3

2736 Words
THREE –     Tiningnan ko ang suot ko'ng wristwatch. Six thirty na. Iyon na nga lang yata ang pinaka mahal na item na meron ako. Regalo sakin yun ni lolo nang maka graduate ako ng elementary. Luminga linga ako sa paligid. Padami na ng padami ang mga pumapasok na students pero hindi ko pa rin makita ni anino ni Shin. Nasa kanya ang mga gamit ko. Hindi ko na sya nahabol kagabi nung umalis sya, kinailangan ko pang harapin yung katulong nila na hindi alam na dumating sya ng may kasama. Mabuti na lang at sinabi nung bata na kasama talaga ako ni Shin. Jiro. Jiro yung pangalan nung bata. Eight years old na ito at nagkaintindihan kami kasi marunong naman sya mag english. Dalawa lang daw silang magkapatid, at yung parents nila nasa Korea. Pure Korean sila pero si Shin daw ay matagal ng nasa Pilipinas kaya matatas mag tagalog. Nagtaxi nga ako pauwi. Hindi ako marunong mag commute at hindi ko din alam kung saan ang lugar na iyon. Masyado'ng malaki ang isang libo para ipamasahe ko, kaya balak ko isoli yung sukli. Ngayo'ng mahirap na kami, tsaka ko lang na appreciate kung gaano na kalaki ang isa'ng libo. Nag dahilan ako kay mommy na iniwan sa locker yung gamit dahil wala naman kami assignments, which is ikinababahala ko kasi may assignment nga kami sa english. Kainis! Ang malas naman. Unang assignment, mukhang wala pa ako maipapakita. Ilang sandali pa, nakita ko na yung motor ni Shin. This time, naka jacket na sya ng itim. Nakita ko na sukbit nya na sa katawan nya yung bag ko, kasama ng bag nya. Tumigil sya sa harap ko. Parang nag freeze yung paligid dahil napatigil yung ilang studyante at tumingin sa amin. "Follow me." Sabi nya, tapos pinaandar ulit papasok yung motor. Napanganga ako. Ano na naman ba plano ng tukmol na iyon? Kainis! Ipinarada nya ulit sa gilid ng canteen yung motor nya. Tumakbo na ako palapit sa kanya. Inilahad ko yung kamay ko para iabot nya na yung bag ko, pero naka tayo lang sya sa harap ko. "Ui, ano ba? AKin na yung bag ko! Hindi pa ako nakakagawa ng assignment sa English!" Para lang syang tanga na nakatayo. Hindi nya pa rin tinatanggal yung helmet nya. Imbes ay kinuha nya yung cellphone nya, nag dial at ini loud speaker. Lalaki yung sumagot. "Andito na ako. Pumunta ka na." Sabi lang ni Shin tapos pinatay na yung line. "I don't have time for this. Akin na yung bag!" Mariin na sabi ko. "Chill ka lang. Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong nito. Medyo ngongo ang dating kasi suot nya pa rin nga helmet nya. "Hello! First subject ko yung English, at hindi pa ako nakaka gawa ng assignment! Lagot ako!" Sigaw ko na sa kanya. Bago sya maka sagot , may lalaki na naka salamin ang lumapit sa amin, may inabot na notebook kay Shin. "Eto na." "Ok. Alis na." Sabi lang ni Shin sa lalaki. Inabot nya sa akin yung notebook. "Heto." "Ano naman yan?" "Notebook!" "Para kang tanga! Alam ko na notebook yan, bakit mo binibigay sa akin?" Galit na talaga ako. Tumawa lang sya. "Assignment sa English. First subject mo diba? Last subject ko naman yan, at iisa lang ang teacher natin. Gawan mo na lang ako ng bagong kopya mamaya tapos ibigay mo sa akin sa recess." Binigay nya na sa akin yung bag ko. Tatalikod na sana ako ng naisipan ko na may sukli nga pala yung binigay nya'ng pera. Bumalik ako, tyempo na tinatanggal nya na yung helmet nya. "A-ano.." Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng makita na may sugat sya sa labiat may band aid sa ilong. Yung bukol hindi na masyadong visible."Anong nangyari sayo?" Out of instinc ay natanong ko. "Miss mo na ako agad?" Imbes ay nang aasar pa na tanong nito. Kumurap kurap ako. "Hindi no, kapal mo." Mariin na sagot ko, tumawa lang sya. Kinapa ko yung pera sa bulsa ko at nilabas. "Eto, sukli sa pamasahe kahapon." Tiningnan nya lang yung kamay ko. "Keep the change." Pa cool na sabi nito. Umiling ako. "H-hindi, sobra sobra naman talaga yung binigay mo. Sige na, kunin mo na." Nagkamot sya ng ulo. "Keep it. Ipang lunch mo na lang." Tapos iniwan nya na ako. Hindi pumasok si Joon nung araw na iyon. Sa third day na nga ng school sya pumasok, hindi na naman pumasok kinabukasan! Mabuti na lang din, at least hindi ko na kailangan mag explain kung nagtulong ba kami sa pag gawa ng assignment o hindi sa English. "Uy, close ba kayo ni Shin? Nakita kita kahapon na naka sakay sa motor nya." Si Kaye. Kakaalis lang ni Mrs. Reyes at di pa dumadating yung next subject teacher namin. "H-hindi." Tumango tango si Kaye. "Mag iingat ka dun, babaero din yun eh." Natawa ako. As if! "Bakit ka natawa?" Nagtataka na tanong ni Kaye. "Wala naman. Wala naman ako gusto dun, no." Inikot ko pa ang eyeballs ko. Kaye laughed. "Sabay tayo mag lunch mamaya, gusto mo?" Natuwa ako sa sinabi nya. "Sure! Okay lang ba sa inyo?" Tatlo kasi silang magkakasama tuwing lunch eh. "Oo naman. Kahapon ka pa nga dapat namin i iinvite, eh mukang hindi ka ata nun pupunta sa canteen." Liningon ni Kaye sila Trisha at Sally. "Diba?" Tumango yung dalawa. "Sama ka na lang samin tuwing lunch, wala ka namang kasama." Sabi pa ni Trish. Sunod sunod ako'ng tumango. "Salamat!" Dumating na yung second subject teacher namin. In between discussions, sinusulat ko na lang yung assignment na nacheck-an na na sa iba'ng papel para ibibigay ko na lang mamaya kay Shin. Medyo natutuwa rin ako kasi Friday na at walang pasok ng dalawang araw. Recess. Kagaya ng napag usapan, isinaman ako nila Kaye sa canteen. Nasa kalagitnaan na kami ng pag uusap at pagkain ng biglang lumapit sa akin si Shin. Ok, parang tumigil ang pag hinga nila Trish at Sally. "Hi. Yung notebook ko?" Tanong ni Shin sa akin. "H-hindi ko dala, nasa bag ko. Sana sinabi mo na kukunin mo ng recess." Sabi ko. "Hmmm." Nasa mesa namin ang dalawang kamay ni Shin. "Okay, ihatid mo sa room namin after mo dyan. Ibigay mo sa akin personally, ha." Yun lang at umalis na sya. Itinuloy ko na ang pagkain ko. "Grabe! Bakit ganun kayo mag usap? Magkakilala na ba kayo dati pa?" Kinikilig na tanong ni Sally. Napalabi ako. Mukha ba kaming matagal ng magkakilala? "Hindi, kahapon lang kami nagkakilala. Mahabang kwento. Hiniram ko kasi notebook nya." Sabi nya na lang. Pero talagang curious ata to'ng mga to. "Talaga? Alam mo ba, first year pa lang ako, crush ko na yan? Haaay. Grabe. Ang lapit nya pero ang hirap abutin." Biglang lumungkot si Trish. "Oh, oh. Yan na naman kayo sa mga crush crush nyo. Wala naman kwenta yang mga gangster na yan, eh. Kita mo yung mukha nung Shin na yun. Mukhang nakipag bugbugan na naman kagabi. Wala kayo mapapala sa mga yan." Naiiling na sabi ni Kaye. Sumimangot sila Trish at Sally. "Makapag salita naman 'to! Ang nega mo kahit kailan!" Si Sally. May point. Pero gangster si Shin?! "Hoy, okay ka lang ba?" Marahan ako'ng siniko ni Sally  Nakatulala na pala ako. "Oh- Oo, okay lang ako. Si Shin, gangster?" Tumawa si Kaye. "Hindi mo alam? Tropa yun ni Joon." Bago matapos yung recess, tinanong ko kila Kaye saan yung room nila Shin. Last section pala si Shin, si Joon din dati. Nilipat nga lang sa section nila since last year kasi pinaghihiwalay sila. So close na close yung dalawa? Bago ko mamalayan ay nasa dulo na ako ng corridor at naka tayo na ako na parang tanga sa tapat ng pintuan nila. Medyo tulala pa rin ako habang hawak yung notebook ng may lalaki na pumunta sa harap ko. "Miss, naliligaw ka yata? Diba sa section three ka?" Sabi nung lalaki. Gulo gulo ang buhok nya, parang bagong gising lang. Hindi rin maayos ang pagkaka butones ng polo nya. But nevertheless, isa rin sya'ng cutiepie na binagsak sa harapan ko. "Ah, eh. S-si Shin?" Tanong ko na lang. Hinigpita ko ang hawak sa notebook. Lumingon yung lalaki. "Tulog." Sabi. Itinuro pa yung kinauupuan ni Shin. Naka tingala si Shin, nakataas ang paa at may nakatakip na panyo sa mukha. "Ah, pwede ba'ng pakibigay na lang itong notebook sa kanya? Hiniram ko kasi." Inabot ko sa lalaki yung notebook. Bakit parang halos lahat ng nakaka encounter ko na studyante'ng lalaki eh chinito? Ganito ba talaga dito? Kinuha nung lalaki yung notebook at ngumiti. "Ano'ng pangalan mo?" "A-aura." Sagot ko. "Oh, Aura. Napadalaw ka sa humble section namin? Miss mo na ako?" Mula sa kung saan ay sumulpot si Min Jae. Last section din sya? Lahat sila dito intsik or something? Malawak ang ngiti ni Min Jae. "Wag kang feeler, pre." Tinapik nung lalaki na may hawak na notebook si Min Jae sa balikat. "Naunahan ka na ni Shin. Sinoli nya notebook ni Shin." Natatawa na sabi nya. "Ah, eh. May kinopya lang ako sa notebook nya. Wala naman malisya yun." Ang mamalisyoso nitong mga 'to! Pucha naman. Tumawa yung dalawa. "Lahat naman sila, yan ang sinasabi. Tapos palagi ng pumupunta dito para magbigay ng kung anu ano." Sagot nung lalaki. "Ay, ako nga pala si Kidd." Kumaway ito at nagpa cute. Natawa ako. "Sige mauna na ako. Pakibigay na lang kay Shin yung notebook. Salamat." Ayoko magtagal dun. Grabe. Iba ang pakiramdam kapag sobrang gwapo ng mga kausap mo. Don't get me wrong, marami na ako'ng nakasalamuha na mga gwapo at mayayaman nung mayaman pa kami, but these guys give me a different feeling. Unang una, parang hindi sila bagay sa public High School. Nakita ko naman kung gaano kagara ang bahay nila Shin. Bakit sya nag titiis dito? Can afford nya naman sa mga private schools. Mabuti pa si Min Jae, ang sabi ni Kaye ay kinailangan talaga nito'ng lumipat sa public High School. And who knows, baka yung Kidd na yun eh rich kid din kagaya nung dalawa. Biglang sumagi sa isip ko si Joon. I sighed. Eh ano naman kung mayaman sila? It's their choice. Hindi ko na kailangan mamroblema sa kanila kung mayaman o mahirap man sila.               "I want everybody to be active in extra culicular activities as well. Magagamit nyo rin naman ang pagsali sa mga clubs once na mag college na kayo. So i encourage all of you to choose a club, then join later bago mag uwian." Ang sabi nila, once na nagsabi si Mrs. Antonina ng 'I encourage' means 'I command' kaya nag usap usap na agad sila Kaye, Trish at Sally kung saan sila sasali. Si Mrs. Antonina ang MAPEH teacher namin, na sya rin na adviser namin. Second to the last subject namin sya, kaya we only havee two hours to decide kung saan kami sasali. In the end, napag usapan namin na sa glee club na lang. Si Trish at Sally ay marunong sumayaw, kami naman ni Kaye ay kahit papaano, marunong kumanta. Bago mag uwian, pumunta kami sa office ng glee club, na nasa dulo ng third floor. Kami'ng mga fourth year ay nasa second floor. Mukhang kami lang ang sasali sa glee club sa section namin. Syempre, bago kami pasalihin, parang may audition portion. Hindi naman ako ganun ka mahiyain, at apat na officers lang naman ng glee club ang magja- judge. Ako ang pang huli sa lahat ng mga magpeperform. "Miss Alaura Kristine Marquez." Wala ako'ng kaba na nararamdaman ng ako na yung tinawag. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko papunta sa harap ng apat na officers. Pasok sila Sally, Trish at Kaye. Nakakahiya naman kung ako lang ang hindi makakapasok, tsaka saan pa ako sasali mag isa, diba? Hihintayin daw nila ako, nasa labas sila naghihintay. "Kakanta, sasayaw o magda-drama?" Tanong nung isa. "Kakanta." Ang lawak pa ng ngiti ko. Biglang bumukas yung pinto, iniluwa ang isa'ng figure na hindi ko akalain na muli ko'ng makikita. "Sorry, late na naman ako." Si Kidd. Inilapag ni Kidd yung bag nya somewhere, tapo kumuha ng upuan at tumabi sa isa sa mga officers na nasa harap ko. "Lagi ka na lang late mula pa nung Monday." Naka simangot na sabi nung nagtanong sa akin kanina. "Ikaw naman, ngayon na lang to. Madami pa ba?" Imbes na sumagot yung kausap ni Kidd, tumingin sya sa akin at tinuro ako. "Sya na lang." Lumingon si Kidd at nagulat ng makita ako. "Oh, Aura. Sasali ka pala sa club ko." I froze, all of a sudden. What the hell is happening? Parang hindi ako makagalaw. Parang nahiya ako bigla. Bakit? Si Kidd lang naman to. Kanina ko lang naman sya nakausap. It's not like crush ko sya or what. Bakit bigla ako'ng parang tanga? "Aura? Okay ka lang?" Nawala ang ngiti ni Kidd. "Miss Marquez?" Tawag nung isa. "Ah, o-opo." Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Parang ang cool ng dating ni Kidd tapos takot ako mapahiya sa kanya, sakaling magkalat ako at hindi matanggap. Natural lang naman to diba? Yung magpapa impress ka sa gwapo. Ang sarap batukan ng sarili ko. Nagagawa ko pang mag isip ng ganito. Relax, Aura. Inhale, Exhale. Pumikit ako at nagsimulang kumanta. "I am finding out, that maybe I was wrong. That I've fallen down, and I can't do this alone.. Stay with me, this is what I need, please. Sing us a song, and we'll sing it back to you, we can sing our own, but what would it be without you, oh.." It's my favorite song. "Nice, Aura. I love that song." Boses iyon ni Kidd. I opened my eyes, and Kidd is smiling again. Yung apat na officers naman, kanya kanya ng sulat sa mga papel na hawak nila. Bigla na lang tumingin sa akin yung nag iisang babae na officer na parang dismayado. I thought I did well? All in all, yung tatlo, nag vote ng yes, yung babae lang yung hindi. Muling bumukas yung pinto. "Excuse me, tapos na ba ang audition?" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Shin. Walang sumagot. We were all just looking at him. Tumawa si Shin. "I guess, it's a yes." Lumapit sya sa akin, tapos bigla ako'ng hinila. "We have to go. Bye!" Before I knew it, nasa labas na kami ng office ng glee club at naka nganga na sa amin sila Trish, Sally at Kaye. "Ano ba? Bakit ka ba bigla bigla na lang nanghihila?!" Inis na tanong ko. Kinuha ko yung kamay ko sa pagkaka hawak nya.  "Diba ang sabi ko sayo, ibigay mo sa akin yung notebook?" Parang galit pa si Shin. "Binigay ko naman ah? Natutulog ka nung pumunta ako. Binigay ko kay Kidd!" Singhal ko. Nakakainis, ayoko talaga ng bigla bigla ako'ng hinihila. "f**k!" Sigaw nya. Napa atras ako. "I told you, ibigay mo sa akin, hindi ipa abot sa kahit kanino." Mariin na sabi nya pa. Parang na frozen din sila Trish sa isang tabi. "Alam mo naman na isosoli ko yung notebook mo, natulog ka pa! Alangan naman na bigla ako pumasok sa room nyo at gisingin ka?" Sabi ko naman. "You should have done that instead!" Sigaw nya pa. "What's happening here?" Lumabas na si Kidd at nakita kami na nagsisigawan. Imbes na sumagot ay bigla ito'ng nilapitan ni Shin at sinuntok sa mukha. I gasps when i saw it. lahat kami nila Trish, Kaye at Sally, actually. Napa upo si Kidd dahil sa lakas ng impact ng pagkaka suntok ni Shin. "f**k you!" Nag dirty finger pa si Shin bagokami nito iwan na parang galit na galit. Agad na tumayo si Kidd, pinunasan ang dugo sa labi nya at tumawa. "Mukhang wala sa mood si Shin." Humarap sya sa akin. "Diba binigay ko sayo yung notebook nya? Sabi ko pakibigay na lang. Binigay mo ba?" Sabi ko. He shrugged his shoulders. "Nakalimutan ko eh." Parang wala lang na sabi nito. Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi nya. "Kung wala ka naman talagang balak ibigay sa kanya, sana sinabi mo! Ako na lang sana ang nagbigay. Wala kang karapatan na gawin yun sa kanya, kahit hindi sya gumawa nung assignment na yun, umasa sya na may maipapakita sya na gawa nya!" Inis na sabi ko, bago umalis. Sumunod sa akin sila Trish, Kaye at Sally. Naiwan dun si Kidd na parang hindi inaasahan na ganun ang magiging reaction ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD