Chapter 6

3144 Words
Matuling lumipas ang mga araw nakapagenroll na ako sa University na pinapasukan ko, St. Celestine University. Last sem ko na ito. Nagsimula na rin akong pumasok bilang intern sa Hernandez Group of Companies na pagmamayari pa rin ng pamilya nina Kuya Justine at Ate Jazlyn. Lunes ng umaga katatapos ko lang mag-ayos ng sarili at kasalukuyan kong hinahanda ang mga gamit na daldalhin sa pagpasok sa school. Inilagay ko sa dadalhin kong backpack . May dala rin akong libro kaso maliit lang yong backpack ko kaya inipit ko nalang sa aking braso. Nang makasigurong okay na ang lahat ng kakailanganin ko ngayong araw ay sinulyapan ko ang alarm clock na nakapatong sa nightstand, alas sies palang ng umaga. Nilipat ko ang tingin sa nakadapang si Nathan sa gitna ng aking kama na naglalaro ng kung ano sa hawak nitong cellphone, nakaayos na rin ito. "Papasok pa ba tayo o maglalaro ka nalang dyan." Untag ko sa kanya. "Ito naman, ikaw nga itong ang tagal mag-ayos e." Sagot naman nito, nakita ko itong tinapos ang paglalaro at tumayo sa kama at nilagay sa bulsa ang cellphone. Kinuha naman nya mula sa akin ang dala kong libro at siya na ang nagkusang magadala nito para sa akin. Sabay kaming bumababa, tinungo namin ang hapag at magkatabing umupo sa dining table na may mga nakahanda ng mga pagkain. "Good morning, Nanay." Sabay na bati namin ni Nathan kay Nanay Rosa ng lumabas ito mula kitchen at may dalang tray na may nakapatong na baso ng gatas para sa aming dalawa ni Nathan. "Good morning mga anak!" Masiglang bati ni Nanay sa amin sabay lapag ng dala nitong tray sa ibabaw ng dining table. Isa-isa niyang kinuha ang gatas at inilagay sa magkabilang gilid namin ni Nathan. "Thank you, Nanay." Saad namin ni Nathan. We did enjoy the foods that Nanay Rosa cooked at served for us. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay Nanay rosa na pumanhik na. Ganito ang routine namin araw-araw ni Nathan. Pagkatapos n'yang makapaghanda ay agad pupunta sa bahay upang hintayin ako para sabay na rin kaming makapag-almusal. Malungkot daw kasing mag-isang kumain sa bahay. Ang mama kasi ni Nathan na si Tita Agnes ay nakapag-asawa ulit at doon na tumira sa bagong asawa nito. Wala din siyang kasambahay may pumupunta lang doon sa kanila kada dalawang araw sa isang linggo para maglaba at maglinis nang bahay. Kahit magkatapat lang yong bahay namin ay halos sa bahay na namin sya nakatira at nakikitulog sa kuarto ko. Araw-araw ay hatid sundo ako ni Nathan mapa-opisina man o mapa-eskwela since pareho na rin kaming pumapasok sa HGC. May driver naman kami pero laging nag-pre-presenta si Nathan na sya na ang maghahatid sa akin since iisa lang din naman ang destinasyon naming dalawa. 8:00 a:m hanggang 12:00 p:m ay nasa HGC ako at since may one hour breaktime naman sa tanghali ay maiha-hatid pa ako ni Nathan sa school .Di naman malayo yong school from HGC. Sa gabi nama'y sinusundo naman ako ni Nathan kahit na nauna ng dalawang oras ang uwian nya kay sa sa oras ng paglabas ko sa school. Nakagawian na nya ang paghahatid sundo sa akin kahit pa noong pareho pa kaming pumapasok sa school. Habang binabagtas namin ang daan papuntang HGC ay biglang tumunog ang Cellphone ko. Tinignan ko ang screen, nakita ko agad ang pag-pop-up ng message ni Nicco. 'Good morning Ms. Samira Gabrielle Aguilar.' Saad nito na may kasama pang smiling emoji. 'Good morning Mr. Jacob Niccolai Sandoval.' I replied 'Sarap sa feeling siguro kapag narinig mula sayo yong full name ko.' Di ko laam pero parang narinig kong nag growl yong katabi ko. Nilingon ko si Nathan, naka-focus naman ang tingin sa daan pero nakabusangot yong mukha. 'Ewan.' Tanging nasagot ko lang wala kasing ibang maisip. 'Do you have vacant time this afternoon?' 'And why are you asking?' 'I would like to invite you for a coffee date, sana kung papayag ka.' Magrereply na sana ako nang magsalita si Nathan. "Sabihin mo, No. Alam ko ganyang galawan Samira." Napalingon ako sa kanya dahil sa bahagyang paglakas ng boses nito. Akalaing mo'y may pagkachismoso din pala ito, nakikibasa sa cellphone nang may cellphone. "Ganito ka rin manloko?" Tanong ko na may halong panunuya. Bahagyang nagulat ito sa tanong ko sabay sulyap sa akin ngunit ibinalik agad ang mata sa daan. "Wala akong niloko Samira." Anas nya sa akin. " Anong yong alam mong ganyang galawan, huh?" tanong ko ulit sa kanya . "Lalaki ako Samira, alam ko galawang ganyan." "So, may naloko ka nga?" Tanong ko ulit, ayaw kong bitiwan ang topic. "Tsk! Basta sabihin mo, No." Inis pa na nyang saad. "Bakit No? Coffee date lang naman, a." Tanong ko at itinaas ko ulit ang isang kilay "Di kapa pwedeng makipagdate." Wala sa sarili nyang saad. "Bakit ikaw?" Naalala ko na naman yung sa resort. Noong nag-baba siya ng daliri sa tanong nina Kuya Adrianne at Ate Jazlyn. "Anong ako?" Naguguluhan nyang tanong. "Pwede makipag-sex." Biglang napa-preno si Nathan. Muntikan pa tuloy akong mapa-subsub sa dashboard buti nalang may seatbelt at walang sasakyang nakasunod sa amin sa likod. "Ano?" Di makapaniwala nyang tanong. Nakakunot ang noo nito. "Anong -ano ka dyan! So meaning kung nakikipag-s*x ka nga, ginu-girlfriend mo muna diba?" Tanong ko ulit, di parin sya nagsa-salita tila gulat na gulat sa mga pinagsasabi ko."Kala mo basta ko nalang kakalimutan 'yong paglilihim mo sa akin. Tapos ngayon may nagugustuhan ka pang friend mo? Sino ba 'yon ha?! Kilala ko naman lahat ng friends mo, a! Bat di mo mashare sa akin? Kailan ka pa natutong magtago sakin huh?" Biglang namutla ito sa narinig mula sa akin, 'di alam ang sasabihin. Nakatitig kami sa isa't-isa habang hinihintay ko ang isasagot niya. Nasa ganong posisyon kami nang marinig namin ang busina ng sasakyan mula sa likod. Agad na pina.andar ni Nathan ang sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho. Tahimik kami pareho, wala pa rin syang balak sabihin sa akin ang tungkol doon ngunit maghihintay parin ako. Alam ko namang napakapersonal na bagay na yon pero kahit di na nya e kwento 'yong pakikipag-s*x niya kahit yong idea lang kung sino yong naging girlfriend nya at sino yong kaibigan nyang nagugustuhan nya ngayon, yon lang naman gusto kong marinig. Pakiramdam ko kasi, di nya ako pinagkakatiwalaan ng lubos. Yun lang ba talaga, Gabby ? Duda ko sa sarili ko. Naramdaman ko nalang na huminto yong sasakyan. Narating na pala namin parking lot ng HGC ni 'di ko namalayan dahil sa sobrang pag-iisip ko. Bababa na sana ako ng marinig ko syang magsalita. " Gab." Lumingon ako sa kanya at nakita kong tila may pag-a-alinlangan ito sa gustong sabihin. "Can you please stay away from Nicco?" Pakiusap ni Nathan. "And why?" Nakataas na naman ang isa kong kilay. Ano bang probelam nito kay Nicco. "I don't know..." I really dont understand pero bakit may takot sa mga mata nya. "Look, Nathan, you're maybe my bestfriend and you want the best for me but i dont see any wrong being friends with Nicco. He's Nice and Kuya Justine know him. So why?" Tanong kong may pagtataka. Alam kong protective si Nathan sa akin noon pa man pero ngayon lang sya nakiusap sa akin na layuan ko ang isang tao kahit wala namang ginagawang masama. "Kakakilala mo lang doon sa tao, nice kaagad. Malamang puro kabutihan pinapakita nun, interesado kasi sayo. Yung pagmumukha nga non, di mapagkakatiwalaan." Sinira pa talaga nito si Nicco. Ang kaninang seryosong mukha ay busangot na naman. "At kailan ka pa naging judgemental, ha? Nathaniel Aaron?" Sita ko sa kanya. "Basta layuan mo yong pangit na yon. Wala akong tiwala sa kanyan." Saad nalang nya. "Lahat naman ng lumalapit sa akin wala kang tiwala, e! " Saad ko. "Wag mo kong suwayin Samira Gabrielle. Sa akin ka binilin ng mga magulang mo. Kahit magbestfriend tayo ay mas matanda pa rin ako sa sa'yo." Banta nya sa akin. "Bakit ba kasi ang init nang ulo mo kay Nicco, ha?" "Basta! Stay away from him, end of discussion." Tanging saad nya tinanggal nito ang suot na seatbelt at lumabas ng sasakyan samantalang ako ay nakatanga lang na sinundan sya ng tingin. Naramdaman ko nalang ang pgbukas ng pintuan sa aking tabi. Siya na rin ang nagkalas sa suot kong seatbelt dahil hindi pa rin ako kumikilos. Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan kinuha nya ang bitbit kong libro at sabay kaming naglakad patungong elevator. Dahil sa raming pinapagawa sa akin ay nawala na sa isipan ko ang pag-u-usap namin ni Nathan hanggang sa mag-alas-dose na ng tanghali. Tahimik lang kaming Kumakain ni Nathan sa isang pizza parlor, ni di namin pinag-usapan ang pinagdiskusyunan namin kanina. Pagkatapos naming kumain ay agad naman nya akong inihaatid sa school. "Ingat." Tanging sambit niya sa akin. "Thank you." Saad ko bago bumaba ng kotse niya ni di ko siya tinapunan ng tingin. Habang binabagtas ko ang ground patungo sa building ng classroom para sa unang subject ko ngayong araw ay kinuha ko ang cellphone mula sa suot kong high-waisted jeans at binasa isa-isa ang messages doon. Una kong binuksan ang mensahe ni Nathan. 'I'm sorry, babe.' Napangiti na lamang ako ng mabasa ang mensahe niya. I scrolled down at nakitang marami na palang messages doon si Nicco. Nakalimutan ko na itong replyan after nung coffee date na alok nya. 'Di ka na nagreply' 'Sige di nalang date.' 'Gabrielle' 'Samira' 'Hello po?' Pagbabasa ko sa sunod-sunod na mga mensahe niya. 'Hey.' I replied. 'Hi! Have you taken your lunch?' 'Yup.' I replied. 'Good! Sa'n ka ngayon?' 'School' I replied Nang marating ko ang classroom ay itinago ko muna ang cellphone sa bag. Seryoso akong nakikinig sa instructor namin nang kalabitin ako ng kaklase ko na si Paula na nakaupo sa bandang likuran ko. Tamad na napalingon ako sa kanyang gawi. May iniabot itong maliit na papel, kunot noo ko itong tinanggap at ibinalik ang tingin ko sa harapan. Nakakunot pa rin ang noo ko ng binuksan ang nakatiklop na maliit na papel. 'Give me your number :) - Jake' Napataas bigla ang isa kong kilay nang mabasa ang nakasulat. Si Jake ay isa sa mga kaklase kong kinaiinisan ko dahil sa ugali nito. Isang campus crush daw. Oo, gwapo ito pero kung ano yong kinaganda ng mukha s'ya namang kinasama ng kanyang ugali, mayabang na, arogante pa. Nang mabasa ang sulat ay may pilyang sagot naman akong naisip. '483 taya mo sa swertres :)' Itiniklop ko pabalik ang papel at iniabot ko ulit kay Paula. Saktong pagkaabot ko kay Paula ay ang pagtapos naman ng clase, agad akong tumayo at lumabas ng classroom . Dahil absent yong instructor namin sa susunod na clase ay naisipan ko munang pumuntang coffee shop upang bumili ng paborito kung ice coffee at magpalipas na rin ng oras bago pumasok sa susunod na subject. May two and half hours pa naman ako. Habang naglalakad ako papuntang gate ay hinarang ng grupo ni Jake ang aking daraanan. "What?" Inis kong saad. "Ano to?" Tanong ni Jake sabay pakita sa papel na may sulat kamay ko. "Papel?" Maangmaangan kong sagot, lihim akong natawa sa sarili. "Playing dumb, huh? " He said and smirked at me. "If you need nothing, can i now pass?" Saad ko sabay lakad paiwas sa kanila ngunit bago pa man ako makahakbang ulit ay humarang na naman si Jake. "What now?!" Inis ko nang saad. "Phone number." Nakangising saad ni jake "Excuse me? My phone number is private" Saad ko sabay hakbang paiwas ngunit humarang ulit si Jake at sa bawat hakbang ay parang tangang hiniharang ang sarili. " Ano ba?! " Bulyaw ko sa kanya. "That's why lot of guys here like you a lot, challenging ka kasi " "Like I care." walang paking saad ko I heared them laugh. He's with his other four of his friends. Humakbang ulit ako ngunit bago pa man nya iharang ulit ang sarili ay naramdaman ko ang pag patong nang isang braso sa aking balikat. Napaangat ang aking tingin sa nagmamayari ng braso na iyon . "Hi love, sorry I'm late." Nakangisi si Nicco sa akin sabay kindat pero bago pa man ako makagapsalita ay ibinaling na agad ni Nicco ang tingin kina Jake. "Mr. Dela Cerna, do you need anything from my girlfriend?" Seryosong saad ni Nicco. Magkahalong takot at gulat ang nakarehistro sa mukha ni Jake. "No sir, we're just asking for assignments. Actually we're about to go, right guys?" Saad ni Jake sabay baling sa mga kasamang kaibigan. Nakita ko naman ang mga itong nagtataka ngunit tumango na lamang kapagkuway bumaling sa akin, " Salamat nga pala Gab. Mauna na kami." at may pagmamadaling lumakad palayo. "You know him?"Nakakunot noong tanong ko kay Nicco. "Sort of, his father is the head engineer of Sandoval Corporation and Jake is one of our intern there." Sagot ni Nicco. "What actually those guys needs from you?" Tanong niya habang sinusundan ng tingin ang grupo ni Jake palayo. "Assignment nga di ba." Pagsisinungaling ko. "You, sure?" Paninigurado nito, halatang hindi kumbinsido "Yeah, girlfriend, huh?" "Sarap pala sa pakiramdam kahit di pagpapanggap lang. Why not totohanin nalang kaya natin?" Pagbibiro nito. "Sabihin mo yan kina Kuya Justine." Tanging nasabi ko lang "Soon..." Seryosong saad nya sabay ngiti sa akin. "So, yun nga. Bakit ka napadpad dito sa University ? Imposible namang nag-a-aral ka dito." Tanong ko habang pinaglalaroan ng mga daliri ko ang straw ng ice coffe na inorder ko. Nakaupo kami sa isa sa mga nakahelerang tables sa loob ng coffee shop. " Hindi lang ako basta napadpad dito sa school mo, sinadya kita dito. Seryoso nga ako diba noong ininvite kita magkape." Nakangiti nyang sagot. "Okay ka rin, ano?" Nakangiti ko ring saad sa kanya. Maya-maya'y biglang sumeryoso ang mukha ni Nicco. Nakita ko na naman yong nakakailang na klase ng paninitig niya sa akin. "Hmm, Gab." Seryoso niyang tawag sa pangalan ko, nanatiling nakatitig ang mga mata nito sa akin. "Bakit?" I asked him. Nag-iwas ako ng tingin at binaling sa hawak kong ice coffee. "You know, I just came from Batangas all the way here, just to see you." dugtong nya , seryoso pa rin ang mukhang nakatingin sa akin. "Oh..." Wala sa sariling sambit ko. "And I dont usually drive that long just to get here just to see someone..." Biglang napakunot ang noo ko sa narinig ko sa narinig "Then..." Di ko alam kong ma-o-ofend o kung ano ang maramdaman sa narinig. Sino namang nagsabi sa kanyang pumunta s'ya dito. Inangat ko ang ice coffee ko at sumusipsip mula dito. "Unless... she's very important and unless she was you..." Napangat ang tingin ko sa kanya. Napatitig ako sa kanya bigla. "I like you Gab... " Nabulonan ako bigla sa ininom kong ice coffee at napaubo pa. Nakita kong dali-daling kinuha ni Nicco ang isang bottled water na inorder namin at binuksan ito kinuha ko yon mula sa kanya at dalidaling ininum. Binigyan din ako ni Nicco ng tissue kinuha ko yon mula sa kanya at ipinahid sa gilid ng bibig ko. "I dont know, maybe." Kalaunay nasabi ko nang makabawi. Noong sa resort kasi, akala ko talaga trip lang nya kaya pinagwalang bahala ko nalang kaya nagulat ako ngayong sinabi n'ya sa harap ko pa mismo. "I thought, I was so obvious to showed you that I really like you. Remember sa resort and the chats? I kept on messaging you every now and then. I was very consistent and persistent." Pagpapaalala niya. "Akala ko kasi trip mo lang talaga yon." Tapat ko sa kanya. "I like you Gab that's why I really wanted to see you today and ask you personally and officially to court you." I saw sincerity in his eyes, alam kong seryoso s'ya sa sinasabi. "What do you like about me, Nicco? I mean simpleng estudyante lang naman ako, tapos ikaw tagapagmana ng isang napakalaking companya. Kuya Justine even said lot of girls running after you and even threw their selves to you and they're not just girls but girls with names but why me? Iba rin yung trip mo, no?" "I don't know, you're different.You are not like them, an even inch of them. I drove all the way from Batangas just to get here just to see you, I don't think na nang-tri-trip lang ako Gab." "Baka na-cha-challenge ka lang siguro, magkaiba yon." Saad ko. "Nah, I know myself. I know I like you a lot. As in bigtime, and it's kinda weird for me.I never felt like this to someone, before." An amuse smile appears on his face. "Isn't it still too early Nicco, you don't know me yet." Baka nga siguro na-cha-challenge lang s'ya sa akin kasi siguro ako lang yong bukod tanging hindi naghahabol sa kanya. "Thats why im asking you if I can court you. I also want to make sure you're not with someone else. I mean, I respect everyones relationships, you know." Tinatantiya nya ang reaction ko. Hinihintay ang sasabihin ko. Nakatitig lamang ako sa kanya , pinapakiramdaman ko kung seryoso ba talaga ito o nagbibiro lang. "Are you with someone? " Lakas loob na n'yang tanong nang makalipas ang ilang segundong hindi pa rin ako nagsa-salita. Bahagya akong umiling sapat upang malaman n'ya ang sagot ko. Nakita kong mas lumiwanag ang mukha ni Nicco sa sagot ko. "Then, I'm asking your permission again, Gabby. Can i court you? " Nakangiti itong nakatitig sa akin habang hinihintay ang sagot ko. "Pag sinabi ko bang no 'di mo na itutuloy ang panliligaw mo sa akin?" Nakatitig din ako sa kanya ng mabuti , ang kanina'y nakangiting mukha ay unti-unting napalitan ng seryoso. "Hindi." Walang kagatul-gatol niyang sagot. Napabuntong hininga na lamang ako. "As if I have a choice." Tanging nasabi ko. Ngumiti ito marahil ay alam na ang ibig kong sabihin. "Thank you, Gabby." Kapagkuwa'y saad nito ng nakangiti. "But may I remind you na di lang ako ang liligawan mo kung seryoso ka nga dyan sa ligaw na sinasabi mo. I have six guy friends, you have met them already, who are like my brothers that I'm sure you need to go through first." Paalala ko sa kanya , naalala ko bigla yung ibang mga nanligaw sa akin noon na di na nagparamdam sa akin dahil natatakot sa mga kaibigan ko. Sumeryoso ulit ang mukha ni Nicco at bahagya napatango-tango. "Especially Nathan... " Dagdag ko pa. Biglang sumagi sa isipan ko ang pag-uusap namin ni Nathan kaninang umaga. Pinapalayo niya ako kay Nicco pero heto ako ngayon sumasabay sa pagkakape at pinapayagan ko pang manligaw si Nicco sa akin. Sobra nga ang reaksyon n'ya ng nag-aya lang ng coffee date si Nicco, higit pa siguro kapag nalaman n'yang pumayag akong manligaw ito. "Hmm, that really needs hard work, but I will, so you will know that i am eager and sincere." Determinado nyang saad .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD