Inis na pabiglang isinara ni Ursula ang notebook na kulay pula. “Buwiset! Bakit ganito? Ano ‘yun? Dalawang utos sa isang hiling? Huh?! Pinagloloko ata ako nito!” Huminga muna siya nang malalim para kalmahin ang galit na nagsisimula nang mamuo sa kaniyang dibdib. Pagkabuklat kasi niya, may bagong nakasulat sa ibabang bahagi ng naunang utos: Ang kautusan ay hindi pa rito nagtatapos. Itabi ang nakuha. Kakailanganin sa itatakdang oras para sa susunod na kautusan, para sa katuparan ng hiling. “So, hindi pa matutupad ang hiling ko dahil hindi pa tapos ang mga pesteng utos! Naman! Naman! Naman!” Pigil na pigil ni Ursula ang pagsigaw sa sobrang inis. Gustong-gusto na niyang makamit ang pagmamahal ni Christian, tapos ganito? Maghihintay pa rin siya? Isang malakas na pagbuga ng hangin ang gin