BIGLANG nakaramdam ng kalituhan si Cassandra. Sa isang iglap ay hindi na niya alam kung saan pa niya ilulugar ang sarili sa buhay ni Leo. Bago pa niya nalaman ang lahat tungkol kay Margarette, ang lakas ng loob niyang papaniwalain ang sarili na mahal din siya ni Leo. Isang kahibangan lamang pala iyon. Sa isang pitik ng mga daliri ay naglaho ang lahat ng pag-asa niya na darating ang araw na mamahalin din siya nito. Nakita mismo ng mga mata niya kung gaano nito kamahal ang namayapang asawa nito. Doon pa lang ay alam na niyang talo na siya sa laban. Pero sadyang makulit ang puso niya dahil ayaw niyong sumuko. Hayun pa rin siya at paulit-ulit na sinasabing mahal pa rin niya si Leo. Nagbabadya na namang pumatak ang mga luha niya kaya yumuko siya. Ayaw niyang makita ng ibang customer sa R