Diego's POV
Gulat na gulat ako ng makatanggap ako ng tawag mula kay Julian na hindi nila makita si Remy. Kahapon lamang ay kasama ko sila habang inililibing namin ang urn na may lamang abo ng kanyang ina. Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman ni Remy dahil hindi biro ang mawalan ng mga mahal sa buhay. Tanging ina na lamang niya ang natitira sa kanya ngunit maging ito ay ginupo ng sakit sa puso at tuluyang binawian ng buhay.
Naririnig ko pa ang pagtangis niya ngunit hindi ko magawang lumapit sa kanya kahapon dahil nararamdaman ko na galit pa rin siya sa akin. Gustong-gusto ko siyang yakapin ngunit wala naman akong magawa dahil siya na mismo ang umiiwas sa akin. Pero nangako ako sa aking sarili na hindi ko siya pababayaan, na aalagaan ko siya at poprotektahan sa lahat ng mga taong magnanais na apihin siya. Nandito lang ako, at iyan ang ipinangako ko sa aking sarili ng inaya na ako nila Marcus kagabi na umuwi. Gusto ko sanang samahan si Remy o kahit na bantayan ko na lang sana siya kahit sa labas lang ako ng kanilang bahay. Pero hindi ako hinayaan ng mga kaibigan ko dahil bigyan ko raw ng pagkakataon si Remy na magluksang mag-isa. Kasama naman niya kagabi ang kanyang kaibigang si Leng kaya panatag din naman sana ang kalooban ko, pero nakatanggap ako ngayong umaga ng tawag mula kay Julian na nakakandado na raw ang bahay nila Remy at may iniwan lamang itong sulat para kay Nimfa at sa ama nito na isang pasasalamat. Gusto muna raw nitong lumayo upang makalimutan ang masasakit na nangyari sa kanyang buhay, ang pagkawala ng kanyang ina.
Halos magwala ako dahil hindi namin alam kung saan hahanapin si Remy. Hindi pa ba sapat na sinabi ko sa kanya na mahal na mahal
ko sya? Hindi pa ba sapat na sinabi ko sa kanya na kaya ko syang protektahan at alagaan. Na kaya kong patunayan sa kanya na malinis ang aking hangarin? Bakit kailangan pa niyang lumayo at lisanin ang lugar nila? Hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin. Ang sinabi lang sa akin ni Julian ay kasama ni Remy ang dalawang kaibigan nito na nagngangalang Leng at Makoy.
"Bro, nandito ako at tutulungan kitang maghanap. Sa ngayon ay wala naman akong problemang kinakaharap. May nagbabantay sa bawat kilos ni Agatha kaya hindi na niya ako matatakasan pa. Tutulungan kita at sasamahan kita sa paghahanap. Huwag kang mag-alala dahil nandito lang kaming mga kaibigan mo upang damayan ka. Alam ko kung gaano mo kamahal si Remy," ani ni Thomas. Si Thomas ang pinaka best friend ko sa kanilang lahat. Kung si Marcus ay may Nato sa grupo namin, ako ay may Thomas na matalik na kaibigan dito sa grupo namin. Sa kanya ko sinasabi ang lahat ng lihim ko. Kapag may problema kami sa isa't isa, nuon pa man ay nagtutulungan na kami.
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap. Sabi ni Calix ay wala silang nakuhang footage ng cctv kung saan sila nagtungo. Ang hirap mag-isip kung saan sila maaaring nagpunta," wika ko.
"Ang alam ko ay taga probinsya si Leng, hindi ko lang maalala kung taga Bicol ba siya, Cebu o Mindoro. Hindi ako sigurado, at pwedeng sa probinsya ni Leng sila nagpunta. Iyan ang aalamin natin sa kumpanya ng ama ni Nimfa. Siguradong may record duon ang Leng na 'yon at 'yung Makoy. Balita ko ay manliligaw ni Remy ang Makoy na 'yon kaya siguro tinulungan din nito na makalayo ito dahil alam niya na may gusto ka kay Remy," ani ni Thomas.
Humugot ako ng malalim na paghinga. Napatingin ako sa paligid. Nandito kami ngayon hindi kalayuan sa lugar nila Remy, nagbabaka-sakali kami na makita namin siya sa lugar na ito, na baka hindi naman talaga sila lumayo. Pero hindi talaga namin sila makita, at halos nalibot na nga namin ang lugar na ito pero wala pa rin.
"Pupuntahan natin ang tatlong probinsyang binanggit ko kanina. Available naman ang helicopter ko kaya iyon na lang ang dalhin natin, pero bago 'yan ay pupunta muna tayo sa building ni Senior Alfonso upang makakuha tayo ng record ng dalawang kaibigan ni Remy," ani ni Thomas kaya tumango ako.
……✎
Patuloy pa rin kami sa paghahanap kay Remy, pagod man ang isipan at katawan ko sa paghahanap ay hindi naman ako sumusuko. Damn! It has been a week pero wala pa rin kaming mahanap na lead kung saan siya maaaring nagtungo. I couldn't shake the feeling of helplessness, ang mga katanungang sa aking isipan na kung saan siya maaaring nagtungo o nagtatago. Sobra na akong nag-aalala para sa kanya.
"Nasaan ka ba Remy? Saan ka ba nagpunta? Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito."
Tumutulong na rin sa amin si Lucio sa paghahanap pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Para lang kaming naghahanap ng mga tao na hindi nag-exist sa mundo. Mahirap kung wala kaming lead na maaari nilang puntahan. Maging sa probinsya nila Leng ay hindi namin sila nakita.
"Nandito lang ang mga 'yan sa Pilipinas bro, imposibleng nakalabas 'yan ng bansa, malalaman at malalaman kasi natin kapag lumabas sila ng bansa. Pero as of now ay wala pa ring record na lumabas sila ng bansa. Ang pagkaka-alam ko din ay wala pang record ng pasaporte si Remy at ang dalawa nitong kaibigan kaya nandito lang sila sa Pilipinas, ang kailangan lang natin ay pagbutihin natin ang paghahanap. Sigurado naman ako na isang araw ay mahahanap din natin sila," ani ni Lucio. Then, Thomas, ever the optimist, suggested a new lead.
"Bro, I think we should check Batangas. Malay mo naman ay nagtatago lamang sila sa lugar na 'yon, o kaya naman ay sa gawing Norte tayo pumunta, hindi ba Lucio?" Nakaramdam ako ng munting pag-asa sa sinabi niya, yet I could only muster a nod, my energy sapped, my words lost in the fog of fatigue dahil wala pa kaming masyadong tulog. Mula ng nagsimula kaming maghanap ay hindi pa ako nakakatulog ng maayos, ni wala akong kumpletong pahinga. Basta naghahanap lang kami kung saan kami dalhin ng aming mga paa.
Si Lucio naman ay tahimik lang, ang kanyang mga mata ay hindi niya inaalis sa pagkakatitig sa kanyang laptop screen, busy sa paghahanap ng kahit na anong lead that could bring us closer to Remy, at malaking bagay 'yon upang mahanap namin ang babaeng mahal ko.
"Bigyan nyo nga ako ng maiinom," ani Lucio kaya naman tumayo si Thomas at nagsalin ng vodka sa baso. Inabutan niya si Lucio ng isang baso na may lamang alak at inabutan niya rin ako.
I sought a brief escape, the sharp burn of vodka offering a momentary respite as I leaned back, gusto ko lang ipahinga saglit ang isipan ko habang ninanamnam ko ang alak na ibinigay sa akin ng kaibigan ko. Ipinikit ko ang mga mga mata ko, and with my eyes closed, I ventured into the darkness behind my lids, hoping to conjure a map, a sign, anything that would lead us to Remy pero bakit parang blanko lang ang isipan ko? Bakit tanging mukha lang ni Remy ang gumuguhit sa isipan ko? Napabuntong hininga na lamang ako at naidilat ko ang mga mata ko ng marinig kong nagsalita si Lucio.
"Would you like to check Baguio City? I am familiar with that place, basta huwag mo lang kalilimutan ang picture ni Remy para makapagtanong-tanong tayo sa lugar na 'yon kung may nakakakilala ba sa kanya sa lugar na 'yon," ani ni Lucio. Naidilat ko ang mga mata ko at tinitigan ko ang aking kaibigan. His words were a lifeline, a tangible plan amidst the sea of uncertainty.
Tumango ako kay Lucio, I agreed that Baguio City was our next destination. It was as good a place as any to reignite our search. Perhaps the change of scenery, the mountain air, might clear our heads and bring us closer to finding Remy, and maybe na nanduon lang pala siya.
"Then, let's go. The chopper is waiting for us at the rooftop." sabi ni Lucio kaya may simpleng ngiti ang gumuhit sa aking labi.
Nagmamadali naman akong tumayo. Sinaid ko ang laman ng baso at ipinatong ko ito sa ibabaw ng coffee table. Sana nga ay mahanap namin si Remy sa Baguio. Kung saan-saan na kami nakarating ngunit talagang hindi namin siya makita.
Habang sakay kami ng helicopter ay tahimik lamang ako. Hindi ako nagsasalita at nakatingin lamang ako sa kung saan. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit kong inaalala ang mukha ni Remy ng huling gabi ko siyang nakita. Duon lang naging malinaw sa akin ang lahat. Kaya pala sila madalas magbulungan ni Leng ay dahil may mga pinaplano sila. Bakit hindi ko agad natunugan ang plano niyang 'yon? Sana ay napigilan ko sila at natutulungan ko siya ngayon upang makalimutan niya ang sakit na dinaramdam ng kanyang puso.
I heaved a long sigh ng idinilat ko ang aking mga mata, kaya napatingin sa akin ang dalawa kong kaibigan, pero hindi naman sila nagsalita at nananahimik lamang sila at nakatingin sa akin.
Hindi nagtagal ay lumalapag na kami sa itaas ng hotel na pag-aari ni Lucio. Sinalubong agad kami ng kanyang mga empleyado upang igiya kami sa aming magiging silid. Sumalubong agad sa amin ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang klima dito kumpara sa Manila. Tama si Lucio, maaaring dito nga nagtatago si Remy. Maganda na ang klima ay maganda pa ang tanawin. Dito ay makakapag relax siya ng maayos, ngunit saan namin siya dito hahanapin? Parang kay hirap isipin kung saan pwede silang magtago dito.
Pagkarating namin ng suite ay naligo lang ako. Isang maliit na hand carry lang ang dala ko, pero sapat naman ang mga importanteng gamit na dala ko, at kung kukulangin naman ako sa damit ay napakadaling bumili ng maaari kong suotin.
Sa tapat ng suite room ko ay ang silid naman ni Thomas at katabi nito ang silid ni Lucio. Gusto ko nga sana ay magkakasama na lang kami sa isang silid, pero sabi ni Lucio ay naipahanda na niya ang tatlong suite. Mas okay na rin siguro ito upang makapag-isip ako ng maayos. Kahit papaano ay gusto ko rin namang mapag-isa.
Ilang katok sa pintuan ko ang nagpa-angat ng mukha ko. Katatapos ko lang magbihis dahil aalis ulit kami upang hanapin namin si Remy sa lugar na ito.
Hindi nagtagal ay nandito na kami sa Burnham Park. Naglalakad kami at bawat babaeng nakikita ko ay pinakatititigan ko ito. Ewan ko, pero bakit nabibigyan ako ng pag-asa na makikita ko sa lugar na ito si Remy? Bakit pakiramdam ko ay dito ko siya mahahanap? Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapangiti. Sana nga ay nandito sila dahil iuuwi ko agad siya ng Manila. Kung gusto niya ay bibigyan ko siya ng isang condo upang duon na lang muna siya manirahan kung ayaw niya akong makasama sa aking mansyon. Kailangan ko lang talaga siyang mahanap dahil mahal ko si Remy. Sa dami ng babaeng nakasama ko at nakasiping ko, si Remy ang nakakuha ng aking puso.
Mahal ko siya at gagawin ko ang lahat upang makita niya 'yon. Aalisin ko ang dating imahe ko sa isipan niya, 'yung bastos at aroganteng Diego. Papalitan ko ito ng isang mapagmahal na Diego Villafuerte. Masyado akong nababaliw sa pagmamahal ko para kay Remy. Kailangan ko siyang mahanap, at wala akong pakialam kahit ayaw niyang sumama sa akin. Kung kailangan ko siyang pilitin ay gagawin ko, mahanap ko lamang siya.
"Mahal mo talaga si Remy ha?" ani ni Lucio. Naupo kami sa upuang bato ng makaramdam kami ng pagod. Humugot ako ng malalim na paghinga at tumango ako sa kanya.
"I am obsessively in love with her," sagot ko.
"Yup! Nakikita nga namin," sagot ni Thomas at natawa siya ng mahina. Bigla akong napatayo ng mula sa malayo ay may nakita akong babaeng naka-suot ng isang maluwag na pantalon na kulay itim, malaking t-shirt at nakapusod ang buhok ng mataas. Biglang kumabog ang dibdib ko kaya nagmamadali kong tinakbo ang kinaroroonan ng babaeng naglalakad. Gulat na gulat man ang mga kaibigan ko pero hindi naman nila ako pinigilan.
"Remy!" malakas kong tawag pero hindi ako nilingon ng babae. Nang makalapit ako sa babae ay agad ko itong hinawakan sa kanyang braso at niyakap ng mahigpit.
"Remy, akala ko ay hindi na kita makikita pa," wika ko, pero isang malakas na tulak ang ginawa ng babae sa akin.
"Kuya ano ba?! Manyakis ka ba at bigla ka na lang nangyayakap?" ani ng babae kaya nagulat ako at tila ba nagising ako mula sa malalim na pagkakatulog ng marinig ko ang boses nito. Hindi ito si Remy kaya napatingin ako sa babae.
"Oh my god, I'm so sorry, akala ko ay..." She cut me off.
"Ay hala ka kuya! Okay lang naman, pero kailangan mo akong panagutan, kasi ang lahi namin kapag nayakap ng lalaki ay nabubuntis agad," wika niya. Nang marinig ko ang sinabi niya ay nagmamadali akong tumakbo papalayo habang pinagtatawanan ako ng aking mga kaibigan.