Chapter 7

2272 Words
Inihatid ako ni Nicco pabalik sa University pagkatapos naming mag-usap. May dalawang subjects pa ako ngayong araw bago ang uwian. Isa sa subject na 'yon ay kaklase ko si Jake at ang tatlong buntot nito. Nakasabayan ko pa ang mga ito sa pagpasok. Inaasahan kong mangungulit na naman itong amo nila ngunit mali ako dahil huminto ang mga ito at pinauna pa akong pumasok. Nagtaka man ay pumasok na lamang ako. Pagkatapos ng clase ay agad kong tinunton ang daan patungong labasan ng University kung saan nakaparada ang mga sasakyan para sunduin ang kani-kanilang estudyante. Malayo pa man ay hinanap kaagad ng aking mga mata ang kinaroroonan ni Nathan. Nakita ko siya di kalayuan sa kinatatayuan ko. Di ako agad lumapit pinagmasdan ko muna sya. He's wearing his usual attire when going to work, a button-down long sleeve polo na nakatupi ang sleeve hanggang siko, this time, it's white. Nakabukas na ang tatlong butones sa itaas na bahagi na binagay sa suot nyang black fitted pants and white shoes. Kampante na nakaupo si Nathan sa bumper ng kanyang black BMW. Ang isang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa habang ang isa nama'y ginagamit sa pagta-touch ng screen ng kanyang cell phone . I didn't know but I find him so sexy yet, so masculine. Maalaga kasi sa katawan si Nathan at di maipagkakaila sa kanyang tindig. Damn that looks! The last thing I knew I was checking my best friend out. This isn't my first time though. I just couldn't resist not to admire him. He has a face of an angel. Everything is perfect, mula sa tangos ng ilong nito, sa makapal na kilay na ang ganda ng paghubog tila parang pinasadyang ipagawa, mahahabang pilik mata na nababagay sa brown nitong mga mata at maliliit na labi. Nabaling ang aking pansin sa paligid dahil sa mga schoolmates kong panay ang bulungan habang nakatingin sa gawi ni Nathan, kinikilig. Nakita ko rin ang ibang naglalakad habang pasulyap-sulyap sa kanyang gawi. May sinadyang dumaan sa mismong harapan niya upang kunin ang kanyang atensyon at kapag nakuha ang kanyang atensyon ay agad siyang babatiin ng mga ito. Nakakaramdam ako ng inis sa tuwing ginagantihan niya ito ng kaway at ngiti. ‘Flirt’ Naibigkas ko sa aking isipan. Sinusundan ko ng tingin ang mga babaeng kinawayan niya, halos mangisay sa kilig ang mga ito. Gabi-gabi halos ganitong mga eksena ang makikita ko sa tuwing sinusundo nya ako . At talagang nagtaka kapa talaga Gabby kung bakit may naka-s*x na ito? Look at those girls, kulang nalang ay maghubad sa harapan sa bestfriend mong si Nathan para lang mapansin nito, saad ko sa aking sarili. Noon pa man ay agaw pansin na talaga si Nathan sa mga kababaihan kaya maliban kay Ate Jazlyn ay wala na akong ibang kaibigang babae. Pinagseselosan ng mga ito ang closeness namin ni Nathan kahit hindi naman sila girlfriend nito, ni hindi nga sila kilala. Nang makontento akong pagmasdan siya ay humakbang na ako palapit sa kinaroroonan nya. He was still busy with his phone. Ni hindi nito namalayan ang paglapit ko dahil ang buong atensyon ay nasa screen ng kanyang telepono. He was smiling. Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang kanyang reaksyon. Lihim akong nainis ng ma-alala ang larong ‘put your finger down’ at nagbaba ito sa tanong ni Ate Jazlyn. Nasa isip ko na baka ang tinititigan nito sa screen ay ang gusto niyang kaibigan na babae. Ilang pulgada nalang ang layo namin nang maisipan kong sumilip sa screen. I saw pictures, ngunit di ko lang mawari kung kanino. Mas lumapit pa ako sa kanya ngunit bago ko pa makita at mapag-sino ang larawan na tinitingnan nito sa screen ng cellphone niya ay bigla itong napaangat ng tingin sa akin. Nakita ko itong bahagyang nagulat at dali-daling itinago ang cellphone sa kanyang bulsa. "Kanina ka pa?" Tanong agad nito . "Ano ba ang nginingiti-ngiti mo dyan sa cellphone mo? Para kang tanga." Imbes ay sagot ko sa kanya. "Wala, mga memes lang , kung makatanga ka naman." Inakbayan niya ako at giniya sa pinto ng shotgun seat. Binuksan niya ang pinto upang makapasok ako. Naramdaman ko pa ang bahagya paglapat ng isa niyang kamay sa tuk tuk ng aking ulo. Ingat na ingat na wag akong mauntog. Pagka-upo ko sa ay agad naman niyang isinara ang pinto at pumunta sa gawi ng driver seat. Nalipat ang tingin ko sa labas ng kotse. HIndi nakatakas sa paningin ko ang pagbubulungan ng mga estudyante habang nakatingin sa aming gawi.. Kasusuot ko lang ng seatbelt nang pumasok si Nathan sa loob ng kanyang sasakyan at umupo sa driver seat. Napatigin ako sa kanya ng biglang tumagilid ito, napapikit ako ng maamoy ko ang pabango nito. Hindi nakakasawa ang bango niya kahit ilang taon na kaming magkasama. Bahagya itong napatigil ng inilapit ko ang ilong sa kanyang leeg upang amoyin siya. “Ang bango mo.” “Malamang ikaw pumili ng amoy na yan.” Bahagya akong napangiti sa sinabi nito. Uto-uto rin kasi, lahat ng gusto ko sinusunod niya. Mukhang nagustuhan naman niya ang napili ko. Ilang taon na nga niyang ginamit. Inabot nito mula sa likuran ng sasaktan ang isang paper na may nakasulat na International Bookstore. Napa kunot noo ako ng ibigay niya ito sa akin. Kahit nagtataka at tinanggap ko at binuksan ang bigay nito. Namilog at nagniningning ang aking mata nang makita ko ang laman ng paper bag, ibat-ibang kulay at brands ng sign pen, highlighter at ilang mga gamit for calligraphy. "Di ko naman birthday, ba’t may pa regalo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Isa-isa kong tiningnan ang mga ito, napapangiti ako nang mabasa ang mga brands na nakalagay, saktong wala pa ako ng mga ‘to. "Peace offering ko ‘yan. Pambawi ko sayo kaninang umaga. Idagdag mo sa collections mo." Saad niya. Matapos ikabit ang seatbelt ay agad binuhay nito ang makina. Alam na alam talaga nito ang mga kahinaan ko. "Nag-away tayo?" kunot-noo kong tanong pero ina-amin ko, nagtampo talaga ako sa kanya. " But anyways, thank you. " Tinignan ko siya at nginitian. Bahagya lamang niya akong sinulyapan, he smiled back at me. "Alam kong nagtampo ka sa akin, kahit di mo man sabihin." Isa ito sa mga katangian ni Nathan na nagustuhan ko talaga sa kanya. He will never let our day ends na may tampo sa isa't-isa. Siya ang laging nagpapakumbaba. Nanatili akong nakatitig sa kanya. "Sorry, Gab, if I need to hide some things from you. I hope you understand that there are things better left unsaid." Saad niya habang ang mga mata ay nakafocus sa kalsada. Binabagtas namin ang daan pauwi ng bahay. Tumagilid ako para mas matitigan ko pa siya ng maayos. I seriously looked at him. "So, okay lang din sa iyo na di ko sasabihin kung may nanliligaw o boyfriend din ako? " Saad kong di hinihiwalay ang mga titig sa kanya, tinatiya ko kung ano ang maging reaksyon nito. Napalingon siya sa akin saglit ngunit agad na ibinalik ang tingin sa daan. Naramdaman kong dahan-dahan niyang ginilid ang kotse upang ihinto. Itinaas muna nito ang hand break bago niya ako hinarap. He’s now seriously staring at me, sinalubong ang kanyang mga titig. Ilang segundo hindi siya nagsalita, nanatiling nakatitig kami sa mga mata ng bawat isa. Ang tahimik ng paligid, nakakabingi. Bigla itong napabuntong hininga na hindi hinihiwalayan ng tingin ang mga mata ko. "I know, I am being unfair, but will you promise not to hide those from me?" Basag niya sa katahimikan. "Yeah, you're so unfair Nathan. Hindi mo ko pinapayagan magka boyfriend. Binabakuran mo lahat ng mga nagtangkang manligawa sa akin. You even recruited Kuya Justine and the rest of the squad. Tapos ikaw okay lang, nililihim mo pa." Sumbat ko sa kanya sa mahinang boses. Muli ay malalim itong napa buntong hininga Bakit ba nahihirapan itong sabihin ang pakikipagrelasyon niya sa ibang mga babae? Ano ba ang mahirap dun? Alam naman na naming dalawa halos lahat sa isa-isat, a at bakit mo rin ba pinipilit si Nathan na sabihin niya ang tungkol sa pakikipagrelasyon sa iba? Sadista ka ba, Gabby? Gusto mo talagang masaktan? "Because it wasn't serious, okay. I thought you didn't need to know. Lalaki ako Gab, of course I have needs." Paliwanag niya sa akin. " And I also thought that talking to you about that kind of stuff would be awkward." Dagdag pa niya na nag-painit sa magkabila kong pisngi. Oo nga, ang awkward nga nun, saad ko sa aking isipan. "Yeah..." tanging nasambit ko lang, napangiti naman ito thinking naintindihan ko ang ibig niyang ipahiwatig. "See?" Saad niya. "So, nakailang girlfriend ka?" I suddenly asked him. Magkaharap pa rin kami sa isa't isa. Napahimas ito sa kanyang batok tila nahihirapan sumagot. "None." Kapagkuwan saad nya. Kumunot muli ang aking noo. "but you said -" “Samira, us men don't need to be in a relationship just to bed someone." Diretsahan nyang saad. "Okay, so ilan pala niloko mo?" Diretsahan ko rin na tanong. "Why do you keep on asking me that? I told you, I never do that to anyone." Di makapaniwala nyang saad. "Sabi mo kasi-" "Babe, of course before we end up going to bed, we both agreed na hanggang kama lang kami and nothing more." "Seriously? May mga babaeng talagang pumayag ng ganun?" Di makapaniwala kong tanong ko, tumango naman ito."and you took advantage of that? Best friend ba talaga kita? Bakit di ko nakit-" "And you're asking me why I never told you about those things?" Putol nya sa mga sasabihin ko pa sana, in his lower voice. Napatigil ako. Ano ba ang alam ko? And yet I am too quick to judge. Naturingan pa naman akong best friend. "Look Gab, I never took advantage to anyone. Wala akong niloko o pinaasa. Whoever I had s*x with, we both agreed to it. I am always clear to any of them that I don't do relationships and if they insist then expect me not to do the thing. " " Sorry... " Tanging nasambit ko lang. Ilang minutong nanatili kaming tahimik pareho, pina pakiramdaman ang isa't-isa. "Gutom kana ba? Saan mo gustong kumain?" Maya-maya ay basag nya sa katahimikan. Linggo, sinadya kong gumising ng maaga para magpaluto kay Nanay Rosa ng paboritong adobo ni Nathan. Binabagabag talaga ako ng aking konsensya dahil sa nasabi ko sa kanya kagabi. Nang matapos mag luto si Nanay ng adobo ay inilagay niya ito sa isang katamtamang laki na bowl at nilagay sa tray na gagamitin ko sa paghatid ng pagkain ni Nathan. Nilagyan din ni nanay ang tray ng isang platong kanin. May isang pares rin ng kutsara at tinidor. Inangat ko ang tray at tinungo ang katapat na bahay. Dire-diretso akong pumasok sa bahay nina Nathan at tinunton ang kanyang silid. Di na ako kumatok at diridiretso akong pumasok sa loob ng kanyang kuarto. Napalingon ito sa aking gawi ng makita ,nakaupo ito sa makita ako. Nakaupo ito sa ibabaw ng kanyang kama, ang likod ay nakasandal sa headboard. Wala itong suot pang itaas habang nanonood ito ng NBA sa malaki niyang flat screen TV. He wa only wearing a boxer shorts at kitang-kita ang abs, which I get used to see almost every day. Kunot noong sinundan niya ako ng tingin, ngumiti ako at nagpatuloy sa paghakbang palapit sa kanya. Hindi ito nagsasalita at bakas sa mukha ang labis na pagtataka . Hindi naman sa first time ko ‘tong ginawa, ngayon lang talaga na ulit pagkatapos ng ilang buwan. "Good morning! Breakfast in bed." Bati ko sa kanya sabay lapag ng dala kong tray sa ibabaw ng kama sa harap nya. "I ask Nanay to cook your favorite adobo." Dagdag ko sabay ngiti ulit. Tiningnan nya ang dala kong pagkain tapos ay ibinalik ang tingin sa akin, naroon pa rin ang pagtataka. "I'm not mad, okay." Kahit wala pa naman akong tanong ay may sagot na agad ito. Nakasanayan ko kasi itong gawin kapag may tampo sya sa akin. "Still I owe you an apology." "Nah, you don't need to. I Can't blame you for saying those words. I was being very insensitive. I forgot na babae ka rin, bestfriend pa kita pero nagawa ko yon sa mga kabaro mo. I admi, I am a jerk. " "Sorry. " Isang salita na alam kong makapatigil sa kung ano man ang di namin pagkakaintindihan na dalawa. One word then we're okay. Naubos agad ni Nathan ang luto ni Nanay Rosa. Tumambay muna ako sa kanyang kwarto. Nanuod kaming dalawa ng movie. Nanatili itong nakaupo sa kanyang kama habang ako nama’y nakatagilid ng higa paharap sa tv habang ginagawang unan ang kanyang mga hita. Mahigit kalahating oras na kaming nanunuod nang mapahikab ako at makaramdam ng antok, siguro dahil sa maaga akong gumising. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi pa man tuluyang nawala ang diwa ay naramdaman kong gumalaw si Nathan. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok, pabalik-balik, nakaramdam ako ng ibang kaginhawaan sa kanyang ginawa at tuluyan na akong nagpatangay sa aking antok. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog. Nagising ang aking diwa pero nanatiling nakapikit ang aking mga mata dahil sa bahagyang pag-galaw ni Nathan. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagtama ng kanyang hininga sa aking pisngi. Hindi ko alam pero bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko. Napakalapit ng kanyang mukha sa akin ramdam ko ‘yon, ganun pama'y nanatili pa ring nakapikit ang aking mga mata, pinapakiramdaman ang susunod niyang gagawin. Naramdaman ko na lamang bigal ang paglapat ng labi nya sa aking mga labi. Damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD