KABANATA 28

1338 Words
KABANATA 28 TINA Paggising ko magkayakap pa rin kami ni Theo. Ramdam ko ang init ng katawan niyang nakadikit sa ‘kin kahit na bukas ang aircon. Mahina siyang naghihilik kaya napangiti ako. Mukhang mahimbing ang tulog niya dahil kahit bahagya akong kumilos ay hindi siya nagising. Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayap niya para hindi ko maistorbo ang tulog niya. Hindi ako umalis sa kama at naupo lang ako sa tabi niya at pinagmasdan ko lang siya. Nakangiti ako pero nang maalala ko ang mga nangyari kagabi, nakaramdam na naman ako ng lungkot. Mahimbing siyang natutulog ngayon, pero paano mamaya paggising niya? Dala pa rin niya ‘yung sakit na dulot ko sa kanya. Pakiramdam ko nga nagiging makasarili ako. Gusto ko, na pareho silang nandyan ni Blake para sa ‘kin, pero may masasaktan naman akong isa sa kanila. Dapat na sigurong magdesisyon ako ngayon para hindi magpatong-patong ang sakit. Dahan-dahan akong yumuko at hinalikan ko siya sa pisngi at pagkatapos ay pinagmasdan ko siyang muli. “Theo… Mahal kita… Ayokong mawala ka, kasi importante ka sa ‘kin. Napapasaya mo ‘ko, napapatawa. Magaan ang pakiramdam ko sa  tuwing kasama kita. Pansamantalang nawawaglit sa isip ko ‘yung mga problema kapag nand’yan ka. ‘Yung normal na araw nagiging espesyal nang dahil sa ‘yo. Mahal kita… Totoong mahal kita, pero si Blake pa rin talaga.” May tumulo nang luha mula sa mga mata ko na mabilis kong pinunasan. Baka bigla siyang magising at makita niya 'ko kaya pinilit kong tumahan. “Sana magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin ng lahat ng ‘to sa ‘yo mamaya. Sana hindi ka magalit sa ‘kin. Sana hindi ka magbago. Mahal kita kaya mas pipiliin ko na maging best friend mo habang buhay.” Nahiga uli ako sa tabi niya at yumakap. Kapag hindi niya natanggap ‘yung magiging desisyon ko, baka hindi ko na ‘to magawa sa kanya. Hindi ko namalayan na nakatulog uli ako, naalimpungatan na lang ako  dahil may humihila sa paa ko. “Cristina! Gising na!” Mabilis niya ‘kong hinatak kaya ‘yung kalahati ng binti ko nakalusot na sa kama. “Theo! Ano’ng ginagawa mo?!” Umusod ako paakyat sa kama. “Ginigising ka!” tumalon siya sa kama at nagpatalbog-talbog. Kung makapangharot siya parang hindi siya nakainon ng halos isang bote ng alak kagabi. Ang taas ng energy niya. “Sabado ngayon. Hindi mo ‘ko empleyado ngayon. Malaya akong gawin ang gusto ko,” sabi ko at umayos pa ako ng higa sa kama. Kumuha pa ako ng unan na dantayan. “Ang tamad nito. Gising na. Gutom na ‘ko.” “Theo, may-ari ka nitong resort, isang tawag mo lang may magdadala agad ng pagkain sa ‘yo rito.” “Gusto ko ikaw ang magluto.” Nakapikit ako kaya hindi ko alam kung ano’ng ginagawa niya pero sa tono ng boses niya mukhang may kinakain siya. “Bangon na d’yan.” Napamulat ako nang may maramdaman akong malamig sa mukha ko. Walanghiyang Theo ‘to! Nilagyan ako ng pinagpbalatan ng saging sa mukha! Hinawakan ko ‘yung balat ng saging at binato ko sa kanya at tumama sa mukha niya. Natawa ako bago nahiga uli at pumikit. Sa totoo lang ayoko pang bumangon dahil ayoko pang pag-usapan namin ‘yung nangyari kagabi. “Bangon na.” Hinawakan niya 'ko sa kamay at marahang hinila. “Cristina. Gutom na talaga ‘ko.” Marahan niya uli akong hinila. “Theo!” Napadilat ako nang dahil sa ginawa niya. Kagat-kagat lang naman niya ‘yung dulo ng hintuturo ko. Dahil ba sa sobrang gutom kaya pati daliri ko pinagdiskitahan niya? Hinila ‘ko ‘yung kamay ko mula sa bibig niya. “Kadiri ka! ‘Yung laway mo!” sabi ko habang pinupunas ko ‘yung daliri ko sa t-shirt niya. “Hoy! Nag-toothbrush na ‘ko. Kumain na rin ako at ng uminom juice. Ikaw nga ‘tong may natuyong laway pa sa pisngi. Amuyin mo ‘yung hininga ko. Mabango ‘to! Amuyin mo!” Hiningahan niya ‘ko sa mukha. Loko talaga ‘to! Nilagay ko ‘yung palad ko sa mukha niya at itinulak ko palayo. “Oo na! Babangon na ‘ko! Ang kulit mo!” Pagbaba ko sa may kusina may nakita akong pancake mix, itlog, gatas, butter, hindi pa luto na bacon at hotdog at mga gamit na panluto. “Saan ‘to galing? Wala naman ‘to kagabi.” “Galing sa kitchen ng resort. Pinadala ko rito.” “Bakit hindi na lang lutong pancake ang pinadala mo rito?” “Kasi nga, gusto ko, na ikaw ang magluto,” sagot niya sabay kuha ng saging na nasa fruit bowl na nakapatong sa may countertop. Ang hilig naman niya sa saging. Akala ko pa naman chipmunk siya, unggoy pala. “Ano’ng ibig sabihin ng ngiti mo na ‘yan?” tanong niya sa ‘kin habang ngumunguya siya. “Wala. Pupunta muna ‘kong CR. Magtu-toothbrush ako at maghihilamos.” Iniwan ko na siya sa may kusina at pumunta ako sa banyo. Buti na lang at may toothbrush, toothpaste at sabon dito. Hindi nga lang ako makakaligo kasi wala naman akong pamalit na damit. Mamaya na lang ako maliligo, pagkatapos naming kumain at pag-uwi ko sa ‘min. Pagbalik ko sa kusina, nakita ko si Theo na nilalagyan na ng hiwa ‘yung mga hotdog. “Ako na magluluto nito, ikaw na sa pancake,” nakalingon niyang sabi sa ‘kin. Inumpisahan ko nang gawin ‘yung pancake. Ibinuhos ko lahat ng laman ng kahon sa malaking bowl at sinunod ko kung ano’ng nakalagay sa instructions. Nilagyan ko ng gatas, itlog at mantika. Habang naghahalo ako, nilapitan ako ni Theo. “Cristina, may request ako sa ‘yo,” sabi niya at ipinatong niya sa countertop ‘yung siyanse na hawak niya. Nagpriprito na kasi siya ng hotdog. “Ano ‘yon?” tanong ko sa kanya habang ang atensyon ko nasa pancake na hinahalo ko. Hinawakan niya ‘yung whisk na hawak ko kaya napatigil ako sa paghahalo. “Tigilan mo muna ‘yan. Ako munang harapin mo.” Tumingin ako sa kanya. “Ano ba ‘yon? Ano na namang gusto mo?” “Be my girlfriend.” “H-ha?” Mabilis akong umiwas ng tingin at ipinagpatuloy ko ang paghahalo ng pancake. Hindi ko siya kayang harapin. Ano bang dapat kong sabihin? Sasabihin ko na ba sa kanya ‘yung mga sinabi ko kanina habang tulog siya? Ang aga ko namang manakit. “Theo… kasi ‘di ba…” “Be my girlfriend, kahit isang araw lang. Kahit ngayon lang. Bukas, balik din tayo sa dati. Best friend mo na uli ako. Babalik tayo sa dati na parang walang nangyari. Ako na uli si Junjun at ikaw si Tintin.” Hinawakan niya 'yung kamay ko na nakahawak sa bowl kata napatigil na naman ako. Hinihiling ba niya sa ‘kin ‘to dahil iniisip niya na, walang posibilidad na maging kami?  Hindi ko alam kung paano sisimulang magsalita. Ang dami kong nasabi kanina habang tulog siya pero ngayon, biglang umurong ang dila ko. “Please… Isang araw lang… Ngayon lang… Pwedeng bang maging tayo?” ANNOUNCEMENT: THANK YOU SO MUCH PO SA MGA NAG-VOTE NG BOOK 1 NITONG LIVING UNDER THE SAME ROOF!! SANA PATULOY PA RIN PO KAYONG MAG-VOTE EVERYDAY UNTIL AUG. 21, PARA HINDI SIYA MAWALA SA RANKING DAHIL EVERY MINUTE NAGBABAGO PO ANG RANKING. ^_^ SA MGA NAGTATANONG PO KUNG PAANO MAG-VOTE, CLICK N'YO LANG PO 'YUNG GIFT ICON TAPOS I-CLICK ANG REWARD PARA MAKA-VOTE. KUNG WALA PO KAYONG MAKITANG GIFT ICON, UPDATE N'YO LANG PO MUNA 'YUNG D.REAME OR Y.UGTO APP N'YO THEN PROCEED TO VOTING. THANK YOU!! ^_^ P.S. 'YUNG BOOK 1 NA LANG PO ANG IBOTO N'YO PARA HINDI PO MAHATI 'YUNG VOTES. ^_^ SALAMUCH!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD