YESHA’S POV Hindi ko maintindihan kung bakit binigay ni Yua ang cellphone nya sa ‘kin. Si Mirai ay sumunod kay Yua at ako naman ay nanatiling tulala habang hawak ang cellphone nya. Umak’yat ako sa floor nya para sana matahimik ng kahit saglit ang paligid ko. “Ano naman kaya ang mero’n?” takang tanong ko. Kinalikot ko ang cellphone at may nakita akong voice recorder. Nangunot ang noo ko at saka ito pinindot at saka pinakinggan. Pero pinatay ko muna saglit para magtimpla ng gatas. Malamang ay may gatas naman siguro si Yua dito. Nang makapatimpla ako ay muli akong umupo at saka pinakinggan na ang recorder. “Hindi ko totoong anak si Yesha. Anak sya ni Dina sa ibang lalake at inaamin kong tuwing nakikita ko sya ay kinasusuklaman ko sya. Pero mahal ko pa rin sya bilang anak ko. Nang araw