KABANATA 29
TINA
“Please. Be my girlfriend, even just for a day.”
Binitawan ko ang hawak ko at humarap sa kanya. Pinilit ko siyang tingnan diretso sa mga mata. Napabuntong-hininga muna ako bago ko siya hawakan sa pisngi. Umiling ako. Ayokong gawin dahil para ko siyang bibigyan ng isang malaking regalo na napakaganda ng balot pero kapag binuksan, wala namang laman. Para ko siyang inalok ng masarap na pagkain pero hindi ko naman pala siya bibigyan. Hindi ako pumayag sa gusto niya dahil mahal ko siya, at hindi niya deserve na magmakaawa nang ganito sa akin.
“Ayaw mo ba talaga sa ‘kin?” Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya bago siya yumuko at umiwas ng tingin. Masakit sa kalooban ko na ako ng dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
“Hindi sa gano’n.”
“Kahit isang araw lang. Gusto ko namang maramdaman na ako ang pinili mo.”
“Huwag Theo. Please, huwag mong gawin ‘to sa sarili mo.” Hinawakan ko siya sa pisngi para iharap siya sa ‘kin, pero nanatiling nakaiwas ang mga mata. “Nagkamali ako. I’m sorry. Masyado akong naging masaya sa pagmamahal at seguridad na ibinibigay mo sa ‘kin. Tumanggap ako nang tumanggap pero hindi ko naisip kung hanggang saan ‘yung kayak o ibigay. Naging makasarili ako. I’m sorry.”
Umiling siya. “No. You’re not. Lahat ng binigay ko sa ‘yo, binigay ko dahil gusto ko. Hindi mo naman hiniling sa ‘kin dahil kusa kong ibinigay. I’m sorry kung pakiramdam mo kailangan mong suklian ‘yung pagmamahal ko sa ‘yo at lahat ng mga ginawa ko.” Kasabay ng pagtingin niya sa mga mata ko ay ang pagtulo ng luha niya. “Narinig ko lahat ng sinabi mo kanina kaya nagkakaganito ako. Alam ko na, na hindi ako ang pinili mo, kaya sana mapagbigyan mo ‘tong isang araw na hinihiling ko sa ‘yo.”
Niyakap ko siya nang mahigpit at tumulo ang mga luha ko. “Kaya kong gawin lahat, huwag lang ‘yan. Mas masasaktan lang kita kapag pumayag ako. Please Theo, mahalin mo na lang ako bilang best friend mo. Pangako hindi kita iiwan. Hindi lang isang araw ang ibibigay ko sa ‘yo. Habang buhay nasa tabi mo ‘ko.”
Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa akin. “Kung hindi ako umalis naging tayo kaya? Ako kaya ang mahal mo ngayon at hindi siya?”
“Hindi ko alam,” sagot ko kahit na sa tingin ko, may possibilidad na baka nga kami ang magkarelasyon ngayon kung hindi ko nakilala si Blake. Hindi naman mahirap mahalin si Theo at masarap din siyang mahalin. Hindi ko na sinabi sa kanya ang laman ng isip ko dahil baka lalo lang siyang umasa.
“Sana pala bumalik ako agad. Hindi sana ako naunahan.” Hinalikan niya ‘ko sa ibabaw ng ulo. “Abot kamay na kita pero para kang biglang hinila palayo sa ‘kin.” Kung hindi dumating si Blake, baka nga tuluyan na ‘kong nahulog kay Theo. Handa naman akong buksan ang puso ko para sa kanya, pero siguro hindi talaga ‘yon ang nakatadhanang mangyari.
“Hindi naman ako mawawala sa ‘yo.”
“Pero hindi ka pa rin magiging sa ‘kin. Kakayanin ko kaya Cristina? Kakayanin ko kayang makita ka na kasama siya?”
Tumingala ako at bahagyang lumayo sa kanya para matingnan ko siya. “Kalabisan ba kung pipilitin kitang mangako ngayon na huwag akong iwan? Ayokong lumayo ka sa ‘kin sa gano’ng dahilan.” Tumutulo ang luha ko habang nagsasalita ako.
Ngumit siya kahit basa pa ang gilid ng mga mata niya dahil sa pag-iyak. “Paano naman ako hihindi sa ‘yo kung umiiyak ka nang ganyan?” Humugot siya ng panyo mula sa bulsa niya at pinunasan ang luha ko at pagkatapos ay itinapat niya ‘to sa ilong ko. “Singa. Puno na ng sipon ‘yang ilong mo,” natatawa niyang sabi.
“Theo naman eh!” Bahagya na rin akong natawa nang dahil sa ginawa niya. Alam kong gusto lang niyang pagaanin ang sitwasyon naming dalawa. Paano ko naman hindi mamahalin at gugustuhing hindi maging parte ng buhay ko ang isang tulad niya kung ganito siya kabait?
Niyakap niya ako nang mahigpit at hinawakan pa niya ako sa may batok at saka hinalikang muli sa ibabaw ng ulo. “I love you best friend.”
“I love you too best friend.”
“Parang may amoy sunog…” sabi niya at sabay kaming napatingin sa kalan. ‘Yung hotdog nasusunog na! Mabilis kaming bumitaw sa isa’t isa at pinatay niya ‘yung apoy nang kalan. “Yung hotdog ko sunog na, jumbo pa naman ‘to.” Nagkatinginan kami at sabay kaming natawa. “That doesn’t sound right.” Dahil sa huling sinabi niya ibang hotdog na tuloy ang naisip ko!
“M-magluluto na lang ako ng pancake,” sabi ko at saka ko siya tinalikuran.
“Magluluto na lang ako ng bacon.”
“Ikaw bahala,” sagot ko habang naghahalo ng pancake butter.
Tahimik ako sa ginagawa ko nang bigla na lang magsalita si Theo sa tabi ko. “Crispy or not?”
“Ay jumbo!” Napatingin ako sa kanya. “Theo naman. Ikaw na bahala.”
“Okay,” nakangising sagot niya.
Sabay na kaming nagluto at pamisan-minsan, binibwisit ako ni Theo. Pinapahiran niya ‘ko ng pancake batter sa mukha o kaya naman kinakain na niya ‘yung bagong lutong pancake. “Bago pa ‘ko matapos, busog ka na.”
“Gutom na kasi talaga ako.”
“Kung hindi ka kasi nag-inarte at hindi ka nag-request na ako ang magluto, kanina ka pa busog.”
“Sige na. Dami namang reklamo.” Sinubuan niya ako ng pancake na kinain ko naman. “CR muna ‘ko. Bilisan mo na magluto ha? Ibuhos mo na lahat para tapos agad,” sabi niya bago siya naglakad papuntang banyo.
Mayamaya nag-ring ‘yung phone ko. Si Blake tumatawag. Tinanggal ko muna ‘yung katatapos lang maluto na pancake at nilagay ko sa plato, bago ko pinatay ‘yung kalan. Napasulyap ako sa banyo bago ko sinagot ‘yung tawag at naglakad ako palabas papunta sa may pool area.
“Hello. Blake.”
“Tina, where are you? Nandito ako sa bahay n’yo. Sabi ng Inay mo, kasama mo raw si Theo kaya huwag akong mag-alala, pero I’m still worried. Pauwi ka na ba?”
“Mamaya uuwi na rin ako.”
“Sunduin kita? Nasa resort ka ba?
“Hindi na. Ihahatid naman ako ni Theo. Pakisabi na rin kina Inay na pauwi na ‘ko.”
“Marami ba siyang pinagawa sa ‘yo? Napagod ka ba? Bakit hindi ka nakauwi?”
“Blake, ayos lang ako.”
“Are you sure?”
“Oo.”
“Okay…” Akala ko magpapaalam na siya pero nagsalita siya uli. “Uhm… Tina…”
“Bakit?”
“I miss you… I love you…” Kahit hindi ko nakikita si Blake, bakas naman sa boses niya ‘yung pag-aalala. Kung ano-ano na siguro ang tumatakbo sa isip niya dahil magdamag kong kasama si Theo.
“Huwag kang mag-alala. Pabalik na ‘ko.” Tama nang may isang lalaki na mahalaga sa buhay ko ang nasaktan ko ngayon araw. “I miss you too.”
“Okay! See you in a bit.” May biglang pagbabago sa tono niya.
“Buti pa siya may I miss you too sa phone.” Tumaas ang magkabila kong balikat sa biglaang pagsasalita ni Theo.
“K-kanina ka pa d’yan?”
“Hindi naman masyado. Tama lang para marinig ko ‘yung pagsasabi mo ng I miss you sa kanya. Medyo nainggit ako, pero ayos lang. Ayos lang ako.” Kaya nga ako lumabas para hindi niya marinig, pero wala rin palang saysay. Sakto sigurong paglabas ko’y lumabas din siya ng CR kaya hinanap niya ‘ko.
“Theo… I—“
“Magso-sorry ka na naman ba? Tama na Cristina. Ayoko na ring makitang umiyak ka.” Inakbayan niya ‘ko. “Alam ko na ‘yung lugar ko. Ang hirap nga lang hindi makaramdam ng inggit. Ang swerte ng gago na ‘yon. Sinaktan ka na nga pero mahal mo pa rin.”
“Marami na rin kaming pinagdaanan. May mga bagay na hindi ko pa nakwekwento sa ‘yo. Malalim din ‘yung pinagsamahan namin ni Blake kaya hindi gano’n kadaling bumitaw.”
Seryoso niya 'kong tinitigan. “Hindi talaga, kasi hindi ko pa rin alam kung paano.”
****
THANK YOU PO SA MGA NAGVO-VOTE PA RIN NG BOOK 1!! BUMABA YUNG RANKING PERO PASOK PA RIN NAMAN SA TOP 200 AT SANA MAG-STAY NA SIYA DOON HEHE ^_^ PWEDE PO KAYONG MAG-VOTE USING D.REAME AND Y.UGTO APP. ONCE A DAY PO ANG PAG-VOTE UNTIL AUG. 21. SANA MASUPORTAHAN N'YO PO HANGGANG SA I-ANNOUNCE NILA ANG WINNERS. ^_^
FOCUS PO PALA TAYO SA LIVING UNDER THE SAME ROOF BOOK 1. HUWAG N'YO NA PONG I-VOTE 'TONG BOOK 2. 'YUNG BOOK 1 NA LANG PO. THANK YOU SO MUCH!!
PAANO MAG-VOTE? I-CLICK LANG PO ANG GIFT ICON THEN REWARD. KUNG WALA PONG MAKITA NA GIFT ICON, I-UPDATE N'YO LANG PO 'YUNG APP.. ^_^