Chapter 9

2283 Words

Sa higpit ng yakap ni Nathan sa akin ay di nakaligtas sa aking pandinig ang mas pagbilis ng pagtibok ng puso nito ngunit mas natawag ang aking pansin sa mga salitang kanyang binitiwan. Sa pangalawang pagkakataon gustong kong kumbinsihin ang sarili na may pagtingin siya para sa akin higit pa sa pagkakaibigan . Gusto kong maniwala na ang takot na nararamdaman niya ay dahil mahal nya ako bilang isang babae at hindi bilang isang best friend. Di ko alam pero nakaramdam ako ng pag asa na baka pareho kami ng nararamdaman, na baka mahal talaga niya ako subalit lahat ng pag-asang iyon ay nawala ng magpatuloy ito sa pagsasalita. " Call me selfish Gab but I don't want to share my best friend." Bestfriend... Ulit ko sa isipan. Kung noon ang salitang ito ay nakakagaan ng loob ko pero iba na ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD