Nagulat si Ursula sa sinabi ni Sam, pero saglit lang at napahinga rin siya nang malalim. Minsan talaga nakakaligtaan niyang may mga saltik nga pala ang mga taong narito. “Tapos ka na ba? Marami pa kasi akong itse-check na pasyente.” Nanatili siyang nakatingin sa salamin at doon sila nag-uusap ni Sam. Ibubuka sana ni Sam para sumagot kay Ursula nang walang ano-ano ay napahawak ang babae sa may takip na bibig at tumakbo sa kinaroroonan niya. Agad na tinanggal ang mask at dumura sa lababo. Napaatras si Sam nang makitang tatlong ngipin ang agad na lumagpag na lumikha pa ng tunog kasabay ng mga dugong mula sa bibig ni Ursula. Mabilis na binuksan nito ang gripo at nagmumumog. May maliit na strainer sa butas ng lababo kaya hindi ganap na nahulog ang mga iyon. Natutulalang hindi makapaniwala si