YUA’S POV Isang linggo na ang nakararaan pero hindi pa rin nagigising si Yesha. Isang linggo na rin akong kinukulit ni Mr. Woo sa mission sa Europe. Hindi ko alam kung bakit nila ako kinukulit sa bagay na hindi naman mahalaga. Isa pa ay wala naman akong pakialam sa mission-mission na ‘yan. I just want to have some fun and get some information about my father’s death. Pero ngayon ay hindi na ako natutuwa sa nangyayare. “YUA MY LABS!!!” Napalingon ako kay Azi na no’n tumatakbo papalapit sa ‘kin. “What?” “Date tayo,” sabi nya habang nakangiti. “Date?” “Hmm! Hindi ba matagal na kitang sinabihan?” “I thought that was just in the party.” “Tsk, I’m courting you!” Lumingon ako sa kanya at nangunot ang noo ko sa sinabi nya. “Courting?” “Ahuh!” “Why?” “Because I like you and