Kanina pa naghahanap si Ursula ng puwedeng ipangbukas sa ulo ni Ramil pero wala siyang makita! Binitbit na nga niya ang lampara, halos naikot na ang lugar na iyon, pero puro bato lang ang nakikita niya. Dinampot niya ang medyo may matulis na dulong bato, baka puwede na iyon. Bitbit ang lampara, ipinatong niya iyon sa gilid ng bangkay ni Ramil. Sumalampak na siya sa tabi nito itinuwid niya ang ulo nitong nakakiling. Kinapa niya pa ang bumbunan nito at tinantiya kung kaya iyong biyakin ng may katigasang batong hawak niya. Pumuwesto siya sa ulunan ng lalaki at hinawakan ng dalawang kamay ang bato, mahigpit at buong puwersang ibinagsak sa noo ni Ramil. Nagkaroon ng basag doon na dumaloy hanggang ilong nito. Pero, hindi pa rin niya makuha ang kailangan. Tumayo na si Ursula at dinampot na ang m