Salitan ang ginagawang pagsulyap ni Ursula sa daan at sa katabing juice na nasa plastic bottle na nasa passenger’s seat. Kanina pa rin siya hindi mapakali sa traffic na nasa kaniyang unahan. Nais na niyang takbuhin na lang tutal naman at malapit na ang inuupahan ni Danilo. Buti na lang at malapit lang ito sa bahay nila Sheena. Pero, nang muli niyang tingnan ang oras sa dashboard, halos anim na minuto na lang pala! Isang mabilis na pagpapasiya ang kaniyang ginawa. Pagkalagpas sa traffic lights, pinaharurot niya kaagad ang sasakyan dahil isang kanto pa ang lalagpasan niya bago ang bahay nila Danilo. Nang matanaw na niya ang gate nila Danilo, itinapat niya lang sa harapan niyon at agad na bumaba. Dinampot lang ang bote ng juice at isang envelope tapos ay lumabas. Hindi na niya pinagkaabalah