YUA’S POV Nang makauwi kaming pareho ay napabuntong hininga ako ng maalala ko ang mga sinabi ni Azi kanina. Bawat salita at kataga nya ay tumatatak sa puso at isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ‘to nararamdaman. Habang nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang bawat halaman at ganda ng paligid, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mag-alala. Buti na lang at umalis si Azi dahil may bibilhin daw sya. ***Flash Back*** “Gusto ko malaman mo ang buong pagkatao ko at kung anong klaseng tao ako.” Kahit na nagsasalita sya ay hindi nawawala ang ngiti sa labi nya. Sana ay nagagawa ko ang ngiti na ‘yan ng hindi ako nakikipagplastikan o kaya naman ay nakikipaglaban. Gusto kong makaranas ng tunay na saya. “No’ng bata kasi ako ay hindi ako palaban. Mas na niniwala ako sa karma kesa ang g