KABANATA 27
TINA
Thursday ng tanghali tinawagan ako ni Theo na pauwi na siya. Sobrang excited siyang makita ako. Tulad ng sinabi niya gabi na nga siya nakarating. Gusto niya ‘kong puntahan sa bahay pero, masyado nang late at nahihiya siya sa mga magulang ko.
Akala ko pagdating ng Friday, bubulabugin niya ako sa ‘min, pero ni anino niya hindi ko nakita. Tinawagan ko siya pero naka-off ang phone niya. Pagdating ko sa resort hinanap ko siya pero hindi ko siya nakita. Nag-aalala na tuloy ako. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi naman siya ganito.
Sabi niya nang huling beses kaming mag-usap sa phone may binili siyang pasalubong sa ‘kin. Sabi niya miss na niya ‘ko at hindi siya makapaghintay na makita ako. Kaya nasaan siya ngayon?
***
Breaktime ko at kumakain ako kasama sina Ate Grasya at Marjorie nang maisipan kong tawagan si Theo. Nakailang tawag ako bago niya sagutin. “Hello. Theo, buti naman sinagot mo na. Nasaan ka ba? Pinag-aalala mo ‘ko.”
“Who’s this? Nasa banyo si Theo. He’s taking a shower.”
“Ikaw, sino ka? Bakit nasa ‘yo ang phone niya?” tanong ko sa babaeng sumagot.
“Girlfriend ka ba niya? If yes, sorry hindi ko alam. Kung may problema man kayo, labas ako d’yan.”
“Bakit pinakialaman mo ‘yung phone ko?! Tsk! Sino ba ‘yang kausap mo? Akin na nga ‘yan.” Narinig ko ‘yung boses ni Theo. “Hello!” Bakit parang galit ‘yung boses niya? Ang init naman ng ulo.
“Ang init naman ata ng ulo mo. Nakaistorbo ba ‘ko?”
“Oh, Cristina… Kumusta? Na-miss mo ba ‘ko?”
“Nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan at hinahanap dito sa resort. Alalang-alala ako sa ‘yo.”
“Good. Buti naman. May naramdaman ka ring emosyon para sa ‘kin.”
“Ano bang pinagsasabi mo? Lasing ka ba? Bakit ganyan ka?”
“Medyo nakainom, pero ayos pa naman ako.”
“Sino ‘yung kasama mo d’yan?”
“I think Crystal ‘yung name niya. Wait. Debby ata… No, no. Not Debby. What’s your name again?”
“Aira!” Halatang inis na sabi ng babae.
“Aira. Aira daw ‘yung name niya.”
“Bakit may kasama kang babae?”
“Because I want to and I can. Bakit, bawal ba?”
“H-ha.. K-kasi…” Kagabi lang sinabihan niya ‘ko ng I love you tapos ngayon may babae siyang kasama? Ano ‘to? Hindi ko maintindihan.
“Can we end this call already? Let’s meet na lang sa Villa ng 7pm. I need your help.”
“Naka-duty ako dito sa resort. Hindi mo ‘ko pauuwiin?”
“Umuwi ka na ngayon. Take a rest. Basta meet me sa Villa ng 7pm. Okay?”
“Okay.” Hindi ko man naiintidihan ang mga nangyayari, pero wala naman akong choice kundi sumunod sa kanya.
“Close kayo ni Sir Theo ‘no?” sabi ni Ate Grasya na kumakain sa tabi ko. Napapagitnaan kasi nila ako ni Marjorie.
“Ang totoo niyan, magkababata kami. Empleyado na ‘ko dito sa resort nang malaman ko na sila na pala ang may-ari nito. Sorry, wala akong pinagsabihan sa inyo kasi ayoko lang na magka-issue.”
“Kahit hindi mo naman sabihin sa ‘min, halata naman namin na iba ang trato niya sa ‘yo. Narinig daw ni Emily na kausap ni Ma’am Liza si Madam at sinabihan ‘to na bawasan ang trabaho mo kapag nandito ka sa resort. Utos daw kasi ni Sir Theo,” sabi ni Marjorie.
“Pasaway talaga ‘yon. Sinabihan ko na siya na ayoko ng special treatment. Kapag nagkita kami mamaya, pagsasabihan ko ‘yon.” Natawa silang dalawa sa ‘kin. “Bakit?”
“Boss mo, pagsasabihan mo,” sabi ni Ate Grasya.
“Sinesermonan ko kaya ‘yon, noong mga bata pa kami. Kapag mukhang puputok na ‘yung tiyan niya sa dami ng kinain niya, pinagagalitan ko na siya, kase alam ko sasakitan siya ng tiyan pagkatapos.”
“Matakaw si Sir Theo?” tanong ni Marjorie.
“Hindi lang matakaw, sobrang takaw. Pero noon ‘yon, ngayon medyo na lang. Gusto raw niyang i-maintain ‘yung machong katawan niya.”
“Kayo ba?” tanong ni Ate Grasya. “Kasi mukhang nagseselos ka kanina.”
“Hindi ah. Hindi ako nagseselos. ‘Tsaka hindi naman kami. Nagulat lang ako na babae ‘yung sumagot ng phone niya.”
“Sigurado ka?” tanong ni Marjorie. “Parang iba kasi ‘yung nakita ko sa itsura mo kanina.”
“Naku, kayo talaga. Ma-issue kayo.”
“Mas gusto ko pa naman si Blake para sa’yo. Ikaw Ate Grasya?”
“Bet ko rin ‘yung ex mo Tina, pero loyal ako kay Sir Theo.”
“Ano ‘to? Team Blake? Team Theo? Magtigil kayo d’yan ah.”
“Sino bang mas gusto mo?”
“Itong manok na kinakain ko ang mas gusto ko. Kumain na nga lang tayo. Ilang minuto na lang, tapos na break natin,” pag-iiba ko ng usapan dahil ayokong sagutin ang tanong nila. Hindi pa ‘ko handang pumili.
“Ate!” Napatingin ako sa gilid ko at sa binatilyong tumabi sa ‘min. Si Jojo pala at may hawak siyang malaking bouquet ng bulaklak. Kahit hindi pa niya sabihin, alam ko na kung kanino galing. “Pinabibigay po ni Boss Blake!” Inabot niya sa ‘kin ‘yung bouquet habang ang lapad ng ngiti niya.
“Hindi na kuya, boss na?”
“Araw-araw na po akong magdadala ng bulaklak para sa ‘yo ate. Sabado’t Linggo lang hindi kasi bukas, nandito na si Boss. Gusto nga po niyang bilhan ko kayo ng chocolate eh kaso hindi ko po alam kung saan makakabili ng chocolate na sinasabi niya. Kahit nga po bigkasin, hindi ko alam kung paano. Cloud9 ‘tsaka Chocnut lang po kasi ‘yung kilala kong chocolate.”
“Gusto ko ‘yung mga ‘yon.”
“Talaga po?! Masabi nga kay boss. Para sulit na sulit ‘yung pa-sweldo niya sa ‘kin. Buti na lang talaga may atm si Tiyo Lino. Doon pinapadala sa ‘kin ni Boss Blake ‘yung sweldo ko ‘tsaka ‘yung mga pambili po niyan. Alam n’yo po bang ang mahal niyan Ate?” Sa dami nitong mga bulaklak at sa ganda ng pagkakabalot at ayos, halata namang mahal talaga.
“May personal messenger. Mukhang desididong mapasagot ka uli ah,” sabi ni Marjorie.
“Pahawak Tina. Nang ma-experience ko naman,” sabi ni Ate Grasya kaya inabot ko sa kanya ‘yung bouquet. “Marj, picture-an mo nga ako. Dali!” Nag-picture si Ate Grasya at pati si Marjorie nakigaya. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila.
Pagkaalis ni Jojo, mayamaya tumatawag na si Blake. Mukhang nakapag-report na agad si Jojo sa kanya. “Balak mo bang gawing flowershop ‘yung bahay namin?” bungad ko sa kanya. Videocall ito, kaya nakikita ko siya sa screen.
“Flower garden na lang kaya? Kukuha ako ng mga halaman sa garden ni Mommy tapos dadalhin ko d’yan.”
Natawa ako. “Gusto mo bang itakwil ka ni Tita Lorie? Mahal na mahal niya ‘yung mga halaman niya.”
“Hi Tina!” Nakita ko si Tommy na tumabi kay Blake. Si Pete at Justin naman pumunta sa likuran ni Blake.
“Tina! Ang ganda mo pa rin ah!” sabi ni Justin na may hawak na sandwich at bote ng softdrinks.
“Pahirapan mo ‘tong si Blake ha! Huwag mong babalikan agad o kaya huwag mo na lang balikan.” Mapang-asar na sabi ni Pete.
Nilingon ni Blake si Pete. “Pre, walang ganyanan.”
“Kumusta na kayo?! Na-miss ko kayo! Justin ang cute mo pa rin. Tommy ang gwapo mo d’yan sa buhok mo ah.” Naka-man bun kasi siya. Noong umalis ako medyo mahaba na ‘yung buhok niya pero hindi pa niya maitali. “Pete, mukhang nagka-muscle ka ata. Nagwo-workout ka ba?”
“Sa ‘kin, wala kang sasabihin? Ako ‘yung tumawag e. Nakisingit lang ‘tong mga ‘to.”
Hindi ko pinansin ‘yung tampu-tampuhan ni Blake. “Justin, balita ko may girlfriend ka na.”
“Meron na! Si Katarina. Siya nagsabi sa ‘min kung saan ka nakatira.”
“Tina, idea ko ‘yon! Assistant kasi si Katarina sa registrar’s office kaya naisip kong hingan siya ng tulong kapalit ng date kay Justin.”
“Nagka-girlfriend si Justin nang dahil sa ‘yo Tina,” sabi naman ni Tommy.
Si Blake tahimik lang. Nagsasalubong na ang mga kilay. Natatawa 'ko sa itsura niya. Tapos nakita ko siyang bumunot ng wallet at saka itinaas na mabilis namang kinuha ni Tommy. “Tina, bili muna kaming food ha?”
“Sisimutin lang namin ‘tong laman ng wallet ni Blake,” nakangising sabi ni Pete.
“Gusto ko ng Cheetos ah,” sabi naman ni Justin kay Pete.
“Mukha kang Cheetos. Ang dami nang binigay ni Blake sa ‘yo.”
“Nasa bahay ‘yon eh. Hindi ko naman binabaon.”
Nakangiti lang ako habang nakikita ko silang papalayo.
“So… Ako naman…”
Napangiti ako habang nakatingin kay Blake na kahit nasa screen lang tagos kung makatitig. Pero natapos ang ngitian at titigan portion namin ni Blake nang mapatingin ako kay Marjorie nang kalbitin ako nito. “Time na,” bulong nito at tumuro pa sa relo. Naalala ko rin na kakausapin nga pala kami ni Ma’am Liza after lunch.
“Sige una na kayo,” sabi ko sa kanila. Ibinalik ko ‘yung tingin ko kay Blake pagkaalis nila. “Blake, tapos na ‘yung break namin ‘tsaka may meeting pa kami. Mamaya after ng meeting na lang tayo mag-usap.”
“My next class will start in 30 minutes. Diretso na ‘yon hanggang 7pm.”
“Magkikita naman tayo bukas eh. Pupunta ka naman dito ‘di ba?”
“After ng class ko tatawagan kita.”
“May trabaho ako kay Theo.”
“Hanggang gabi? Tina that’s too much.”
“Pagkatapos ng meeting namin kay Ma’am Liza, uuwi na ‘ko, tapos mamaya na ‘ko babalik dito sa resort ng 7pm.”
“Anong trabaho ang ipapagawa niya sa ‘yo ng gabi? Hindi ba niya pwedeng ipagawa nang maaga?”
“Hindi ko rin alam, kasi hindi kami masyadong nakapag-usap kanina.”
“Baka naman ino-overwork ka na niya?”
“’Yung mga kilay mo magdudugtong na.” Biniro ko siya kasi mukhang naiinis na siya. “Kalma. Kilala ko si Theo. Hindi ako pahihirapan no’n.” Napatingin ako sa orasan. “Blake, baka mapagalitan ako kapag na-late ako sa meeting. Sige na ha? Kung may maagang matapos trabaho ko mamaya, sasabihan kita. Bye na. Aral ka mabuti.”
Pagkatapos namin mag-usap, kumaripas na ‘ko takbo papunta sa opisina ni Ma’am Liza. Pagkatapos ng meeting sinabi ko kay Ma’am Liza na pinauuwi na ‘ko ni Theo. Sabi naman ni Ma’am Liza, alam na daw niya dahil nasabihan na siya ni Theo.
***
Umuwi ako sa’min, at nagpaalam ako kay Inay na aalis uli ako mamaya, dahil magkikita kami ni Theo. Tinanong ako ni Inay kung susunduin daw ba ako ni Theo, pero sabi ko hindi. Nagtaka nga si Inay dahil sanay siya na lagi akong sinusundo ni Theo dito sa ‘min.
Natulog muna ako at gumising ako nang ala-singko. Naligo ako at nag-ayos. Naghapunan na rin ako kasabay sina Inay at Itay. Umalis ako sa bahay ng ala-sais para maaga akong dumating sa resort at nang makwentuhan din si Emily na naka-duty nang pang-gabi. Pero kahit maaga akong umalis, tinamaan naman ako ng malas dahil nasiraan ‘yung sinasakyan kong tricycle. Sinubukan kong mag-abang nang masasakyan kaso palaging puno, kaya hinintay ko na lang matapos gawin ni kuyang driver ‘yung tricycle niya.
6:45pm na nang makarating ako sa resort. “Hi Tina! Nasa Villa Soledad si Sir Theo,” masayang sabi ni Emily sa ‘kin habang may ginagawa siya sa computer niya at may kaharap na isang guest.
“Okay. Thanks!” Hindi na 'ko nagtanong ng iba pa dahil busy siya.
May tatlong villa itong resort na may mga private pools at ‘yung Villa Soledad ang pinakamalaki at pinakabago.
Habang naglalakad ako papunta sa villa, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Dahil siguro hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko doon. Hindi pa naman naging maganda ang pag-uusap namin ni Theo kanina.
Papalapit na ako, kaya dinig ko ang malakas na tugtog sa loob. Bawat villa ay nasa loob ng mataas na pader, para may privacy ang mga guests na mag-stay. Itinulak ko ang malaking gate. Magkahalong tugtog at tawanan ng mga babae ang naririnig ko. Nang tuluyan na akong makapasok, nakita ko si Theo na may kausap sa dalawang babae. Habang sa may pool naman may tatlong babae na nagswi-swimming. Puro mga sexy at mga mukhang modelo ang mga babaeng kasama niya. Lahat ng mga babae naka two-piece na swimsuit habang ako balot na balot. Hindi ko naman alam na pool party pala ‘tong pupuntahan ko. Hindi naman ako sinabihan ni Theo.
Nasa kanila ang tingin ko kaya hindi ko napansin ‘yung beach bed at tumama rito ang binti ko. “Ouch!” Napaupo ako sa sakit. Himas ko ‘yung binti ko nang tawagin ni Theo ang pangalan ko, kaya napatingin ako sa kanila. Lahat ng mga mata nila sa ‘kin nakatingin.
Nilapitan ako ni Theo at tumingin siya sa relo. “You’re five minutes late.” Akala ko pa naman nag-alala siya sa ‘kin. At bakit bigla siyang naging mahigpit sa oras ngayon? Samantalang noong isang araw ayaw nga niya ‘kong papasukin sa resort dahil sa masamang panaginip niya, tapos ngayon, five minutes lang akong na-late big deal na sa kanya. Hindi ko alam kung pinagtri-trip-an ba niya ‘ko o ano. Ewan! Basta naiinis ako!
“Ano bang ipapagawa mo sa ‘kin? Bakit mo ‘ko pinapunta? ‘Tsaka sana sinabihan mo naman ako na may pool party pala rito. Sana man lang nag-summer dress ako, nang hindi naman ako nag-mukhang alien dito.”
“Nandito ka para magtrabaho, hindi para maki-party. May food sa loob. Prepare it and serve it to my guests.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Ang tagal kong nakatingin sa kanya. Parang hindi maproseso ng utak ko lahat ng sinabi niya. Para kasing hindi si Theo, itong kaharap ko. Parang ibang tao. “C’mon Cristina. Ayoko ng babagal-bagal.” Pumitik siya sa harapan ko at doon lang ako natauhan. Nagmamadali akong tumayo at pumasok sa loob ng villa at dumeresto sa kusina. Habang hinahanda ko ‘yung pagkain nila, naririnig ko ‘yung tawanan nila. Bakit gano’n? Nasasaktan ako. Parang gusto kong maiyak.
Bitbit ang tray na may lamang mga plato na may lamang pagkain, lumabas ako at nilapag ko sa table kung nasaan sina Theo na nakaupo at nagkwekwentuhan, kasama ng dalawang babae na kausap niya kanina. Nakaakbay siya sa isa habang nakayapos naman sa kanya ‘yung isa pa.
“Thanks,” sabi ng morenang babae na inaakbayan ni Theo. Mukha siyang mabait. Nginitian pa niya ‘ko.
“Hindi ka naman pala niya girlfriend. Kinabahan pa ‘ko. I’m Aira. Remember, ‘yung kausap mo kanina,” sabi ng mestisang babae na nakayakap kay Theo. So, siya pala ‘yung kasama ni Theo kanina. Tumango na lang ako at umalis. May mga pagkain pa at inumin sa loob na ilalabas ko para sa kanila.
Bawat hatid ko ng pagkain sa kanila, hindi man lang ako tinitingnan ni Theo. Nakikipagkwentuhan lang siya habang may hawak na bote ng alak. Hindi ko alam kung gaano karami na ang nainom niya, pero namumula na siya at malamlam na ang mga mata niya.
Nakatanaw lang ako sa kanila habang nakaupo ako sa isa sa mga beach bed. Naghihintay lang ako ng susunod niyang iuutos. Habang nakatingin ako sa kanya, naalala ko si Blake. Naalala ko rin ‘yung pangako ni Theo sa ‘kin na hindi niya ‘ko sasaktan, pero wala naman pala silang pinagkaiba. Bigla na lang tumulo ‘yung luha ko kaya mabilis ko ‘tong pinunasan. Tumayo ako at mabilis na pumasok sa loob ng villa para hindi nila ako makitang umiiyak. Pumasok ako sa banyo at doon ko nilabas ‘yung sama ng loob ko kay Theo. Habang umiiyak ako tumawag si Blake. Hindi ko magawang sagutin ‘yung tawag niya kasi malalaman niyang umiiyak ako at panigurado magagalit ‘yon. Nakailang tawag pa siya pero hindi ko pa rin sinagot kaya nag-text na lang ako sa kanya na busy ako kaya hindi ko pwedeng sagutin. At dahil kilala ko si Blake na makulit at hindi ako titigilan, pinatay ko muna ‘yung phone ko. Pupunta naman siya rito. Bukas na kami mag-usap.
Napatingin ako sa salamin. Namumugto na ‘yung mga mata ko. Ang sama-sama talaga ng loob ko kay Theo. Mabuti pa si Blake noon alam ko ang rason kung bakit siya nagkaganon pero itong si Theo, hindi ko alam. Bigla na lang siyang nagbago. Maayos naman kami kahapon tapos ngayon, bigla siyang umasta ng ganito. Sana sabihin na lang niya sa ‘kin kaysa nagmumukha akong tanga rito.
Nang nahimasmasan na ‘ko, lumabas na ‘ko ng banyo. Nagulat ako nang makita ko si Theo na nag-aabang sa tapat ng pintuan. “Sorry, natagalan ako,” sabi ko sa kanya. Ang tagal ko rin sa loob at baka kanina pa siya doon. Hindi ko alam kung ilang CR meron ‘tong Villa. Baka isa lang, kaya naghintay siya. “Ah… bago ka pala pumasok, magpapaalam na ‘ko. Kung wala ka nang iuutos, uuwi na ‘ko.” Nakakaasar naman ‘tong luha ko. Umagos na naman. Sa harapan pa talaga niya.
Hinawakan niya ‘ko sa kamay at hinila papanik sa taas. “Saan tayo pupunta?” tanong ko habang nagpupunas ng luha.
“You’re tired. Get some sleep.” Binuksan niya ang pintuan ng isa sa mga kwarto at hinila niya ‘ko papasok.
“Uuwi na lang ako.” Ayokong mag-stay. Hindi rin naman ako makakapagpahinga nang maayos kung naririnig ko sila na nag-e-enjoy at nagpa-party.
“No. You’re staying here. Anong oras na. Delikado kung uuwi ka pa.”
“Sanay naman akong umuwi ng gabi.”
“Cristina. Please. Huwag nang matigas ang ulo,” sabi niya sabay lagok ng alak mula sa bote na hawak niya.
“Theo, lasing ka na.” Hinawakan ko ‘yung bote. Kukunin ko sana ito sa kanya pero inilayo niya sa ‘kin.
“I’m not. Kulang pa nga eh.”
“Anong kulang? Nakalahati mo na ‘yung laman ng bote.”
“Stay here. Bababa lang ako. Babalikan kita.”
Lumabas siya at isinarado niya ‘yung pinto. Naupo naman ako sa paanan ng kama at hinintay na lang siya. Mayamaya wala na akong narinig na ingay. Wala nang malakas na tugtog at wala nang nagtatawanang mga babae. Tumayo ako at sumilip sa labas. Nakita kong palabas na ng villa ‘yung limang babae. Pinaalis sila ni Theo?
Napalingon ako nang bumukas ‘yung pintuan. Bumalik na si Theo at tulad kanina, hawak pa rin niya ‘yung bote ng alak. Nilapitan ko siya at pilit kong kinuha ‘yung bote sa kanya. “Tama na ‘yung nainom mo. Magpahinga ka na.”
“Titigil ako sa pag-inom kung tatabihan mo ‘ko sa pagtulog.”
“Okay sige. Tumigil ka lang.” Isang beses na naman akong natulog sa tabi niya noong nasa tent kami kaya okay lang naman sigurong matulog uli ako sa tabi niya ngayon. Ngumiti siya nang marinig niya ang sagot ko. Inabot niya sa ‘kin ‘yung bote na kinuha ko naman. Binuksan ko ‘yung isang pintuan sa loob ng kwarto at tama ako, banyo ito. Pumasok ako sa loob at itinapon ko sa lababo ang laman ng bote. Naninigurado lang ako. Baka habang tulog ako, balikan ni Theo.
Nang lumabas ako nang banyo nakita ko siya nakahiga na sa kama at nakatingin sa ‘kin. Tinapik niya ‘yung kama at nahiga naman ako paharap sa kanya. “I missed you,” sabi niya habang nakatingin sa ‘kin. Hinaplos niya ‘ko sa pisngi. “I’m sorry,” sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.
“Theo, ano’ng problema? Bakit ka ba nagkakaganyan?”
“Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin na pinuntahan ka niya? Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin na nakikipagbalikan siya? Sa ibang tao ko pa narinig.” Mukhang nakarating sa kanya ‘yung pagpunta ni Blake. “Nagseselos ako. Selos na selos ako at pinanghihinaan ako ng loob. Ano’ng laban ko sa kanya? Mahal mo siya. Ako na nga ‘yung kasama mo pero siya pa rin ang binabanggit mo. Kanina ba nang nakita mong may mga kasama akong babae, nakaramdam ka man lang ba ng selos? Nakaramdam ka ba ng takot na mawawala ako sa ‘yo? Na ipagpapalit kita sa iba? Ako kasi, gano’n ‘yung nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako na mawala ka sa ‘kin. Natatakot ako na baka balikan mo siya at iwan mo ‘ko. Mahal na mahal kasi kita. Pero kahit ilang beses ata akong mag-I love you, wala akong maririnig na sagot galing sa ‘yo. Kasi nandyan na siya at hindi mo na ‘ko kailangan.”
“Theo…“
“Shhhh… Ayoko munang marinig ‘yung sagot mo. Hindi pa ako handa. Hayaan mo muna akong maging masaya ngayong gabi kasi kasama kita.” Umusog siya palapit sa ‘kin at kinulong niya ‘ko sa mga bisig niya. Kumikirot ang puso ko para sa kanya. Nasasaktan ako kasi nadamay siya sa sitwasyon namin ni Blake. Sana bumalik na lang siya sa buhay ko sa panahon na ayos na ‘yung lagay ng puso ko, para hindi ko siya nasasaktan nang ganito.
ANNOUNCEMENT: VOTE FOR MY STORY - LIVING UNDER THE SAME ROOF BOOK 1
PWEDE PO BA AKONG MAG-LAMBING SA INYO? PWEDE N'YO PO BANG I-VOTE YUNG BOOK 1 NITONG LIVING UNDER THE SAME ROOF. KAPAG NASAMA PO SA TOP 200 NA MAY HIGHEST NUMBER OF VOTES 'YUNG STORY, MAGKAKAROON PO NG MAGANDANG PROMOTION 'YUNG BOOK KO DITO SA DREAME. KAPAG SA TOP 3 NAMAN PO MAY CHANCE NA MA-PUBLISH AS PHYSICAL BOOK.
SA MGA MAGVO-VOTE PO MAY REWARD DIN PO PARA SA INYO. LAHAT PO NG MAG-VO-VOTE MAY CHANCE PO NA MAKATANGGAP NG BONUSES GALING SA DREAME. ^_^ HINDI LANG PO KAMING WRITERS ANG MAY CHANCE NA MAGKA-REWARD, KAYO RIN PO.
ANG GAGAWIN N'YO LANG PO AY PUMUNTA SA STORY KO NA LIVING UNDER THE SAME ROOF BOOK 1, CLICK THE GIFT ICON THEN CLICK REWARD PARA MAKA-VOTE. 1 VOTE PER DAY PO AT HANGGANG AUGUST 21 PO ITO.
KUNG WALA PO KAYONG MAKITA NA GIFT ICON, I-UPDATE NYO LANG PO MUNA 'YUNG APP PARA MAKA-VOTE NA KAYO.
THANK YOU SO MUCH PO SA LAHAT NA MAGVO-VOTE!! ^__^