Hindi makapaniwala si Ursula nang maabutan si Danilo sa locker room; mugto ang mga mata at may pasa braso at pisngi. “Anong nangyari sa ‘yo?” Agad niya itong nilapitan. Suminghot-singhot naman si Danilo, bago pasimpleng isinuot ang eye glass. “Wa-wala ito. You know, mga napagdaraan ng mga bakla.” At binalak nitong lagpasan siya at lumabas na ng kuwartong iyon. Agad na hinawakan naman ni Ursula ang braso nito at iniharap muli. “Ano nga?” Hindi na nakatiis si Danilo at sa paputol-putol na pagkukuwento, inilahad nitong binubugbog ito ng kinakasama. “Bakit hindi mo hiwalayan?” Nais nang batukan ni Ursula ang kaibigan. “E, mahal na mahal ko ang gagong ‘yun. Kaya, kahit gawin niyang punching bag ang body ko, keri lang. Basta, huwag lang niya akong hiwalayan.” “Ay, tanga!” galit na nasam