Hindi malaman ni Ursula kung mapapamura o magsisisi kung bakit humiling siyang muli sa wishlist. Pero, wala naman talaga sa loob niya iyon lalo pa at naiisip niya ang kalagayan ni Danilo. Heto na naman ang pag-iisip niya kung paano matutupad ang hiling. Sa sobrang pag-aalala niya para sa nag-iisang kaibigan, nakuha niya ngang isulat ang kahilingan sa numero pang-apat. Ngayon, ang utos ang kailangan niyang paghandaan. Matapos na mabasa ang dapat gawin, agad siyang nagpaalam sa kaniyang lola na mauuna nang umuwi. Ngayon din kasi mismo naka-date ang utos. Simula nang magkabati sila nito, pang-umaga na ang kinuha niyang shift. Kung dati ay sangdamakmak na tanong at malamang pati mura ay ibibigay nito sa kaniya, ngayon ay panay tango na may kasamang ngiti at ingat apo pa ang pabaon nito. Ni