YUA’S POV Nang makarating kami sa sinasabing building ay bumaba kaming pareho sa motor ni Takira. Mukhang tahimik ang paligid pero nababasa ko ang mga nasaisip nila kahit na sobrang dilim. Sa totoo lang ay isa rin itong abilidad na hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba. “Yuko!” Agad na yumuko si Takira kasabay ng pagsabi ko no’n. “Ayy syet...” sabi nya pa. Biglang bumukas ang ilaw at dalawa kaming inilawan at saka nagsilabasan ang mga taong nagtatago mula sa kadiliman ng buong paligid. Nagkatinginan kami ni Takira at saka ko siya sinenyasan. Masyado pang maaga para sa showtime at isa pa, mukhang malakas lang sila dahil may sala silang mga pamalo. Lumabas pa ang iba sa kanila at nakikita kong bata pa ang iba. Mukhang maraming nirentahan ngayon ang kaanak nitong pinsan ko at napapa