YUA’S POV Pumunta ako ng training area at nakita ko si Yesha na nagte-training. Napatingin ito sa ‘kin at nagpaalam muna saglit sa trainor nya. Lumapit sya sa ‘kin at saka ako umupo at uminom ng tubig at binigay ang isa sa kanya. Agad naman na inabot nya ‘yon at saka ako bumuntong hininga. “Oh, salamat!” Nakangiting sabi nya at saka ito ininom. “Alam mo ba badtrip si Azi kanina,” umpisa na naman sya sa k’wento. “Who’s Azi?” takang tanong ko. “Ayy? Ulyanin ka gurl?” “If I know him hindi kita tatanungin,” walang ganang sabi ko. “Tch. Iyong lalakeng tinulungan mo dati! Remember mo na?” saglit akong napaisip. Maybe sya ang lalake kanina sa lobby na crush ng babaeng inggitera. Teka, what’s her name again? Parang no’ng nakaraan kasama nya ay iba, ngayon iyong isa naman. Ilan ba babae