A year later IDINILAT ni Cassy ang kanang mata niya at saka siya nag-inat. Sinulyapan niya ang oras sa alarm clock. Mag-aalas-singko na pala ng hapon. Napasarap ang tulog niya. Linggo noon at off niya sa trabaho. Malaya siyang gumala saan man niya gustuhing pumunta. Napangiti siya nang makita ang larawan ni Leo na katabi ng alarm clock. Nakangiti si Leo sa larawang iyon kaya kapag tinitingnan niya iyon, pakiramdam niya ay siya ang nginingitian nito. Isang taon na ang matuling lumipas mula nang huli silang magkita at magkausap pero nanatili ang pagmamahal niya para dito. “Good afternoon, Leo. Kumusta ka na? I hope you’re okay. Miss na miss na kita.” Hinaplos niya ang mukha nito sa larawan. Nakagawian na niyang gawin iyon tuwing paggising niya. Isa iyon sa paraan niya para kahit paano
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books