Chapter 4

2955 Words
Dahil sa nangyaring gulo sa bar ay napagpasyahan nalang nang tropa na umuwi nalang at sa tinutuluyan naming bahay ipagpatuloy ang naudlot na inuman. Nakabenda din ang kanang kamay ni Nathan na ginamit nito sa pagsuntok sa lalaking nambastos sa akin kanina sa bar. Namaga ito ng kaunti at nakatamo ng mali-liit na sugat at bago kami lumabas ng bar ay kinausap muna ni Kuya Justine ang naka-assign na manager at inatasan na iba-ban mula ngayon ang lalaking iyon upang hindi na makapambiktima pa ng iba. Kasalukuyang binabagtas namin ang daan pabalik sa tinutuluyang bahay nang sabay kaming napahinto at napalingon nang marinig namin na may sumisigaw malapit sa may dalampasigan at tinatawag ang pangalan ni Kuya Justine . Nang mapag-sino ay agad pinuntahan ni Kuya Justine ito. Napasunod nalang kaming lahat sa kanya. Ang sumisigaw ay si Kyle, kumakaway pa ito na nakaupo sa buhangin at may hawak-hawak na gitara kasama ang mga kaibigang nakainuman namin kahapon. Nakapabilog ang mga ito at sa gitna ay ang ginawang bonfire. Nang makalapit ay agad yumuko si Kuya Justine upang ibunggo ang kamao sa nakataas ng kamao ni Kyle pagkatapos naman ay kay Nicco at bumati sa iba pang naroonn. Nakigpalitan lang din kami ng pagbati sa kanila. "Saan punta n’yo?" Nakatingalang tanong agad ni Kyle kay kuya Justine. Nakamasid lamang ako sa dalawa nang maramdaman ko na naman na may mga matang nakatingin sa akin at nang ibaling ko ang paningin ay nakita ko na naman si Nicco na mariing nakatitig sa akin. I stared back at him ngunit naputol ang ilang segundong pakikipagtitigan ko kay Nicco nang maramdaman ko ang pagyakap ng kanang braso ni Nathan sa aking mga balikat sabay lapit ng katawan n’ya sa likod ko. "U-uwi na sana. Badtrip kasi sa pinuntahan naming bar." Narinig kong sagot ni kuya Justine. Napatingin agad si Kyle sa suot na relo, pagkatapos ay nag-angat muli ng tingin kay kuya Justine. "Ang aga pa. Why not join us here? Of course, with your friends as well kung okay lang sa kanila." Aya ni kyle sabay baling ng tingin sa amin ngunit nagtagal titig nya kay Ate Jazlyn. Nakita ko nalang ang sariling nakikiupo sa mga kaibigan ni Kuya Justine sa buhangin kasama ang buong tropa. Sa dami namin ay nakagawa kami nang malaking bilog pinagitnaan ang ginawang bonfire. May mga nakalatag na mga cases ng stallion at chitchirya sa buhangin. Pumwesto ako sa harapan ni Nathan at nakasandal ang likod ko sa kanyang dibdib. Katabi naman namin sa kaliwang bahagi si Ate Jazlyn at sa aming kanan ay magkatabi ang magkasintahang si Chezka at Kevin. Kasunod nila si Kuya Jeric na katabi naman si Miggy at sa kanan ni Miggy ay si Kuya Justine na katabi si Kyle. Sumunod si Ely, kaharap ni Ely si Miggy at katabi nito si Claire na katapat si kuya Jeric. Katabi ni Clare si Cindy na katapat sina Kevin at Cheska. Sumunod naman si Nicco na katapat namin ni Nathan na kasunod ang magkasintahang si Kuya Adrianne at Ate Mitch na katulad namin ni Nathan nasa harapan din ni Kuya Adrianne ang kasintahan at nakasandal ito sa kanyang dibdib. Katapat ng magkasintahan si kyle katabi naman ng magkasintahan sa kanang bahagi si ate Jazlyn na katapat nito ang kakambal. "Hi, Claire!" Napalingon ako sa nakangising si Miggy na nakatingin kay Claire. Nakita ko ang palihim na pag-siko ni Miggy kay Kuya Jeric, palihim naman siya nitong pinakyuhan bilang ganti. "Uy, Miggy! " Ganting bati ni Claire. Lumipat ang tingin niya kay Kuya Jeric at tumango lang dito, tumango lang din si Kuya Jeric. Lahat ay may kanya-kanyang bitbit ng bote ng beer. Hiniram ni Kevin ang gitara ni Kyle di naman tumanggi ang huli at inabot kay Kevin ang dalang gitara. Maya-maya nga'y nagsimula ng tumugtog si Kevin. ‘Nitong umaga lang, Pagka lambing-lambing Ng iyong mga matang, Hayup kung tumingin. Nitong umaga lang, Pagka galing-galing Ng iyong sumpang, Walang aawat sa atin’ He was playing and singing ‘Kisapmata’ by Rivermaya. Sa chorus ay nakisabay na ang lahat kay Kevin sa pagkanta. May ibang napapa-taas ang kamay sa ere at may ibang napapapikit habang kumakanta. ‘O kay bilis namang maglaho ng Pag-ibig mo sinta, Daig mo pa ang isang kisapmata. Kaninay nariyan lang o ba't Bigla namang nawala. Daig mo pa ang isang kisapmata.’ Nang matapos naming kantahin ang Kisapmata ay isinunod naman ni Kevin ang ‘O, pare ko’ ng Eraserheads. ‘O pare ko, meron akong problema.’ "Problema nga yan " Adlib ni Miggy ‘Wag mong sabihin nanaman’ Sumabay si Miggy. ‘In-love ako, sa isang kolehiyala.’ "Kolehiya daw, Gab." Adlib pa ulit ni Miggy. Pinanliitan naman siya ni kevin ng mga mata and mouthed ‘Gago’. Bahagya pang napangisi si Kevin nang mahinang binatukan ni Kuya Justine si Miggy. "Loko ka Justine, ang sakit." Sapo ang ulong reklamo ni Miggy. Natatawang nakatingin lang kami sa kanila. Nalipat ang tingin ko kay Cheska, nakikitawa lang din ito sa kabulastugan ni Miggy. "Yang dila mo, puputulin ko." Pagbibiro ni kuya Justine. Ngumisi lamang si Miggy. Sa kabila ng pangaasar ni Miggy ay nagpatuloy lamang si Kevin sa pag tugtug sa kanyang gitara at pag-kanta. ‘Wag na nating idaan sa mabuting usapan lalo lang madaragdagan ang sakit nang uli at bilbil sa tyan’ Nang magchorus ay sabay-sabay din kaming kumanta. ‘O, dyos ko! ano ba naman ito ,diba, Tangina!’ “Tangina talaga yan, Kevs." Pang aasar ulit ni Miggy. Napapa-iling nalang si Kuya Justine. Hinayaan na lamang siya ni Kevin at di na pinansin. Nagpatuloy sa pagkanta at pagkuskus sa gitara si Kevin. ‘Nagmukha akong tanga , pinaasa nya ako lang ako.’ "Ouch!" Si Miggy ulit. Ang kulit talaga. ‘Letseng pag-ibig to, ohooo ,ohooo.’ Nang matapos ang O, Pare ko nang Parokya ni Edgar ay may pilyong ngiti na sumilay sa labi ni Kevin, tila may kapilyuhang naisip. "Sabayan n’yo ko." May ngising saad ni kevin. He strummed the guitar once. Napatingin lahat kami sa kanya. 'Labis na naiinip, nayayamot.' Nang mapagtanto ay sabay kaming tumawa. Hindi nakaiwas si Kevin sa batok ni Kuya Jeric. Natatawang napakamot nalang sa kanyang ulo si Kevin. "Gago ka Kev, nananahimik ako dito." Reklamo ni Kuya Jeric. Kahit hindi naintindihan ng grupo ni Nicco ang nagyayari ay napatawa na lamang din ang mga ito sa kakulitan ng mga kaibigan naming. Marami pang OPM songs ang tinugtog ni Kevin at sa bawat tugtug ay napapasabay kaming lahat sa pagkanta. Tumigil lamang sa pag-gi-gitara si Kevin nang maramdaman ang kirot mula sa daliring ginamit sa pagkuskus ng gitara. Ibinalik n’ya ito kay Kyle. "Let’s play ‘Put your finger down’ game. Alam naman na siguro ng lahat ang larong ito." Aya ni Kuya Adrianne sa amin. Tila game naman ang lahat sa suggestion na laro ni Kuya Adrianne at sabay-sabay na itinaas ang isang kamay sa ere. Si Kyle nama'y itinabi muna ang gitara. "To make it more fun, the one who did not put his or her finger down will be going to drink up the whole bottle of beer. Everyone also, should need to contribute one question. Kahit na anong question pwede." "Akala ko may truth or dare na naman, ma-pi-pikon na naman si Nathan." Tila ba di nauubusan ng pangasar itong si Miggy. "Shut up!" Saway ni Nathan. Tinawanan lang s’ya ni Miggy. "Okay! I'll start, put your finger down if you already had sex." Pilyong panimula ni Kuya Adrianne. "Drink up Jazlyn! Don't you ever dare to try the other way around." Utos ni Kuya Justine sa kakambal. May pagbabanta pa sa tono nito. "Kung gusto mo ubusin ko pa lahat to eh!" Pagyayabang pa ni Ate Jazlyn. "Good!" Saad naman ni Kuya Justine. Napakunot noo ako nang magbaba ng daliri si Nathan. Bahagya kong inilayo ang sarili sa kanya upang lingunin sya. May pagtatanong na tinitigan ko s’ya sa mga mata. Sa pagkakaalam ko, kailaman ay di ito nagkaroon ng girlfriend. Wala rin itong nabanggit na may nagugustuhan man lang pero pwede nga namang makipag-s*x kahit hindi mo jowa, uso na naman ngayon yan. Well, he can have whoever he wants, marami naman talaga ang nagkakandarapa dito sa taglay pa naman ng magagandang katangian nito physically tiyak babae na ang magkusang maghubad sa kanyang harapan. Kunot noong sinalubong niya ang mga titig ko. "What?" Inocente nyang tanong. "Sino?" Mahina kong tanong sa kanya. "Basta... " Naramdaman ko ang pagka-ilang niya sa tanong ko. ‘Di na ako nag-usisa pa at umayos nang upo. Napabaling ang tingin ko sa harapan at di sinadyang napatingin ako kay Nicco nahuli ko itong seryosong nakatitig sa akin. Nalipat ang tingin ko nang magsalita si Ate Mitch. "Put your finger do-" "Sorry babe but I think Gab forgot the consequence." Putol ni Kuya Adrianne kay Mitch. Napatingin ang lahat sa akin. "Hindi ka nag-baba ng daliri, therefore you have to drink or is it the other way around?" Agad akong pinamulahan ng mukha nang mapagtanto ang kanyang sinabi. "Oh, sorry, I forgot!" Kinuha ko ang beer at nilagok. Narinig ko pa ang pagbuga ng hangin ni Nathan mula sa dibdib. Nang makalahati'y ibinaba ko ang bote. Napatingin ulit ako kay Nicco, I saw an amuse smile on his lips while staring at me. Tinungga ko ulit ang beer at inubos na ang laman nito. "Okay, your turn now babe." Tugon Kuya Adrianne kay Ate Mitch. "Put your finger down if you love it on top." Patuloy ni Mitch. "Anong klase ng top babe?" Bulong ni kuya Adrianne kay Ate Mitch pero narinig parin naming lahat. Hinapit niya si ate Mitch sa baywang at ang baba niyo ay nasa balikat ni Ate Mitch. "Ugh, get a room guy." Tumawa lamang ang magkasintahan. "Of course, during sex." Walang kyemeng saad ni Ate Mitch. "Parang sa clase lang a, may follow question agad." Biro pa ni Kuya Jeric. "Mukhang SPG edition to Gab, malalasing tayo nito." Saad naman ni Ate Jazlyn. "Feel ko nga Ate Jaz, cheers!" Sangayon ko naman taas ng bote ng beer ko kay Ate Jazlyn, agad naman niya itong binangga sa bote niya. Sabay kaming dalawa sa pagtungga. "Now, my turn." Saad ni Ate Jazlyn nang mailapag ang boteng wala nang laman sa buhangin "Put your finger down, if... " Sinadyang ibitin ni Ate Jazlyn ang sasabihin at sinulyapan si Nathan. "If you're falling in love with your friend." At idiniin pa ang pagkakasabi ng salitang friend. Naramdaman kong bahagyang gumalaw si Nathan sa aking likuran. I expect na kukuha ito ng beer ngunit hindi. Nilingon ko ito at nakitang nakababa na ang tatlong daliri nito. Napapa-isip na naman ako kung kaninong kaibigan namin o kaibigan lang ba nya siya may pagtingin. Sa pagkakataong ito ay di ko maiwasang makaramdan ng tampo at mainis. Hindi dahil sa may gusto ito sa iba kun’di dahil nag-li-lihim na ito sa akin. Wala sa sariling kinuha ko ang isang bote ng beer at inisang lagok ito , nang ibaba ay ubos na ang laman bote. "Parang uhaw na uhaw Gab, a." Puna ni ate Jazlyn. "Slight lang." Pagbibiro ko pa. "Uy, Kevin nag-baba ka na ba." Si Miggy ulit. Mula sa tatlong daliri na nakataas pa sa kanang kamay ni Kevin ay naging isa na lamang ito, iniwan ang gitnang daliri sabay itinuon kay Miggy. Natawa ako sa ginawa ni Kevin pero di ko maiwasang mailang dahil nandyan lang si Chezka. Napatawa lang din si Chezka, ni di man lang ito nababakasan ng inis o pagkailang man lang sa mga banat ni Miggy bagkus ay nakikitawa lang ito. "Okay, it’s Nathan's turn" Saad ni Kuya Justine. "Put your finger down if you like someone right now." Medyo binagalan pa ni Nathan ang pagsambit sa huling apat na salita. Nilingon ko ulit si Nathan at tinignan ko ulit ang kanyang kamay. Lalong sumikdo ang tinatago kong inis nang makitang nakababa na ulit ang ika-pang-apat na daliri nito. Wala na akong paki kung makita man nya ang inis sa aking mukha. Naiinis ako dahil naturingan akong bestfriend ngunit naging estranghero ako sa ganitong parte ng buhay niya. Alam ko lahat ang sa kanya maliban nga lang sa mga ganitong bagay . Kailan man ay di ito nag-open up na may nagugustuhan or nililigawan. Aaminin kong may bahagi ng puso ko ang nasasaktan dahil sa isiping pinaglilihiman na ako ng taong tinatawag kong bestfriend ko. Ibinalik ko nalang uli ang paningin sa harapan. Nag-baba lahat maliban parin sa akin. Muli ay may inis ko nang kinuha ang isang bote ng beer at katulad kanina ay inisang lagok ko ulit ito. Bahagya pa akong inawat ni Nathan ngunit di ko sya pinansin. Tinabig ko ang kamay niya. "Babe, okay ka lang?" Mahina ngunit sapat na upang marinig ko ang kanyang sinabi sabay kalabit sa balikat ko. Siguro’y nakita nga nya ang inis sa aking mukha nang nilingon ko sya. "And why should I be not?" Sarkastiko kong sagot. Mahina lang ‘yong boses ko para s’ya lang ang makarinig. Napalingon kami nang tumikhim si Miggy at pinaglipat-lipat ang mga mata kay Kuya Jeric at Claire. Di naman s’ya pinansin ng dalawa. "Your turn, Gab" Untag sa akin ni Kuya Adrianne. May naisip na sana akong tanong ngunit dahil sa inis ko kay Nathan ay iniba ko ang unang naisip. "Put your finger down kung di kayo nasasaktan pag pinaglilihiman kayo ng matalik n’yong kaibigan." Sinadya ko pang idiin ang pag-banggit sa salitang, nasaktan, pinaglilihiman at matalik na kaibigan. Sabay-sabay pa silang napapa-O nang marinig mula sa akin ang panlimang tanong. Hinapit ni Nathan ang baywang ko mula sa likod, pilit niya akong pinapalingon sa kanya ngunit nag-matigas ako at pinirmi ang mukha sa harapan, bahagya ko pang-inilayo ang sarili “Babe, galit ka?" Nag-a-alala n’yang tanong. "Bakit? Masyado bang obvious?" Sarkastiko ko pa ring saad "Yan kasi, Nathan, lihim pa more." Kantiyaw ni Ate Jazlyn. "May pinaghuhugotan yata itong si Gab." Saad niman ni Kuya Justine. Di na ako pinilit ni Nathan na lumingon sa kanya ngunit mas dinikit niya ang katawan sa likod ko habang ang dalawang braso ay nakapatong sa aking tyan. Naramdaman ko rin ang paglapat ng baba nya sa balikat ko. "Sorry..." Bulong nya sa akin. ‘Di ko alam kong alam ba nito kung bakit ako nagtatampo. Hindi ko s’ya pinansin bagkos ay inilayo ko ng kaunti ang katawan sa kanya upang abutin ang isa pang beer. I was about to drink it but Nathan snatched it from my hand and drank it straighly at nang ilapag n’ya sa buhangin ang bote ay wala na itong laman. Napalingon kami nang mag-salita si Chezka. "Put your finger down, if you feel that the one you like right now, DON'T like someone else." Medyo tricky ang question ni Cheska. Kunot noong napatingin naman si Kevin sa kanya. Napa-oh ang iba nang mapagtanto ang nais ipahiwatig ni Chezka. Nakita ko sabay-sabay na tumungga si Cindy, Clare, si Miggy at Nicco. Mas lalong napakunot ang noo ni Kevin nang abotin ni Chezka ang beer sa harapan at agad itong tinungga habang sinusulyapan sa gilid nya si Kevin na nakakunot noo paring nakatingin sa kanya. "You like someone else?" Seryosong tanong nya. "Wala, ikaw lang." Simpleng sagot ni Chezka sabay baba nito sa bote ng beer. "I like someone else? " Naguguluhang tanong ni Kevin at itinuro ang sarili. Nagkibit balikat lamang si Chezka. "Your turn now, Kevin." Kuya Justine smilingly interrupted them. Napabuntong hininga si Kevin at matalim na tumitig kay Miggy. "Put your finger down if you want to kill Juan Miguel, right now." Nagkunwaring nasindak naman si Miggy at kinapa ang dibdib. "Luh, bro walang ganyanan." Natawa naman kami. "Pigilan mo kasi yang bunganga mo Miggy." Saway ni Ate Jazlyn. "Oo, na." Saad naman nito. "Kevs, ‘yon na ba yong tanong mo? Kasi, we so love to put all our fingers down." Natatawang biro ni Kuya Jeric. "Loko ka!" Reklamo ni Miggy. “Okay, seryoso." Patuloy ni Kevin. Tinignan niya ng mariin sa mga mata si Chezka. "Put your finger down, if your loyal." At taas noong nagbaba ng isang daliri si Kevin. Lahat naman nag-baba. "Wee." Kantiya ni Miggy ulit kay Kevin. "Oops!" Tinuptop naman nito ang sariling bibig at binalingan si Jeric. "Maglasing ka, Jeric " Napunta na naman kay Kuya Jeric ang pang.aasar ni Miggy. "Put your finger down, kung gusto niyo talagang patayin ‘tong gagong to." Pagbibiro ni Kuya Jeric at binatukan ang katabi. Natatawang umilag si Miggy kay Kuya Jeric "Talong pikon!" Pang-aasar ni Miggy. "Nagbaba lahat sa loyal, a. Mga mapag-panggap." Saad ni Kuya Justine. Natawa ang lahat. "Put your finger down, if you had fun last night." May sumilay na pilyong ngiti sa labi ni Kuya Jeric at palihim na sinulyapan si Claire. Lumipat naman ang tingin ko kay Claire. Napataas ang isang kilay nito at sabay pa talaga silang dalawang nagbaba ng kani-kanilang mga daliri. Lahat naman yata ay nag-enjoy kahapon dahil lahat wala ni isa ang uminom ng beer. "’Tong tanong ko pampalubag loob kay Gab, wala kasi akong maisip na tanong." Napatingin ako kai Miggy kinindatan lamang nya ako. "Put your finger down, if nakyu-kyutan kayo kay Gabby." “Kunwari ka pa Miggy, crush mo nag talaga si Gabby.” Kantiyaw ni Kuya Jeric. “Asa.” Depensa naman ni Miggy. Napatingin kaming lahat nang kumuha ng beer si Nicco at tinungga ang laman, di ko alam kong ma-o-offend o ano ang mararamdaman sa ginawa ni Nicco. "Seryosa ka bro? You don’t find her cute?" May kahulugang tanong ni Kyle. I saw him smirked. Tiningnan ni Nicco ang kaibigan pagkatapos ay inilipat ang tingin sa akin at tinitigan ako sa mata. "She's not cute. She's…" He smiled. Ibinitin pa nito ng konti ang nais sabihin. " She...beautiful." Kapagkuwa'y dugtong nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD