APEKTADO pa rin si Cassy sa komprontasyon nila ni Leo. Hanggang sa trabaho ay dala-dala niya iyon. Hindi nga niya alam kung paano siya nakaka-survive. Pero kailangan niyang magtiis alang-alang kay Leo. Kailangan siya nito. Pagkatapos ng third set nila ay wala siyang kibo. Parang robot siya na de-numero ang kilos. Tulala siya at laging natatagpuan ang sarili na bigla na lang lumuluha. Nababaliw na yata siya. Gusto muna niyang umalis para pansamantalang mapahinga ang isip niya. Pero kumokontra doon ang kanyang puso. Sinulyapan niya ang oras sa kanyang relo. Mag-aalas-singko na ng umaga. Hindi pa rin siya inaantok. Okupado pa rin ni Leo ang isip niya. Margarette, tulungan mo naman ako na paghilumin ang sugat sa puso ni Leo. Gaya mo ay mahal ko rin siya at alam kong ayaw mo rin