CHAPTER 46

2007 Words

YUA’S POV Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam paano ang ire-react ko. Matapos ang halik na ‘yon marami akong bagay na napagtanto. Ang lalo pang mahalin ang taong nasa harapan ko. Ngumiti sya sa ‘kin at saka nya hinalikan ang noo ko at hinawakan ang kamay ko at lumabas kami ng bar. Naglakad kami at iniwan ang kotse do’n. Hindi naman ‘yon mawawala agad, isa pa ay ako ang may ari ng bar na ‘yon kaya kahit na do’n pa ‘yon magdamag hindi ‘yon aalis. Habang naglalakad ay nakarating kami sa may park. Umupo kaming dalawa sa duyan pero magkahawak pa rin ang aming kamay. Ang ganda ng b’wan ngayon. Bilog ito at puting-puti. Gusto ko ang kung ano ito ngayon at ang kung ano rin kami ni Azi ngayon. Tumayo sya at napatingin ako sa kanya at saka sya umupo sa harapan ko. “Baby labs,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD