YUA’S POV Nang makalabas ay nagkanya-kanya kaming sakay dalawa. Pupunta kami sa resto nila Takira at do’n kami magde-date while in a mission. Hindi naman siguro masama ang mag-date habang nasa misyon. Nang makarating ng resto ay binati kami ng mga nando’n na para bang nakikilala nila kami. Buti na lang at med’yo malapit ang resto na ‘to kaya hindi sya hassle sa b’yahe. Pumunta kami sa may bandang dulo at do’n kami pumuwesto. “Ano na ang balita sa resto mo?” tanong ko sa kanya ng makaupo kami. “Well, malapit na ulit maayos at magbukas,” sagot naman nya. Tumango lang ako at saka kami um-order dalawa. Nagtinginan kaming dalawa na tila ba nagkakasundo ang isip namin at nakuha naman nya ang ibig kong sabihin. Tumayo sya at saka binangga ang lalakeng kakapasok lang at nag-sorry sya dahil