Kanina pa pabalik-balik si Ursula sa harap ng pinto ng mga may lubha ang kalagayan. Kung baga mga wala ng pag-asa pero pilit pa rin nilang isinasalba. May mga pamilya naman ang mga ito at nagbabayad ng malaki kaya walang problema kung nasa kanilang pangangalaga. Nakahiwalay ang kuwarto ng mga ito. Isang unang palapag lang iyon pero malawak na nasa dulong bahagi ng lupain. Nasa likuran ito ng mental hospital at medyo malayo. Kabilang lugar ang tawag nila rito. May nakatalagang guard sa harap, pero wala sa likuran. Naka-lock naman ito kaya secure silang hindi basta-basta iyon mapapasok. Kinuha niya ang bungkos ng mga susi sa drawer ng kaniyang lola kanina. Ibabalik na lang niya iyon mamaya pagkatapos. Sinulyapan niya ang orasang nasa dingding; alas dos kuwarenta na. Isagawa ito sa loob