Chapter 5

2727 Words
Uminit ang magkabila kong pisnge sa narinig. Ininom nito ang kinuhang beer at mabilis na tinungga ang laman. "Yown, o! " Bulaslas ni Miggy. Napasipol naman si kyle Napa-wooh naman ang iba. "Nangangamoy selos." Paparinig ni Ate Jazlyn, nagtaka man ako'y di ko nalang pinansin. Hindi nakatakas sa akin ang pagbuntong hininga naman ni Nathan. "Nambola pa." Inis na bulong ni Nathan. Hinampas ko ang kanyang binti nang marinig ang sinabi. Napatingin kaming lahat kay Kuya Justine nang mag-salita ito. "Okay na kayo? Ako na ha? Put your finger down, if you're still crazy to go back with your EX." Napangisi si Kuya Justin at tumingin kay Kuya Jeric. "Tangina mo, Justine." Inasahan naming magbaba ito ng daliri but instead he reached out for a bottle of beer and drank it straightly hanggang sa maubos niya ang laman. "Bilis maka-move-on, a! Parang kailan lang noong hahabol-habol ka kay Gly." Panunukso ni Kuya Adrianne kay Kuya Jeric. "Life's so short, bro. Bakit pa natin ipipilit yong sarili natin sa taong ayaw na sa atin, di ba?" May pinaghuhugatang sagot naman ni Kuya Jeric. "Sabi mo yan, a." Dagdag pa ni kuya Adrianne at ngumise ng nakakaloko. "Of course." Puno ng kumpyansang saad ni Kuya Jeric Mayamaya ay may narinig kaming tunog mula sa cellphone. "Jeric, I think it's your phone." Tawag ni Ate Mitch dito. Nabigla pa si Kuya Jeric at tarantang kinapa ang bulsa ng suot na shorts kung saan nanggagaling ang tunog. May pagmamadaling kinuha niya ang cellphone ngunit nang akmang tatayo na sana s'ya upang sagutin ang telepono ay narinig namin itong napamura. "f**k you, Adrianne!" Malutong na mura ni Kuya Jeric nang mabasa ang nakarehistrong pangalan sa screen nang cellphone. Dismayadong inilagay pabalik ang kinuhang cellphone sa bulsa. "Di tayo talo, bro!" Natatawang saad si Kuya Adrianne. "Move on, huh? " Nakangising panunuya ni Kuya Justine "Shut up, bro!" Pagbabara naman ni Kuya Jeric halata pa rin ang pagkadismaya sa mukha. Maliban kay Kuya Jeric ay isa rin si Cindy sa hindi nag baba ng daliri bagkos ay ininom nito ang dala na nitong beer sa kamay. " Sinong X yan Cindy? I doubt kung si Nicco yan." makahulugang tanong ni Ely sa kaibigan. "Kaya ka nga umuwi dito sa pinas diba? " dagdag pa ni Ely. "Di mo sure." Maiksing sagot ni Cindy sa kaibigan matapos ilapag ang bote nang beer . Lihim na napa -O ako nang marinig mula kay Ely na mag-ex pala si Cindy at Nicco. Pinagmasdan kong mabuti si Cindy maganda talaga sya at lutaw ang dugong dayuhan nito, matangkad at ang ganda rin ng hubog ng katawan. Sa galaw at pananalita naman ay di maipagkakaila ang pagka-class nito sayang nga lang at pinakawalan ni Nicco. Well, may maipagmamayabang naman rin talaga itong si Nicco, sa tindig at tikas nito tsak marami pa itong mapagpipilian . Naputol ako sa aking pagiisip nang marinig kong magsalita si Kyle . "Put your finger down, if theres a chance that you will fall to your brother's friend." Sinundan ko ang tingin ng nakangiting si Kyle at napagtanto ko agad na ang tanong ay para sa katabi namin ni Nathan, kay Ate Jaslyn. "f**k off, Kyle! " Napabaling ang tingin ko sa napamurang kambal ni Ate Jazlyn . Di man ito galit ay bakas naman ang pagbabanta dito. "Chill, brother! " Napapailing ang nakangising si Kyle. "Hoy, Jaslyn! Pakiubos nga yang isang case sa gilid mo at nang matauhan 'tong katabi ko." baling naman ni kuya Jaslyn sa kakambal. "Ngayon na ba Bal? Ubusin ko talaga to." Nakangising biro ni ate Jaslyn before she reach for a bottle of beer and raised it above her head. "Cheers everyone!" "Nice one bal!" Sabay taas ni Kuya Justin sa bote ng kanyang beer. Dahil walang nagbaba ng daliri ay kanya-kanya kaming kumuha ng beer at itinaas sa ere. Clearly, the question was obviously intended to one person only. "Put your finger down if your not available and drink with me if your single." Proud na proud na si Ely. "Tangina hilo na ak. " Nakatawang saad ko ngunit inabot ko pa rin ang isang bote ng beer. Maliban sa dalawang mag-kasintahan sabay-sabay rin naming itinaas ulit ang isa pang bote ng beer at nilagok. Inabot ko ang isang malaking chitchirya binuksan ko ito. Kumuha ako ng paisa-isa mula sa loob nito gamit ang dalawang daliri. Ini-enjoy ko ang pagkain at kapag may nakadikit na tira-tira na naiiwan sa dalawang daliri ay dinidilaan ko ito sabay sipsip sa aking hinlalaki at hintuturo. Hindi sinadyang napaangat ako ng tingin kay Nicc, nakita ko itong nakatitig sa daliri kong naiwan sa mga labi ko. Napalunok ito at tumungga ng beer na tila ba uhaw na uhaw. He was drinking his beer without taking his eyes off from my lips. Wala sa sariling inilayo ko ang daliri at dahan-dahang kinagat ang aking labi pakiramdam ko tuloy napakalandi ko. Natawa ako nang makita ko itong bahagyang nasamid sa ininum na beer. Natawag ang aking pansin nang mag-salita si Claire. "Put your finger down, if there's no chance that you will fall to someone you had a one night stand with." Habang sinasabi ang dare ay mariin itong nakatitig kay Kuya Jeric make it so obvious that her question is exclusively intended to that one specific person only. Unti-unting inabot ni Clare ang bote ng beer na di hinihiwalayan ng tingin ang mga mata ni Kuya Jeric. Nalipat ang tingin ko kay Kuya Jeric nakatitig din ito kay Claire. Hindi ito kumilos para abutin din ang bote ng beer tila wala itong balak na uminom . Itinaas ni Claire ang bote at unti-unting ininom ito nakatitig pa rin kay Kuya Jeric. Natahimik kaming lahat at pinaglipat-lipat ang aming tingin sa dalawa. Palihim na siniko ni Miggy si Jeric ngunit di sya pinansin nito at nang ilapag ni Claire ang bote ay wala na itong laman. "Next question." Basag ni Claire sa katahimikan. When Cindy was about to open his mouth. " Sandali!" Awat ni Kuya Jeric. " Pahinging beer, nauuhaw ako." Pilyong ngumiti si Kuya Jeric. "Wooh!" Sabay-sabay humiyaw ang mga lalaki, napangiti si Claire. Nakita ko pang sinundot ito ni Ely sa tagiliran. Sabay pa si Kevin at Miggy sa pagyogyog sa magkabilang balikat ni Kuya Jeric. Napatitig lamang ako sa kanila, ganoon nalang ba talaga kadali kalimutan ang tatlong taong pagsasama nila ni Ate Gly. Sa loob ba ng tatlong taon na yon, minahal ba talaga nya si Ate Gly pero bakit kay dali niyang na-akit sa ibang babae at t ito namang mga kaibigan kong lalaki kung makahiyaw akala mo'y di na-e-exist si Ate Gly at wala silang mga pinagsamahan dito. Ganoon nalang ba talaga pero ano bang paki ko buhay naman nila yon. "Okay guys awat na, its your turn Cindy." Putol ni Kuya Justine sa kantyawang naganap. Nalipat ang aming tingin kai Cindy. "Put your finger down, kung tanggap mo na ,na wala na talagang pagasang magkabalikan pa kayo nang Ex mo?" Chill lang si Cindy at itinaas ang hawak nyang bote nang beer at ininum. Napatingin ako kay Nicco ni hindi man lang ito nakitaan nang reaksyon sa tanong ni Cindy basta nalang ibinaba ang daliri. "Kanina ayaw mo na, ngayon naman gusto mo. Ano ba talaga Cindy? Marihap umasa tsk! tsk!" Anas ni Ely. Nakita kong palihim na siniko ni Kyle si Ely ngunit tinaasan lang siya ni Ely ng isang kilay. Si Cindy nama'y nagkibit balikat lang. Sabay kaming napalingon lahat nang magsalita si Migs. "Si Jeric kunwari ayaw uminom, ayaw rin naman nagbaba nang daliri." kantyaw ni Miggy. Uminom lahat ng beer maliban kay Nicco. "Ikaw na, Jacob Niccolai." Untag ni Kyle. Jacob Nicolai, ulit ko pa sa isipan ko, kaya pala JN ang pangalan nito sa Instabook. "Put your finger down, if you already experience, that thing called Love at first sight. Sounds corny but yes... " Saad nito. He then, stared at me. He raised his fingers up enough for everyone to see it and with pride, he moved one of his finger down. Napatitig din ako sa kanya, naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ni Nathan. Nagbawi ako ng tingin kay Nicco at nilingon ko si Nathan, agad kong nakita ang pagtagis nang bagang nito habang mariing nakatitig kay Nicco. "O-oh! " Nalipat ang tingin ko kay Kyle nang magsalita ito. May mapaglarong ngiti na tinignan ang kaibigan. "Off limits Sandoval, not with our youngest. Baka mapapalaban ka, I tell you." Bantang biro ni Kuya Justine kay Nicco. "Yeah..." Nakangiting sangayon ni Kuya Adrianne. "You have no idea bro." Segunda naman ni Kuya Jeric. "If that's so, Hernandez. Then, I would love too, besides she's worth fighting for." May angas na saad ni Nicco . "She doesn't like you." Walang paking saad ni Nathan. Di ko man nakikita ay alam kong nanatili itong mariing nakatitig kay Nicco dahil sa klase din ng pagtitig ni Nicco sa likuran ko. "Si Gab ka ba? Sabi ko nga." May pagkasarkastikong saad nito . "Boys chill, si Gab lang yan." Awat sa kanila ni ate Jazlyn. Alas syete palang ng umaga kinabukasan ay nakasakay na kami sa isa sa tourist boat na pagmamay-ari pa rin ng pamilya ng kambal para sa huli naming activity, iyon ay ang island hopping. Bukas na kasi ng umaga ang uwi namin papuntang syudad. May mga hangover man ang iba sa amin mula sa inuman kagabi ay hindi ito naging hadlang para hindi sumama sa pagbisita sa mga isla. Pangalawa man namin itong pagbisita ng resort ay ito naman ang unang beses na makakapagisland hopping kaming magkakaibigan at kahit hindi man namin sabihin makikita sa mukha ng bawat isa ang paghanga sa bawat isla na pinuntahan. Mapuputi at napakapinong buhangin ang nakapaloob sa mataas na sandbar. Napakalinaw na tubig na makikita mo na ang ilalim ng dagat kahit di mo man sisirin. Nakadagdag din ng ganda ng isla ang ilang mga kahoy. Ang ganda ng isla ay nagbibigay ng kakaibang kaginhawaan at kasabay ng pag-ahon mula sa pagsisid sa napakalinaw na tubig ay ang pagwala ng naramdamang sakit ng ulo mula sa hangover. Bawat isla na napuntahan ay di namin nakakalimutan ang kumuha ng retrato, mapa-solo man, dalawahan, tatlohan at lalo na ang pagkuha ng retrato ng buong barkada. Ito namang si Nathan tila may balak maging photographer at ako ang gagawing modelo gamit ang sariling niyang DSLR camera. Lahat ng sulok ng bawat isla ay kinukuhanan niya ako nang litrato. Kapag kasi sa tingin nya ay maganda ang view lagi nya akong pinapapost na parang modelo. Mula sa sinasakyan naming bangka papunta sa huling isla na bibisitahin ay natanaw namin ang ilan pang-tourist boat na nakadaong na sa isla ,ang ilang katao ay kumukuha na rin ng mga photo habang ang iba ay naliligo. Nang marating ang huling isla ay katulad din ng dalawang naunang islang binisita ay sinulit namin ang paglibot sa kabuohan nito at katulad ng nauna ay di rin ako nakaligtas sa aspiring photographer kong si Nathan. I wore a darkblue two-piece bikini and white low-waisted short shorts na kasing ikli narin nang bikini bottom ko. "Isang pose pa, babe." Si Nathan . "Ito okay na ba? " sabay angle ng mukha ko . "Great! Ganda ng baby ko as always." Saad nito sabay click ng kanyang camera. Pagkatapos ay tumakbo ako palapit sa kanya upang tignan ang mga kuhang litrato. "Patingin.ako." Saad ko sabay kuha sa camera mula sa kanya. "What do you think? Ganda kong kumuha ng pictures no?" Pagmamayabang ni Nathan. "Hmpf! Maganda lang talaga akong mag pose." Pagmamalaki ko rin. "At maganda ka rin, sobrang ganda." Sabay kaming napalingon ni Nathan ng marinig ang pamilyar na boses na iyon and saw Nicco nearby. Naramdaman ko agad ang pamumula ng aking mga pisnge kasabay ang naramdamang pag-init ng dugo ni Nathan. "Nicco." Sambit ko sa pangalan nito. "Yung totoo! Nawawalang buntot kaba ni Gabby?" Inis na saad ni Nathan. "Nathan." Saway ko sa kanya. "Nope, I think her lost soulmate." Chill na saad ni Nicco na nagpa-inis lalo kay Nathan. "Soulmate amp-" "Una na kami Nicco. Puntahan muna namin sina Kuya Justine, bye." bago paman ituloy ni Nathan ang sasabihin ay tinakpan ko na ng isa kong kamay ang bastos na bibig nito at hinila ito palayo kay Nicco. Nakita ko pang napapa-iling si Nicco at napangisi. "O, anong nangyari dyan?" Turo ni Ate Jazlyn kay Nathan na halatang badtrip. Nagkibit balikat lang ako bilang tugon. "Nicco!"Rinig naming sigaw ni Kuya Justine sabay patakbong lumapit kay Nicco di kalayuan mula sa kinatatayuan namin. "Ay, kaya naman pala." Natatawang napapailing na si Ate Jaz. "Nagseselos." "Nagseselos? Sino Ate Jaz? " "Sana man lang bago maunahan ang iba dyan, sabihin na 'yong totoong nararamdaman at para di laging na sa huli ang pagsisisi." Makahulugang saad ni Ate Jazlyn bago tumalikod papunta kina Kuya Adrianne. "Anong pinagsasabi ni Ate Jaz? Sino bang tinutukoy nyang nagseselos?" Tanong ko kay Nathan at bilang tugon nagkibit balikat lang din ito. Tanghali na nang mapagpasyahan naming umuwi nakaramdaman na rin kasi kami ng hapdi sa balat dahil sa tindi ng sikat ng araw. Nang makapagbihis ay napagpasyahan na mananghalian sa isa sa mga seafood restaurant ng resort. Matapos ang pananghalian ay pumasyal muna kami sa mga maliliit na mga souvenir shops bumili ako ng mga pasalubong para kay Nanay Rosa. Si Nanay Rosa ay ang yaya ko simula noong three years old pa lang ako. Kasama nitong naninilbihan sa amin ang asawa nitong Si Tatay Kanor bilang family driver namin. Binilhan ko rin ang mga anak nina Nanay rosa at ang iba pang mga kasambahay namin. Ganoon din ang ginawa ni Nathan. Habang abala pa sa pamimili ang iba naming kasama nagpatuloy lamang kami ni Nathan sa paglilibot sa mga souviner shops na nakahelera. Bit-bit ni Nathan ang mga pinamili kong pasalubong ay pumasok kaming dalawa sa isang souvenir shop na nagku-customize ng tshirt. Naisip ko kasing magpa-customize ng tshirt na pareho kami ni Nathan. Couple t-shirt kung baga which is nakasanayan na naming dalawa sa tuwing gumagala kami. Sa loob ng souvenir shop ay nakadisplay ang ibat-ibang sample designs ng mga t-shirt .Di nakaligtas sa aking paningin ang mga babeng staffs at customers na napapasulyap kay Nathan. Bakas sa mga mukha nito ang paghanga. Tinignan ko sila isa-isa kaya ng mapasulyap ang tingin nila sa akin ay agad nag-iwas ng tingin ang mga ito. Napapailing na natatawa nalang ako sa sarili marahil ay akala nila magkasintahan kami ni Nathan. "That one, babe, gusto mo ba yon?" Tanong sa akin ni Nathan na nakaturo ang daliri sa isang design. Namimili kami ni Nathan ng designs nang biglang mag ring ang cellphone nito. Kinapa niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa. He clicked the power button on to check who's in the screen at nang makita ang pangalan sa screen ay agad itong nagpaalam sa akin na lalabas muna upang sagutin ang tawag. Marahil ay importante at confidential ito kaya naisipang sa labas na lamang sagutin. Ibinalik ko ang tingin sa mga nakadisplay na samples nang mapalingon ako nang magsalita ang isa sa mga staffs na babae na naroon. "Bagay na bagay po kayo nang boyfriend nyo po maam." Tila kinikilig na saad ng babae sa akin ng makalabas si Nathan. "Pareho po kayong magaganda ang lahi po maam." Napangiti ako nang marinig ang kanyang sinabi. "Salamat po miss pero di ko po yon boyfriend." Pagtutuwid ko naman sa kanya. "Po?" Gulat na tanong ng babae sa akin, tila di makapaniwala. "Kaibigan ko lang po yon, matalik na kaibigan." 'Di ko alam pero tila may kirot akong naramdaman ng sabihin ang mga katagang iyon. Napalingon ako kay Nathan na nakikinig sa kausap sa kabilang linya, ang isang kamay nito ay may hawak na cellphone at ang isa nama'y nakalagay sa kanyang beywang , napatingin ito sa aking gawi at bahagyang ngumiti. Napalingon ako pabalik sa babae nang marinig ko itong magsalita. "Di po ba pwedeng maging kayo? Sayang po talaga kayo maam , akala ko po talaga ay magkasintahan po kayo." Naghihinayang saad na ng babae. Napatigil ako at napaisip bigla. Matagal na pala noong huli kong kinumbinsi ang sarili na kailanman ay hindi kami hihigit sa pagiging matalik na kaibigan. Hanggang kaibigan nalang ba talaga kami o hanggang kaibigan nalang ba talaga ako? Dahil alam ko sa sarili kong mas higit pa doon ang nararamdaman ko para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD