Chapter 8

3089 Words
Napadilat ako ng mata. Ilang segundong lumapat ang kanyang labi sa akin at nang ini-angat niya pabalik ang kanyang mukha ay ipinikit ko naman pabalik ang aking mga mata bago pa man niya makitang gising na pala ako. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, mas bumilis pa ang pagtibok ng puso ko parang sasabog. Bakit kaya niya ako hinalikan? Tanong ko sa isipan. Matapos niya akong gawaran ng halik ay may pag iingat na iniangat niya ang ulo at inilipat sa malambot na unan. Bumaba siya sa kama, maya-maya'y narinig ko ang mga yapak nito palayo at ang paglapat nang pinto ng kanyang banyo. ‘Di ko agad muna ibinuka ang mga mata ko dahil baka lumabas ito bigla at makitang gising pala ako .Pinakiramdaman ko muna at pinakinggan ang loob ng kwarto. Nang marinig ko ang pag-agos ng tubig mula sa shower at nang makakasiguro na naliligo na nga ito, tsaka lamang ako dumilat at bumangon. Wala sa sariling napahawak ako sa aking mga labi na para bang nandoon pa rin ang labi niya, nakadikit. Pinoproseso nang aking isip kung ano ang nangyari at nang mawari ay uminit ang magkabilaan kong pisngi. Naramdaman ko rin ang pagliparan ng mga paru-paru sa aking tyan. Napatakip ako sa aking mukha at isinubsob ito sa unan, napapangiti na di ko alam ano bang gusto kong gawin . Alam ko kinikilig ako gusto kong umasa na baka may nararamdaman din siya sa akin maliban sa pagiging magkaibigan ngunit agad ko ring kinastigo ang sarili, dampi lang naman yon Gab baka walang ibig sabihin ang mga halik na iyon at kung anu-anu na ang iniisip mo dyan saad ko sa isip. Nawala bigla ang naramdaman kong kilig at ang ngini sa aking mga labi. Oo nga naman ang hirap mag assume. Binibigyan ko agad nang malisya saad ko uli . Humiga ulit ako sa kanyang kama nakatihaya at tumitig sa kisame. ‘Di ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa kisame nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Wala sa sariling napainat ako at nagkukunwaring kagigising ko lang. Tumingin ako sa kanya, wala itong suot pang-itaas at tanging tuwalya lamang ang pinagbalot nya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Nakataas ang kanyang isang kamay na may hawak na maliit na tuwalya, ginamit sa pagpapatuyo sa basa nyang buhok. Mula sa kanyang buhok ay nalipat ko ang tingin sa kanyang hubad na katawan. Nakuha ang aking atensyon sa isang butil ng tubig na dumadaloy mula sa kanyang balikat pababa sa kanyang matitigas na dibdib patungo sa gitna ng magkabila nyang abs hanggang sa kanyang puson pababa sa- "Gab... Awat na." Naramdaman ko na naman ang pag-init sa magkabila kong pisnge ng napagtanto ko ang ginawa kong paghagod sa kanyang kabuohan and worst he caught me checking him out. s**t!nakakahiya ka Gab! "Anong pinagsasabi mo dyan." Mabilis kong inilipat ang tingin pabalik sa kisame. Ang kabog sa dibdib ko ay domuble. "Kung saan-saan kasi nagagawi ‘yang mga tingin mo." May himig ito ng panunukso kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin. Nakita kong nangingiti ito. "O! Nakatitig ka na naman! Masyado ba akong guapo at lagi kang napatulala dyan, maya-maya baka tumulo na ‘yang laway mo dyan." at tuluyan na talaga itong nagpakawala ng tawa. "Ang kapal mo!" Kapagkuwan saad ko. Dali-dali akong bumangon at bumaba ng kama. " Bahala ka sa buhay mo! uwi nako." ‘Yong hiyang naramdaman ko kanina'y sinabayan na ng inis dahil tumatawa pa rin ito. Ano ba ang nakakatawa? Kinuha ko ang dalang tray na pinagkainan ni Nathan ngunit nang akmang hahakbang na ako palabas ng kwarto ay inabot niya ng bahagya ang aking siko . "Ano?" Inis kong saad . "Di kana mabiro." Saad nito na nangingiti at pinisil ang aking pisnge. "Sorry na." Ilang pulaga lang ang lapit ng aming mga mukha kaya naamoy ko agad ang mabango nitong hininga at ang bango ng gamit nitong sabon sa katawan. "Nakakainis ka!" Anas ko . "Next time, never do that again..." Lumamlam ang kanyang mata pagkasabi na nagpakunot naman sa aking noo. "Ang alin? " Nagtataka kong tanong "Never mind, sige na mauna ka nang umalis, susunod ako mamaya sa bahay niyo pagkatapos kong magbihis." Taboy nya sa akin. Nagtataka man ay umalis nalang rin ako. Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba at tinungo ang kusina di pa kasi ako nag-almusal at inuna kong dalhan ng pagkain si Nathan. "Tumawag nga pala yung mama mo, di ka raw kasi sumasagot sa text at tawag niya sayo, nagtatanong kung may gusto ka bang pasalubong mula Thailand." Bungad agad sa akin ni Nanay Rosa nang makita akong palapit sa counter island ng kitchen. Nagsasalin ito ng Juice sa baso. Nang makalapit ay umupo ako agad sa isa sa mga high chair katapat ng counter. Nakahanda na doon ang pang almusal kong fried rice ,bacon, egg, hotdog at yong tirang adobo . Bukod kay Nathan ay si Nanay Rosa ang kasama-kasama ko simula pa nung bata pa ako. Tatlong taon pa lang ako noong magsimula siyang alagaan ako. "Lowbat yung phone ko Nay, iniwan ko sa kwarto nag charge. Kailan daw sila uuwi Nay?" Tanong ko sabay kuha ng tinidor at kutsara. "Di sinabi anak. Dito ka sa counter kakain? Gusto mong dalhin ko sa dining table?" Saad ni Nanay Rosa na maiging nakatingin sa aking tumutusok ng isang hotdog gamit ang tinidor at nilagay sa plato . "Dito nalang ako kakain, po." Sagot ko habang kumukuha ng fried rice. "Mag-anim na buwan na kaya mula nung huli ko silang nakasama,a." Tampo kong saad. "Samahan niyo na akong kumain Nay." Alok ko kay Nanay Rosa. "Busog pa ako, nak. Kumain ako ng tinapay kanina sinawsaw ko sa kape." Tanggi sa akin ni Nanay. "Wag ka ng magtampo sa mga magulang mo ha, uuwi din yon, di kana nasanay." "Buti nalang talaga di nila nalilimutan yung mga mahahalagang araw ko at di ko magawang magtampo sa kanila." Saad ko bago isinubo yung fried rice sa bibig ko. Kahit na minsan ko lang makasama sina papa at mama ay di ko magawang magtampo dahil everytime na kailangan ko sila kahit nasa gitna pa ng meeting at sa kung saang lupalop man ng mundo ay uuwi ang mga iyon para makasama ako. "Mahal ka kasi ng mga magulang mo sadyang busy lang talaga sila sa negosyo nyo." Pampalubag loob ni Nanay Rosa. "Ramdam ko naman yung pagmamahal nila pero minsan nakakatampo na rin Nay." Bakas sa boses ko ang pangungulila. Kumuha ako ng fried egg at nilagay ulit sa plato ko. Sabay kaming napalingon sa pintuan ng kitchen nang marinig namin ang sigaw ni Nathan tinatawag ang pangalan ko. "Aga-aga ang ingay-ingay mo. Nakakain ka lang ng adobo." Sita ko sa kanya. "Hi Babe. Hello po Nanay." at ngumiti ng pagka tamis-tamis."Ofcourse! Ang paborito ko pa namang adobo na luto ni Nanay Rosa ang bumungad sa akin." Dagdag pa nito at kumindat pa talaga kay Nanay. Duda talaga ako sa isang ito. Ano kayang ibang nakain- di ko naituloy pa ang nasa isip dahil naalala ko na naman yung kanina, yong ginawa nyang paghalik sa akin, bigla tuloy uminit ang mukha . "Ikaw talagang bata ka, binola mo pa talaga ako. Ano bang meron sayo ngayon at ang gwapo mo. " Nangingiting saad ni Nanay Rosa. Ewan ko ba pero gustong-gusto talaga ni Nanay si Nathan laging lumiliwanag ang mukha nito pag nakikita si Nathan. "Salamat po Nanay Rosa kong maganda. ‘Di na po kayo nasanay araw-araw naman po, e"Napangiwi ako sa narinig, napakayabang talaga, tumawa na lang din si Nanay Rosa. “Ay! Nathan, stop!” Muntikan pa akong mahulog sa kinauupuan ko ng bigla niya kong kiniliti sa tagiliran buti at maagap ang mga braso nitong niyakap ako. Inayos niya ko sa pagkakaupo. Hinampas ko siya nang tawanan lang niya ako. Inusog nito ang isang upuan palapit sa akin at umupo. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Kinuha niya ang tinidor ko at kumuha ng hotdog at dinalawang subo lang iyon. Pagkatapos hinawakan nito ang basong may juice at ininum. Nang mailapag ang baso ay wala na itong laman. Gamit ang tinidor kumuha ito ng bacon at sinubo, tinusok din isang adobo at kinain. Minsan talaga parang patay gutom itong best friend ko at nakalimutan siguro nito na kaka-kain lang niya. " Ang sarap talaga ng luto mo Nay. Lalong-lalo na itong adobo." May papikit-pikit pa itong nalalaman. " Itong batang to nambola na naman. Mukhang nakulangan ka yata doon sa dinala ni Gab sayo." Nakita kong tumalikod si Nanay Rosa at kumuha ng isa pang plato sa cabinet at inilapag sa harap ni Nathan. Binigyan din ni Nanay si Nathan ng kutsara at tinidor. "Maupo kana dyan at sabayan mo na si Gab." "Nag-abala pa kayo nay. Makikishare lang naman sana ako kay Gab Nay, ‘di ko lang talaga mapigilan ang tiyan ko nang maamoy ulit ang adobo." Kunwaring nahihiya pa niyang saad. Akala mo nama'y ngayon lang makikikain e halos araw-araw naman ito sa bahay mag almusal at magha hapunan. " Bakit ka ba sumisigaw at di ka ba talaga nabusog doon sa dinala ko sa’yo ang rami kaya nun ." Tanong ko habang hinihiwa ko ang fried egg bago ko tinusok ng tinidor at isinubo. "Wala lang ,feel ko lang talagang sumigaw." ‘Di lang pala patay gutom itong kaibigan ko mukhang may sira rin pala sa ulo. Si Nanay Rosa naman ay nagpaalam na lalabas muna at agad tumalikod sa amin. "Nabusog naman ako, nagutom lang uli." Nakangiti nitong saad. "Nabasa mo na ba yung chat ni Adrianne sa GC natin? Sa susunod na sabado na raw ang opening ng bagong branch ng bar niya." May GC kaming magkakaibigan, doon namin chinachat lahat ng ganap namin sa buhay. "Really? Nakakaproud naman itong si Kuya Adrianne." Di makapaniwala kong saad. Ang bagong branch na tinutukoy ni Nathan ay pang-apat na branch sa loob lamang ng dalawang taon. At sa bawat opening ng branches ni Kuya Adrianne ay nadoon lagi ang barkada nakasuporta. Kahit naman sino sa amin ang may achievements lagi kaming nakaalalay sa isat-isa, lalo na kapag may di magandang pinagdadaanan ang isa sa amin. "Yeah, who have thought na yong dating suki ng suntukan sa mga bars dahil sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya will be that successful in running his own business." Nakangiting saad ni Nathan . "Ban siya sa lahat ng bars so he makes his own and now his bars are one of the most well-known bars sa bansa. Galing no?" Saad ko pa, tumango naman si Nathan. Katatapos lang namin kumain at palabas na sana ng kitchen nang makita naming pumasok si Nanay. " May naghahanap sayo sa labas nak." Bungad sa akin ni Nanay. Sabay na napakunot ang noo namin ni Nathan wala naman akong inaasahang bisita ngayong araw. "Nicco daw yong panga-" ‘Di na natapos ang sasabihin pa sana ni Nanay dahil mabilis na humakbang si Nathan palabas ng bahay. "Sundan ko lang Nay, thank you." Saad ko kay nanay bago sinundan si Nathan. "Naligaw ka yata!" Nadatnan kong tanong ni Nathan. Na sa labas sila ng gate ng bahay. Si Nicco ay may dalang bouquet. "Mali pare, mang-li-li-gawi hindi naligaw." May diing saad ni Nicc, binagalan pa nito ang pagsasabi ng manliligaw. "Hindi nagpapaligaw si Gab. Umalis ka na." Seryosong saad ni Nathan. "Ulitin ko pare, si Gab ka ba?" sarkastikong saad ni Nicco, nakita kong nagtagis agad ang bagang ni Nathan kaya lumapit na ako. "Nicco!" Bati ko dito. Lumipat naman ang tingin niya sa akin pero si Nathan ay titig na titig pa rin sa kanya. Pinaparamdam ni Nathan sa kanya ang pagkadisgusto ngunit parang wala lang sa kay Nicco ang ipinapakita na pakikitungo ni Nathan sa kanya. "Hi Gab! Para sayo nga pala." Saa ni Nicco sabay abot nyasa bouquet sa akin, malugod na tinanggap ko naman ang bigay nito. "Salamat." Nakangiti kong saad. " Gusto mo munang pumas-" "Seriously, Gab?" Putol ni Nathan sa akin. Nilipat nito ang tingin sa akin at tinitigan ako sa mgamata, ramdam ko ang di niya pagsang ayon sa nais ko pa sanang sabihin. Pinandidilatan ko lang sya ng mata. Walang nagawa si Nathan nang pinasok ko si Nicco. Nasa sala kaming tatlo nakaupo ako sa mataas na sofa samantalang ang dalawa ay sa magkabilang pang isahan na sofa. Tahimik lang kaming tatlo, pina pakiramdaman ang isa't-isa, walang gustong magbasag ng katahimikan. Pinag-lipat-lipat ko ang mga mata sa dalawa, tiningnan ko si Nathan mariin pa rin itong nakatitig kay Nicco, walang takot naman itong sinalubong ni Nicco . Nagsalita ako para mabawasan ng kaunti ang tensyon at katahimikan. "Paano mo nalaman ang bahay ko?" Tanong ko kay Nicco. Napalingon sa akin si Nicco at ngumiti. "I have ways Gab." Narinig kong naggrowl si Nathan. Tinapunan lamang sya ng tingin ni Nicco at ibinalik agad sa akin. Napatango-tango lamang ako sa sagot ni Nicco. "Ga-" Bago pa man magpatuloy sa pagsasalita si Nicco ay pinutol agad ito ni Nathan. "Stalker ka ba ni Gab? " Inis nitong tanong. Bumaling si Nicco sa kanya bakas sa mukha ang pagtitimpi. "Suitor-" "Di mo ba alam na bawal pang magboyfriend si Gab hanggang di pa sya nakakapag graduate?" There he goes again, my best friend s***h my father. Mas istrikto pa nga siguro si Nathan kay Papa. "Kaya nga di ba nanliligaw pa lang?" Saad ni Nicco. Bumaling si Nicco sa akin at ngumiti. "I'll wait patiently Gab, I'll promise." Ngumiti lang din ako sa kanya. "Tsk!" Palatak ni Nathan. "Nathan." Saway ko sa tatay ko este sa best friend kong beast mode. "It’s okay, Gab." Saad ni Nicco. "And for the record, Mr. Sandok-" May pahabol pa ang tatay ko , na si Nathan. "Sandoval." Pagtatama ni Nicco. "Whatever. Di mo ba narinig ang sinabi namin ng mga kaibigan ko kapag ligawan mo si Gab? You have to go through us first. " Paalala ni Nathan dito. "I know." Kalmang saad ni Nicco "Bakit ka nag-shortcut? Akala mo siguro makalusot ka sa amin?" Tiningnan lamang siya ni Nicco pagkatapos ay bumaling si Nicco sa akin. "Sana nagustuhan mo yong flowers." Ngumiti si Nicco. "Ofcourse favorite ko kaya ito." Saad ko sabay amoy sa bouquet na bigay niya. "Yeah, I ask Jazlyn about it first, I was afraid na baka may allergy ka sa flowers." Thoughtful na saad ni Nicco, napalingon kami nang marinig naming bumahing si Nathan. "Achu! Achu!" Ano na naman ba problema nito saad ko sa sarili ng segu-segundo ay bumabahing ito. " Sa susunod achu! Wag kang- achuu! Magdadala achu! Ng bulaklak! Achu! Lagi ako dito achuu! May allergy ako niyan achu!" Kailan pa sya nagka allergy sa flowers? Tanong ko sa isipan. Tinawag ko na lamang ang isa sa mga kasambahay at pinapalipat ko sa vase ang flowers upang ilagay sa altar sa prayer room namin sa bahay. Maya-maya nga'y umalis na si Nicco. Inihatid ko siya hanggang sa labasan ng gate. Nang pabalik na ako sa loob ng bahay ay agad kong nakita ai Nathan. Nakahalukipkip at nakasandal sa gilid ng pinto ang braso nito. Napatigil ako sa kanyang harapan. " Kailan pa nagsimulang manligaw ang sandok na iyon? " Baling agad sa akin ni Nathan. " May pangalan yung taong." " Answer me " "Ngayon lang pero kahapon pumuta siya ng school. He asked me if pwede bang manligaw." "and you said yes?" ‘Di makapaniwala niyang tanong. Kumunot ang noo nitong napatitig sa akin. Tumango ako. "Do you really like that guy?" Tanong nya. Gusto ko ngaba si Nicco? Tanong ko sa sarili, siguro, oo, dahil bakit ako sumangayon na ligawan nya ako? "’Di ko alam." Sagot ko na lamang sa kanya at nilagpasan siya. Naramdaman kong sumunod sya sa likod ko. "’Di mo alam pero pumayag kang ligawan ka niya?" Now, he sounds mad. Umakyat ako na kasunod pa rin ito sa akin. "Ligaw lang naman,Nate." Nang makaakyat ay tinungo ang daan sa aking kwarto at pumasok, pumasok din si Nathan sa loob. "Posible bang mahulog ang loob mo sa kanya?" Napatigil ako sa paglalakad, naramdaman ko rin ang paghinto nito sa likod ko. "Pwede, oo, siguro . Nicco's nice naman di ba at gentleman." Saad kong hindi pa rin humaharap sa kanya. At Least may pagbabalingan na rin ako ng nararamdaman ko sayo. Dugtong ko sa aking isipan. "I thought you heard me when I told you to stay away from him. I thought we are clear about that part." Humarap ako sa kanya . "Why? I just don't get it, Nate? Walang ginawang mali yong tao." "Basta ayaw ko sa kanya, masama ang kutob ko sa sandok na yon." "You can't always be like that forever.” Mariin ko siyang pinakatitigan. “You can't just let me stay away from people just because you don't like them, Nate." Nakita ko itong natigilan at mariin din niya akong tiningnan sa dalawa kong mga mata. Hinintay kong ang sasabihin nito ngunit nang lumipas ang isang minuto ay nanatili lamang itong nakatitig sa akin ay tumalikod ako uli pero bago pa man akong makahakbang ay naramdaman ko ang paglapat ng kamay nya sa palapulsuhan ko. Napatingin ako sa kanya muli. "Don't you understand Gab? I'm just protecting you from being hurt." He said in his lower voice. "Why are you so sure that he will just hurt me? That, those guys who show interest in me, will just hurt me? Am I not worthy to be loved back." Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. ‘Di ko alam kung bakit. "No! Of course you are, you are more than worthy Gabrielle…" Binitiwan nito ang palapulsuhan ko at maharang hinawakan niya ang magkabila kong pisnge at tumitig muli sa aking mga mata. Kalauna'y bumuntong hininga ito."I'm just afraid... " Maigi akong naghihintay sa karugtong ng kanyang sinabi ngunit lumipas pa ang mga segundo ay nanatili itong tahimik. "You're afraid of what Nathan?" Untag ko sa kanya, gusto kong marinig ang karugtong ng kanyang sasabihin. Nakahawak pa rin siya sa magkabila kong pisnge. " I don't want to share you Gab... " Tila nahihirapan nitong saad. " I don't understand." Pinakatitigan ko sya, hinahanap sa kanyang mga mata ang sagot. Napasinghap ako ng bigla nya akong kinabig at kinulong sa kanyang mga braso. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa gilid ng aking ulo. "Gusto kitang ipagdamot,Gab." Naririnig ko ang pagbilis ng t***k ng puso nya. " Gusto ko ako lang, ayokong may kahati sayo kasi ganun din ako gusto ko ikaw lang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD