood up, pero tumayo rin sya. Sinundan ko sya hanggang sa maka labas sya ng building. Nauna ako maglakad para pumunta sa harap nya. I stood in front of him. Naka yuko kasi sya, busy pa rin sa cellphone.
"Hi." Sabi ko.
Unti unti sya'ng nag angat ng ulo.
"Ikaw?!" Sabay na sabi namin, sabay turo sya sa akin, ako naman sa kanya.
"B-bakit ka nandito?" Yung walang modo na lalaki na naka bangga ko kagabi yung Joon! Kaya pala pamilyar yung boses. Hindi ko na napansin yung benda sa kamay nya kasi may gloves sya na suot.
Tinitigan nya lang ako.
"Hoy, hindi mo na ba ako natatandaan? Binangga mo ako kagabi sa hospital tinawag mo pa ako'ng bobita! How dare you!" Bumalik lahat ng inis ko sa katawan.
Joon just licked his lips. Hindi ito nagsalita at linagpasan lang ako.
"Hoy!" Tawag ko, mabilis ko syang sinundan.
"Pwede ba, kung may problema ka, huwag ako ang guluhin mo! Peste!" Matalim ang mata na sabi sakin nung Joon.
Scary, alright. Ilang segundo din ako'ng na froze sa kinatatayuan ko, but na realize ko na kailangan ko syang kausapin tungkol sa assignment.
Hinabol ko sya ulit.
"Ano na naman ba?!" Now he look irritated.
"Y-yung assignment sa english.. paano yun?" Kumalma na ang boses ko.
"Ah." Nawala ang iritasyon sa mukha nito. Tinago nya sa bulsa nya yung cellphone nya. "Edi gawin mo, tapos sabihin mo bukas, ginawa natin. Tapos." Sabi nya, muling naglakad.
I was left stunned.
The nerve of that guy! Akala nya ba, isasama ko sya sa effort ng pag gawa ko ng assignment later? Manigas sya, no!
Pumadyak ako pabalik sa room. Nagbaon naman kasi ako ng sandwich at tubig. See, hindi naman masyado mahirap maging mahirap. I am trying hard to convince myself that it's okay to be poor.
"Look, yung prinsesa, nag tatyaga sa sandwich."
Mula kung saan, sumulpot na naman yung anti fan club ko sa mga kaklase ko. Naiinis na talaga ako, a. Why do they have to bully me? Wala naman ako'ng ginagawa, at hindi ko naman kasalanan na naging mahirap kami at doon ako pumasok.
Hindi ako nagsalita at itinuloy ko na lang ang pagkain ko.
"Ang hirap talaga kapag mayaman ka, tapos bigla ka'ng naging mahirap." Sabi pa nung isa.
Apat sila, eh. Mas mukha nga silang walang baon kasi hindi sia kumakain.
Hindi pa rin ako sumagot.
Kung anu ano pa ang sinasabinila, nakakawalang gana kumain kaya sa inis ko, umalis ako. Dinala ko yung bag ko at naglakad lakad sa campus hanggang sa makarating ako sa gilid ng gym. Kumuha ako ng bato at bumato randomly.
"Aray!" Biglang may sumigaw.
Nanlaki mata ko. What? May natamaan ba ako? Pero wala namang tao.
Lumingon lingon ako. Puro batuhan, mga sirang kotse at upuan lang ang nandun.
Aalis na sana ako ng may biglang humarang pagtalikod ko, muntik ko na mabangga.
"Ikaw ba yung nagbato?" Inis na tanong nung lalaki. Hawak hawak nito yung noo nya, and yes, may bukol. Hala.
"S-sorry. Hindi ko alam na may tao." Nag peace sign pa sya.
"Ano'ng sorry? Maaalis ba ng sorry mo ito'ng bukol ko, ha? Ganun ba kadali yun?" Singhal ng lalaki sa akin. Himas himasnya pa rin yung noo nya na may bukol.
Geez. Ganito ba mga studyante dito? Grabe.
"Hoy, magsalita ka, kinakausap kita!"
"Sorry na nga, eh. Alam ko ba na andun ka, kung saan ka man naroroon kanina?" Tinarayan ko na rin sya. Hindi ko naman talaga alam eh.
"Kahit na, no! Bakit ka ba nagbabato?"
"Ah basta, sorry. Sige aalis na ako." Naglakad na ako pero nahawakan nya ang braso ko.
"Ano'ng aalis ka na? Hindi pwede! Ilibre mo ako ng lunch! Dahil sayo nagka bukol ako." Demand ng lalaki.
"What? Are you crazy?!" Salubong ang kilay na sabi ko.
"Ini ingles ingles mo pa ako, ha? Naiintindihan ko yan, no. Ah basta, ilibre mo ako." Hinila nya ako.
Pumiglas ako at pilit inaalis ang pagkaka hawak nya sa braso ko.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Nang makabitaw ako sa kanya ay dali dali ako'ng tumakbo.
"Hoy babae! May utang ka saken, kala mo ba!" Narinig ko pa ang sigaw nya habang tumatakbo ako papalayo.
Humihingal ako na dumating sa classroom. Madami na ulit studyante dun, at hindi nagtagal ay dumating na ang teacher.
Uwian. Palabas na akong gate at didretso na sana sa pagsakay ng jeep ng may humawak sa braso ko. Lumingon ako at nakita ko yung lalaki na may bukol.
Hinila nya ay palayo sa sakayan, at palapit sa gate.
"Ano ba? Uuwi na ako!" Pagtataray ko sa kanya. Sinukbit ko ulit yung bag ko na nalaglag sa balikat ko ng hilahin nya ako.
"Ano'ng uuwi? Hindi pwede, no. May utang ka pa sa akin! Tingnan mo to'ng bukol ko, hindi pa rin nawawala!" Itinuro nya pa sakin at pinagduldulan yung nananampal sa laki na bukol nya sa noo.
Ngumiwi ako. "Eh ano'ng gusto mo'ng gawin ko? I can't undone what happened!"
Hinila nya pa ako papalapit lalo sa kanya. "Ano pa bang magagawa mo, edi gagamutin mo to!"
I can smell his manly scent. Grabe, parang hindi high school student ang isa'ng ito.
"Hello! Hindi naman yan sugat para magamot. It'll fade, eventually." Nakataas ang kilay na sabi ko. Tinulak ko sya ng mapansin na may mga ibang studyante na rin ang nagtitinginan at may mga nagbubulungan pa.
"Look, bakit kaya magkausap yang babaeng yan at si Shin? Magkakilala ba sila?" I heared someone said.
"Si Shin ko? Oh my God. Bakit sila magkausap?" Sabi pa ng isa.
Shin? Shin pala ang pangalan ng tukmol na ito.
"Aish!" I heared him say. They hinawakan nya na naman ako sa braso at hinila pabalik sa loob ng school.
Pumiglas ako. "Hoy, ano ka ba? Uuwi na ako! Bakit mo ba ako hinihila pabalik! Walang hiya kang tukmol ka! Hoy!" Wala na ako'ng pake kung pagtinginan na kami. Napaka barumbado naman ng lalaki na ito. Akalain mo bang halos kaladkarin na ako pabalik sa loob?
Patulak nya ako'ng binitiwan ng makarating na kami sa gilid ng canteen.
"Anak ng! Napaka ingay mo naman! Daig mo pa ang nire-r**e ah!" Nagkamot ito ng ulo.
"Hoy, ang kapal naman ng mukha mong tukmol ka! Never pa ako'ng nakaladkad ng sino, tapos kung hilahin mo ako, kala mo kung sino ka?! Ano ba kasing gusto mo, ha?!"
Napalabi ang lalaki. "Ano'ng tinawag mo sa akin, tukmol? Aba! Sumusobra ka na! Hindi na lang physical damage ang nagawa mo sakin, pati emotional na rin!" Tinuro nya pa ako ng daliri nya.
Umurong ako. "Ah, basta. Tukmol ka." Diniinan ko pa ang pagkakasabi ko.
Naglakad sya palapit sa akin. I thought sasaktan nya na ako or what kaya napa pikit ako, pero he walked past me. Nilingon ko sya.
Lumapit yung lalaki sa isa'ng motor. Big bike na nga iyon. It was all black with red details. May pangalan sa harap ng gulong. SHIN. Binato nya sa akin yung helmet na kulay pink, mabuti at nasalo ko.
"W-what is this?"
Tumawa yung lalaki. "Helmet, ano pa? Bobo ka ba?"
What's with boys in this school? Uso ang word na bobo?
"You jerk! Alam ko na helmet ito!" Pumadyak ako palapit sa kanya, sinusuot na nito ang itim nito'ng helmet. "Wy are you giving this to me?!"
Bigla nyang hinablot ang bag ko, at mabilis na nilagay sa parang storage sa ilalim ng upuan ng motor nito, at ini lock.
"What the! Ano ba?! Give me back my bag!" Sumigaw na ako ng time na iyon.
"Aish!" Sumakay ito bigla at inistart na ang motor. "Ano, sasakay ka ba o hindi?" Tanong nya.
Nanlaki ang mata ko. "What? And why would-" Bago pa ako maka dada, ay hinila nya na naman ako palapit sa motor.
"Hindi mo makukuha yung bag mo kapag hindi ka sumakay." He was grinning, i am sure of that.
"This is insane! I don't even know you! And why are you even have that thing? Aren't you suppose to have license bago magkaroon nyan, and you are just a high school student!" I exclaimed. Hindi ko na gusto ang nangyayari.
Tumawa yung lalaki, inalis ulit yung helmet at nilingon ako. "Sasakay ka o mag good bye ka na sa bag mo?"
"Damn it!" Sa inis ko ay sumakay na lang din ako.
Dahil naka palda ako ay patagilid yung pagsakay ko.
"Yumakap ka sa bewang ko." Sabi nung lalaki.
"Ayoko---aaaaaahhhhh!" Biglang pinaharurot yung motor, and i have no choice but to hug him on his waist, and curse him on my mind.
I saw some of the girl student's unhappy face when they saw me with this guy.
Crush ba nila to'ng tukmol na ito? He's good looking, yes. But he's rude! And very ungentleman, My God! Why do they like men like this guy and Joon? Errr.
Tumigil kami sa parking lot ng isa'ng building. BLACK RIDGE CONDO.
"What are we doing here?" Nagmamadali ako'ng bumaba palayo sa tukmol na ito.
Hindi sya sumagot. Kinuha nya ang susi ng motor nya, tinanggal ang helmet at ipinwesto ito sa tagiliran nito habang hawak nya.
"Tara." Sabi lang nito sa kanya.
I decided not to talk him out of it. Kung may gagawin man syang masama sa akin ay marami namang tao, and i learned a bit of taekwando. A bit, dahil hindi ko tinapos. Hindi na ako umattend ng 3rd meeting dahil tinamad na ako.
We rode the elevator. We went out on the fifteenth floor. He unlock door 1506.
"Welcome sa bahay ko." Sabi nya.
Nanlaki ang mga mata ko. "What? Sayo to? How can you even..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may bata ang bigla na lang sumulpot kung saan.
"Hyung! dangsin-eun neujge!" Salubong nito dun kay Shin.
"Mian ildeul-i e chamseog haeya" Sabi naman nung Shin. Umupo ito sa harap nung batang lalaki at ginulo ang buhok nito.
Nang parang mapansin ako nung bata, tiningnan nya ako, tapos bumalik ang tingin nya sa lalaki. "Who is she, Hyung?" Itinuro nya ako. Nag english yung bata!
Tumayo yung lalaki at tiningnan ako. I was just standing in front of them like a stupid person out of place.
"Ah." Sabi nito. "Sino ka nga?"
"A-aura." Mahinang sagot ko.
"Geunyeo ui yeoja chingu?" Parang inosente na tanong bata.
Dang! I really can't understand them. Chinese ba ito'ng mga to?
"Anio." Umiling yung lalaki. "Where's Yaya?"
Itinuro nung bata yung kusina.
Tumango yung lalaki. "Dangsin-ui sugje leul wanlyo , al-assji?"
Ngumiti yung bata tapos tumango, at patakbo na bumalik sa kusina.
Bumaling yung lalaki sakin. "Pakisara yung bibig mo, baka pasukan ng masamang elemento." Natatawa na sabi nito.
Fudge! Naka nga nga pala ako habang naka tingin sa kanila!
"K-kapatid mo? Chinese ba kayo?" Tanong ko.
Naglakad yung lalaki papunta sa malawak na living room. All white ang paligid!
"Yes, and no. Korean." Pasimple na sagot nito. "Wait there." Sabi nito. May pinasukan ito'ng kwarto, at nang bumalik, may dala na ito'ng towel. Dumiretso ang lalaki sa ref, kumuha ng ice cubes, nilagay sa bowl tapos inabot sa akin.
"A-anong gagawin ko dito.?"
"Ano pa, diba sabi ko gagamutin mo bukol ko?"
"Ano? Ako pa ba ang gagawa nito?!" Gulat na tanong ko.
Umupo yung lalaki sa sofa, at itinaas yung mga paa sa lamesa. "Bilis."
I sighed. Ano ba namang tao to. Pambihira! Parang maglalagay lang ng yelo sa bukol, ako pa talaga?! Hay!
So i put some ice cube in the towel at nilagay sa bukol nya. Dahil medyo malapit ako sa mukha nya, napansin ko kung gaano sya ka flawless. Shet. Nakakahiya naman yung mga blemishes ko at black heads. Hindi ko na afford maypa derma ngayon!
Unti unti na bumabalik ang mga bangungot ng pagiging mahirap!
He leaned his head sa sandalan ng sofa. Pumikit ito,tila ninanamnam ang lamig ng yelo.
"Ano ba naman yan? Matatanggal ba agad yan kung hindi mo nilalagyan ng pressure?" Pagalit na tumingin yung lalaki sa akin.
Marahan ko'ng diniin.
Nagulat ako ng hinawakan nya yung kamay ko ay idiniin iyon.
"Ganyan gawin mo. May importante ako'ng lakad bukas kaya dapat wala na bukol ko bukas." Naka pikit pa rin na sabi nito.
Nang inalis nya na ang kamay nya ay nawala na ang pagkaka diin ko. Para ako'ng nanghina bigla. Parang feel na feel ko yung biglang pag hawak nya. What the eff?!
Biglang nag ring yung cellphone nya. Bahagya nyang tinabig ang kamay ko, at sinagot yung tawag. "Ne?" Sabi nito. Then he just listened. Tapos bigla na lang syang napa tayo. "Pupunta ako dyan. Ngayon na." Bigla nito'ng ibinaba yung hawak na cellphone sa sofa.
Binunot nito wallet nito galing sa back pocket ng suot nitong uniform tapos, naglabas ng one thousand pesos at inabot sa akin. "Here. Mag taxi ka na lang pauwi, i have to go."
And then he went.
Ang bilis ng pangyayari, para ako'ng tanga na naiwan dun!
AT YUNG BAGO KO PALA, NASA MOTOR NYA!