YUA’S POV Minsan naiisip ko kung bakit ba hindi ako nakakapagdala ng baril samantalang kinakailangan ko ‘yon tuwing nakikipaglaban. Ngayon ay hinahabol ko lang sila at wala akong dalang kahit na ano. Mas pinabilis ko pa ang takbo ng motor ko hanggang sa naabutan ko na ang likuran ng kanilang van. Mula sa loob ay nakita ko kung paanong nagulat ang lalake at akmang papuputukan ako ng baril ng bigla akong lumiko sa may gawing kanan. Binasag ko ang bintana at saka ako yumuko at saktong nilabas ng lalake ang braso nya at may hawak syang baril. Agad kong kinuha ‘yon saka ko tinutok sa may gulong at binaril ‘yon. Nagpagewang-gewang ang van at pinaputukan ko pa ang isang gulong hanggang sa tuluyan itong huminto. Buti nalang at nasa gilid iyon ng kalsada dahilan para hindi ito mag-cause ng traf