“I need to go home. But I’ll be back.” Malawak na ngiti ang ibinigay ni Ursula kay Christian pagkalabas ng banyo. “Magpa-deliver na lang kasi tayo. May treat. Or sa labas na lang tayo kumain,” naka-dekuwartrong saad naman ni Leila, kasalukuyan silang nasa sala. “No. Nangako kasi ako kay Christian na ipagluluto ko siya ngayong gabi and I always keep my promise.” Bagamat nakangiti, nakataas naman ang isang kilay ni Ursula kay Leila. “Whatever,” nakaismid namang saad nito. “Hatid ba kita?” Tumayo si Christian mula sa pagkakasalampak sa sofa. Umiling naman si Ursula pagkatapos na sabihing may dala siyang sasakyan. “Besides, maaga pa naman. I can make dish that you will never forget,” makahulugang saad nito bago lumabas ng pinto. Tumango-tango naman si Christian bago inihatid siya sa may