KASAMANG nagme-merienda ni Cassy sa Rio’s Finest ang mga asawa ng Tanangco Boys. “May isang babae rito sa tabi, hindi mawala ang ngiti. Bakit kaya?” nanunudyong sabi ni Panyang. Napapitlag siya. Saka niya napansin na sa kanya pala nakatingin si Panyang at ang iba pang mga kasama nila sa mesa. “Ako na naman ba ang tinutukoy mo?” pagmamaang-maangan pa niya. Halos sabay-sabay na nagkibit-balikat ang mga ito. “Ayos, ah. Parang de-remote control kayo,” sabi niya. “Ang saya mo ngayon, sis,” sabi ng Ate Chacha niya. Napangiti uli siya. “Hindi naman, slight lang.” “`Sus, echoserang froglet ka! Abot hanggang batok ang pagkakangiti mo, eh,” sabi ni Adelle. “Kailangan pa ba kasing sabihin kung bakit ako masaya? Alam n’yo na `yon.” “A