Kahit masakit ang tuhod ko dahil sa sugat na galing sa pagpatid sakin ng mga maldita ko'ng kaklase, hindi nun napigilan ang pagtakbo ko sa hospital ng may tumawag sa akin para sabihin na isinugod daw sa hospital si Kuya Alis.
Nagtanong ako sa nurse at itinuro naman ng nurse kung nasaan si Kuya.
Natural na wala ito sa isa'ng private room. Mahirap na kami ngayon.
"Kuya? What happened? Why are you here?" Agad na tanong ko nang makita sya'ng naka higa sa isa'ng hospital bed kahilera ng iba na tanging tela lang ang pagitan.
"Aura, bakit ka nandito?" Sabi nya na parang hirap na hirap.
"Kuya, ano ka ba naman? Ikaw ang nakahiga dyan, hindi ako. Ano ba ang nangyari?" Inis na sabi ko.
Umiwas sya ng tingin. "Aksidente sa basketball practice kanina."
Nasa private school pa rin si Kuya kasi varsity player sya. Ako naman, sa public high school na pumapasok. Pareho kaming fourth year ni kuya although matanda sya sa akin ng isang taon. Nagkasakit sya before and he had to stopped going to school for almost a year kaya sabay na kami nung pumasok sya, but never kami naging magka klase.
And it's our second month being poor.
May pakiramdam ako na hindi iyon ang totoong dahilan. Masyado'ng kahina hinala yung pasa sa braso nya. Nang may dumating na nurse, tinurukan pa sya ng pain killer.
"Alam na ba ni mommy?" I asked him.
Umiling si Kuya. "No, just don't tell her. Kaya ko to. Mamaya lalabas na ako." Ngumingiwi na sabi nito. "Umuwi ka na, baka mag alala pa si mommy."
"Ano? Hindi kita pwede'ng iwan dito kuya."
"Aura huwag ka ng makulit! You go home, I can manage. May pera pa naman ako dyan para pang bayad dito. Please."
Wala ako'ng nagawa kundi iwan sya.
Wala ako sa sarili habang palabas ng hospital ng may mabangga ako.. este mag bumangga sa akin na lalaki na may benda ang kamay.
"Aray!" Napa upo ako dahil sa lakas ng impact.
"Ano ba? Tatanga tanga ka eh." Narinig ko na sabi nung lalaki.
Agad ako'ng tumayo at nagpagpag ng palda. "Aba! Ikaw na to'ng naka bangga, ikaw pa ang galit!" Inis na sigaw ko.
"Hoy, para sabihin ko sayo, ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo!" Dinuro pa ako ng lalaki. Dahil doon ay nakita ko ng maayos yung mukha nya.
Gwapo... Kuminang ang hikaw na suot nito sa kaliwang tenga nito. May sugat sa labi, tapos may band aid sa bandang kilay.
Hindi ako agad nakapag salita, naging busy na ako sa pagtingin sa mukha nung lalaki. He was taller than me, pero since hindi naman kami gaano magkalapit, hindi ko kinailangan na tumingala ng bongga.
"Hoy? Bobita, umalis ka nga dyan. Peste naman oh." Iiling iling na sabi ng lalaki, na linagpasan lang ako.
"Aba? Hoy, walang hiya ka'ng lalaki ka. Walang modo!" Sabi ko pa. Wala na ako'ng pake kung pagtinginan kami ng mga tao sa lobby.
Hindi na ako nilingon nung lalaki. Tinawag ba naman ako'ng bobita? Kainis!
Umalis na rin ako bago ko pa maisipan na batuhin ng sapatos yung epal na yun.
Dahil sa inis, nagsisipa ako ng bato sa labas. Grabe makapag salita yung lalaki na yun, it's my first time being called bobita, the heck! Me and my friends curse at times and call us different names pero never ang BOBITA! asar!
Hindi na nawala ang inis ko kahit naka uwi na ako.
Naabutan ko si mommy na nanunuod ng tv habang nag gagantsilyo.
Thrity nine years old na si mommy pero maganda pa rin sya. Mukha lang syang late twenties, ayon na rin sa ibang tao. At hindi sya bagay umupo sa mumurahing sofa na iyon, habang nanunuod sa maliit at hindi pa flat screen na tv.
Pero ano ang magagawa namin? Mabuti nga at naka kuha pa kami ng kaunting pera galing sa na bankrupt na company ni lolo. Hay.
"Andyan ka na pala. Kumain ka na at baka lumamig na yung niluto ko." Nilingon ako ni mommy mula sa pagtayo ko sa pinto.
"S-sige po." Sabi ko at dumiretso sa kusina matapos ilapag sa lalagyan yung bag ko.
Mabuti na lang at kahit noong mayaman pa kami, on hands na talaga si mommy sa pag aalaga sa amin kaya hindi sya mahihirapan mag adjust. Marunong sya magluto at gawaing bahay, ako lang naman ang hindi. >.<
"Hindi ba nagtext sayo kuya mo? Late na kasi. Dapat mas mauna sya maka uwi kasi mas malapit school nya sayo." Tanong ni mommy na nakatutok pa rin sa tv ang atensyon.
Napatigil ako sa pag subo. "Ah, h-hindi po eh. B-baka nagpa practice pa po." Pagsisinungaling ko. Mabuti at nakatalikod si mommy, kung hindi mapapansin nya na medyo nanginig ako.
"Ganun ba?" Sabi na lang ni mommy. "Takpan mo na lang yung matitira mo na ulam kasi sigurado na gutom kuya mo mamaya pag uwi."
"Opo mommy."
Pero hindi umuwi si kuya nung gabi na yon. Nagtext sya sa akin na sabihin kay mommy na sa bahay na lang nila Argie sya natulog since may project pa daw sila na tatapusin. Hindi ko alam kung totoo yun o hindi, pero yun na lang ang sinabi ko kay mommy.
Ayaw ni kuya ng masyado ako'ng matanong, madali sya mairita. Pero hindi ko maiwasan mag alala para sa kanya, lalo na at naospital pa sya.
"Oh, ano'ng nangyari sa tuhod mo? Bakit may sugat ka?"
Uh-oh. Nakalimutan ko na nagkasugat nga pala ako kahapon at naka shorts lang ako ngayon habang nagsasandok ng agahan.
"W-wala po mommy, n-nadapa ako." I lied, again.
"What? Ano ka ba naman, Alaura. Ang laki laki mo na, nadadapa ka pa? Patingin nga!" Umupo si mommy sa harap ko at tiningnan ang sugat ko. Umiling iling ito. "Matatagalan na matanggal ang peklat nyan."
Napangiwi ako sa sinabi ni mommy. So kailangan talaga na naka pants ako kapag aalis.
Nilinisan ni mommy yung sugat ko pagkatapos ko maligo at mag bihis. Naaawa talaga ako sa kanya. Dati, hindi nya kailangan gawin ito kasi may mga katulong na handang gumawa noon para sa amin.
"Mag iingat ka na ha? Ikaw talaga. Sige na pumasok ka na at baka ma late ka pa." Sabi ni mommy matapos ako bigyan ng baon.
Nakakainis. Bakit ganun? Hindi naman kami naging masamang tao. Hindi kami naging matapobre, lalo na si lolo. Ang dami dami nyang natulungan, tapos na bankrupt lang sya, na dahilan ng pagka matay nya dahil sa atake sa puso.
Maaga pa naman kaya nilakad ko na lang ang papunta sa sakayan ng jeep imbes na mag tricycle pa. Kailangan ko na magtipid, at malapit lang naman.
May mangilan ngilan ako'ng mga schoolmate na kasabay sa paglalakad. What do i expect? Public High School na ang pinapasukan ko ngayon, wala ng pabonggahan ng kotse na maghahatid, or padamihan ng yaya na aaalay once na naka baba ka na sa kotse.
I sighed.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, miss."
Napatingin ako sa gilid ko at napatigil maglakad. May nakita ako'ng lalaki na naglalakad na pala sa tabi ko at hindi ko napansin. Tumigil din sya maglakad ng tumigil ako.
"Did i startled you?" Nakangiti na sabi ng lalaki. Ang puti puti nito. Nahiya ang kaputian ng balat ko. He is tall, at nananampal ang amoy ng pabango nya. And it's Armani, i'm sure of it. Ganito ang amoy ng pabango ni Daddy.
Nagsalubong ang kilay ko. "Do i know you?" Regardless of gaano man sya ka stunning, mahirap na. Baka masamang loob ito.
"No, but now you will. I am Min Jae." Inilahad ng lalaki ang palad sa harap ko. I looked at it, then sa mukha nya. Doon ko napansin na singkit nga ito.
Nagdalawang isip ako kung aabutin ko.
"Hey, we're school mates. Don't worry, i won't do harm." Paninigurado nito. Parang napaka cheerful naman ng lalaki na ito?
"Aura." Tipid na sabi ko bago naglakad ulit. Hindi ako nakipag shake hands sa kanya.
Humabol yung lalaki.
"Ang sungit mo naman. Nakikipag kilala lang naman eh." Naka nguso na parang bata na sabi ng lalaki habang sumasabay na naman sa paglalakad ko.
Hindi ko sya pinansin.
"Three days ago pa ang pasukan pero ngayon pa lang ako papasok. Hay. Nakaka tamad naman kasi. For sure wala pa naman masyado ginagawa, or wala pa naman ginagawa." Sabi ng lalaki habang nasa likod ng ulo nito ang dalawang kamay nito.
Hindi pa rin ako sumasagot or hindi ko pa rin sya pinapansin.
Mahigit na fifteen minutes pa ang lalakarin para makarating sa school. Don't tell me na mag tatyaga ako sa kaka kinig ng mga kwento nito?!
"Maganda ba sa North? Transferee lang kasi ako." Patuloy pa na sabi nito.
Kating kati ako na sabihin na transferee lang din ako pero hinayaan ko na lang sya na magtatalak.
Tumigil kami sa paglalakad dahil naka GO pa ang mga sasakyan. Nang mag stop na ang sasakyan ay marami na kaming kasabay, at hindi pa rin tumitigil ang lalaki.
"Sana magustuhan ko na dyan. I badly need to graduate this year. Hay." Sabi pa ng lalaki.
Nang malapit na kami sa school ay nagulat ako dahil puno ng studyante sa labas ng gate.
"T-teka, may program ba?" Out of the blue ay tanong ko.
"Ewan." Sumagot naman ang lalaki.
Bago pa ako makapag salita ulit ay mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Sumugod papunta sa amin yung mga babaeng studyante, may hawak na mga box na parang regalo ang mga ito.
"Min Jae, please tanggapin mo yung gift ko." Sabi ng isang babae, inaabot sa lalaki yung dala nya.
"Eto rin Min Jae."
"Eto pa Min Jae. Ako nag bake nyan."
"Min Jae, inorder ko pa sa Singapore ito, please tanggapin mo."
Isa isa nagbigay sa lalaki ng mga regalo ang mga ito. Hindi naman ako maka galaw sa kinatatayuan ko. What is he, some kind of a celebrity? Nagkakamot lang ng batok ang lalaki.
Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako umalis doon. Nagtutulakan na sila para makalapit sa lalaki, tapos ako natulak na palabas sa kumpulan. Pumikit ako ng mariin, at nag desisyon na maglakad na papasok sa gate.
Ten minutes early pa ng pumasok ako sa room.
Napatingin ako sa bintana sa corridor. I saw 'Min Jae' walking. Ang dami nito'ng dala dala na mga box at plastic.
"Wow. Totoo pala, lumipat nga dito si Min Jae." Sabi ng katabi ko na si Kaye.
Nagbulungan din yung ibang mga kaklase ko. Seriously, who is this Min Jae guy?!
"Di mo sya kilala?"
Parang nabasa ni Kaye ang utak ko at tinanong ako.I nodded.
Nanlaki ang mga mata nya. "Ano ka ba, mayaman din yan eh. Diba mayaman ka rin dati? Hindi mo pa ba sya nakikilala?"
Umiling ako ulit.
"Hmmm. Baskteball player yan, playboy nga lang. Ang alam ko, na dismiss sya sa private school kasi may ginawa sya, kaya balibalita na dito daw sya papasok. Totoo pala."
I looked at him again. Halatang pilit na lang ang ngiti nito, at hirap na hirap sa pagkarga ng mga regalo sa kanya.
"Gwapo naman sya, diba?" Tanong ni Kaye ng mawala na sa paningin namin si Min Jae.
Sasagot na sana ako ng biglang tumahimik ang paligid. Nakita ko na may lalaki na naka jacket na itim ang pumasok sa room, at pinaalis yung isa'ng kaklase namin sa upuan.
"Alis sabi, eh? Gusto mo bang makatikim?" The rude guy said.
Pamilyar yung boses nya.
Hindi nagsalita yung kaklase namin, imbes ay kinuha nito yung gamit nya at tumayo.
"Aalis ka rin naman pala. Pwe!" Sabi nung naka jacket bago umupo dun.
"S-sino yan?" Naka ngiwi na tanong ko kay Kaye.
"Joon. Gangster." Yun lang ang sinabi nito.
I just shrugged my shoulders. May mga gangster din naman sa private school kaya i encountered gangster classmate na rin.
Pero hindi pala ganun ka simple ang mga gangster sa publich school na ito. Amp.
Ilang sandali pa, may tatlong lalaki ang pumasok sa room, naka uniform din sila, at lumapit sila dun sa Joon na gangster. Hindi ko naman makita ang mukha nya kasi nasa bandang likod ako, at naka yuko sya, busy with his cellphone.
"Hoy, sumusobra ka na yata?" Sabi nung lalaki na nangunguna sa paglalakad.
Tumingala ng dahan dahan yung Joon at tumayo, tinulak ng dalawang kamay yung lalaki.
"Bakit, papalag ka ba?" Maangas na tanong nung Joon.
Mabilis yung kamay nung lalaki, na suntok nya si Joon, pero ang nakakagulat, mabilis rin na sumuntok si Joon, pati yung mga kasama nung lalaki na tutulong dapat, tinulak ni Joon sa kanila yung leader nila.
Natumba yung tatlo, pero itinayo nung Joon yung lalaki gamit ang pag hawak sa kwelyo nito.
"Sa susunod, pupuntahan mo ako kung may ibubuga ka na! Layas!" Singhal nung Joon.
Inis na umalis yung tatlo.
Yung mga kaklase ko naman parang sanay na kasi hindi na sila nasindak.
"Grabe, ang galing talaga ni Joon." Narinig ko na bulong nung isang kaklase ko kay Kaye.
"Gwapo sana, kaya lang barumbado." Sagot ni Kaye.
"Ayaw mo nun, maipagtatanggol ka if ever gf ka nya." Sabi pa nung isa.
Napailing na lang ako. Hindi naman kasi lahat ng pagtatanggol, physically. Masyado'ng barumbado ang Joon na iyon.
"Peste!" Sigaw pa ni Joon bago muling umupo at naging busy sa cellphone.
Dumating yung teacher namin ng first subject, English. Nagrereklamo yung iba pero ako ayos lang kasi favorite subject ko ang english.
"Tamang tama, we have our new student." Tumingin sa akin si Ma'am Reyes. Four days na ako'ng pumapasok, pero hindi ko alam bakit ngayon nya sinabi yun. "May partner na si Joon sa English assignments." Nakangiti na sabi nya.
Nanlaki ang mga mata ko, habang lahat naman sila ay napa tingin sa akin.
WHAT?!