YUA’S POV Sinabi ko ang naging pag-uusap namin ng mga Alarcon ng araw na ‘yon. Hindi ko naman balak pang bumalik sa pamilya nila at makigulo sa gulo nila. Nagikot-ikot kami at inilibot nila ako sa buong town. I totally enjoying this trip. Hindi na rin masama dahil kasama ko ang pamilya ko. Med’yo hindi nga lang talaga ako sanay sa nakapaligid sa ‘kin. Mas sanay akong tahimik ang buong paligid ko. “Ano bunso? Nagustuhan mo ba?” tanong ni Kuya Yohan. Ngumiti ako sa kanya at saka tumango. Lumapit sila ni kuya Yuri at saka ako niyakap na para bang wala ng bukas. “Hindi ka naman nag-iisa at lagi lang kaming nandito para sa ‘yo.” “Mom,” tawag ko at lumingon si Mommy sa ‘kin. “Hmm?” sagot nya. “Thank you.” Nakita ko ang pangingilid ng luha nya at lumapit sa ‘kin saka ako niyakap. “Th