KABANATA 17

1749 Words
KABANATA 17 BLAKE   Nagising ako sa tunog ng alarm at pumipintig pa ‘yung ulo ko sa sakit kaya nakakatamad bumangon. Ilang oras pa lang ang tulog ko pero kailangan kong tumayo dahil may pasok pa ‘ko. After spending time with Mela last night, sa condo na rin ako umuwi, since we’re living in the same building. I enjoyed her company. Masaya siyang kausap, maraming kwento. Pansamantala akong nakalimot pero nang mag-isa na naman ako sa kwarto, buhos na naman ang mga alaala ni Tina sa isip ko. Sa gabi mas maganda talagang kasama ang espiritu ng alak, kaya uminom uli ako hanggang sa makatulog. Binuksan ko ‘yung cabinet para kumuha ng damit at dahil wala ako sa sarili ‘yung side kung saan nakalagay ang mga damit ni Tina ang nabuksan ko. Umaga pa lang siya na agad ang bumubungad sa ‘kin. Napabuntong-hininga ako. “Good morning.” Isinarado ko uli ‘yung cabinet at binuksan ko naman ang kabilang side nito para kumuha na ng mga damit at tuwalya para makaligo. Pagpasok ko ng banyo, gamit pa rin ni Tina ang bumungad sa ‘kin. Para kong tino-torture ‘yung sarili ko. Pwede ko namang tanggalin ang mga gamit niya, pero hindi ko ginawa. These things give me both pain and happiness, kapag naiisip ko na minsan siyang nag-stay dito kasama ko. Habang nagtu-toothbrush ako, nakatingin ako sa kulay pink niyang toothbrush. Sabay kaya kaming nagtu-toothbrush sa harapan ng lababo na ‘to? Nagkakabungguan kaya ang mga siko namin? Nakaligo na kaya kami nang sabay? Napangiti ako, pero may kirot sa dibdib. Ang magtanong sa isip na lang ng mga maaring nangyari sa nakaraan ang pwede kong gawin, pero ang gawin ang mga bagay na ‘to na kasama siya hindi na. *** “Blake!” Napalingon ako at nakita ko si Mela na palabas, na rin ng unit niya. “Hey, kumusta?” “Good. Masarap pa rin ang tulog kahit late na tayo nakauwi. Ikaw?” sabi niya habang naglalakad na kami papunta sa may elevator. Kung ako papasok sa school siya mukhang papasok naman sa trabaho. She’s wearing a tight black dress na hanggang tuhod under a white blazer and she’s wearing high heels. Medyo mababa ang neckline ng dress niya kaya she looks sexy pa rin. “Yeah, same,” sagot ko. Hindi ko na sinabi sa kanya na masama ang pakiramdam ko at parang nasa sistema ko pa ‘yung mga alak na ininom ko. “Papasok ka sa school?” “Yeah.” “Wala kang dalang gamit?” “Iniwan ko sa locker kahapon.” “Oh, okay.” “Ngayon lang kita nakitang—.” “Mukhang disente?” sabi niya. Hindi naman ‘yon ang gusto kong sabihin. Hindi lang kasi ako sanay na makita siyang naka-office attire. Sa tuwing makikita ko kasi siya, kung hindi strapless na dress ang suot niya, plunging ang neckline niya na palaging miniskirt pa. “No. Hindi gano’n.” “It’s okay. I understand. Sa tuwing makikita mo nga naman ako, palaging labas ang kaluluwa,” natatawa niyang sabi at nangiti na lang ako. “Sabay ka na sa ‘kin? Same way lang naman tayo. Madadaanan ko ‘yung school mo.” I accepted her offer. ‘Yung kotse ko kasi iniwan ko sa bahay at nag-taxi ako papuntang bar kagabi. Habang nasa byahe kami nagkwentuhan kami, kahit na medyo bumabagsak ang mga mata ko sa antok. “Everyday ka may pasok?” tanong niya. “Yeah.” “Hanggang ano’ng oras ‘yung klase mo ngayon?” “Until 6pm.” “Sa condo ka ba uli uuwi mamaya?” “No, why?” Nasa bahay kasi ‘yung kotse ko at may ilang librong nandoon na kailangan ko sa klase ko bukas at ‘yung laptop ko nandoon din. Mukhang disappointed siya sa sagot ko, dahil medyo nag-pout siya. “I want to invite you over sana for dinner. I’m planning to cook pa naman.” “How about on Saturday?” “Really? You’re free on Saturday? Should I cook, breakfast, lunch and dinner for us?” nakangiti niyang tanong. “Lunch is fine. I have a lot of school papers to finish and my mom will probably scold me, kung buong weekends, wala ako sa bahay.” “Okay. Sige. Lunch na lang. What do you want me to cook for you?” “Anything. What’s your specialty?” Hindi siya sumagot at parang nag-iisip pa. “I think I know what to cook na.” “Ano?” “Sa Sturday na lang para it’ll be a surprise for you.” She looks excited. Nakakahawa ‘yung ngiti niya. *** Saturday came at bago ako pumunta sa kanya to have lunch, I called her kung anong wine ang gusto niyang dalhin ko. We have a wide range of liquors sa bahay and ayoko naman pumunta na empty handed. “White wine. We’re having chicken, so white wine na lang.” “Okay. I’ll bring white wine. See you in a bit.” “Okay. Bye.” Pagkatapos kong kausapin si Mela, pumili na ako ng wine na dadalhin ko. “You’re leaving?” Narinig kong tanong ni Mommy kaya nilingon ko siya. “I’m having lunch, with a friend.” “Sinong friend? Do I know her?’’ “Her? What made you say that?” “You’re bringing wine. Hindi mo naman ginagawa ‘yan sa mga guy friends mo.” Nangiti ako. “Okay. Mom, you win.” “Do I know her?” Umiling ako. Hindi pa niya na-meet si Mela. “But she’s my neighbour sa condo.” “I see. Well I’m glad you’re seeing someone again.” Kahit hindi ako nagsasalita I know she knew that I’m not okay because of Tina. Alam niya ‘yung pagpunta ko sa Bicol, pero when I came back, I didn’t tell her what happened there. She never asked me, pero I know she’s worried about me kasi I can see it in her eyes na she wanted to ask, but she’s hesitant. She knows me too well. Ayokong pinag-uusapan ‘yung problema dahil mas gusto kong inaayos ito mag-isa. Nagsasalita lang ako kapag hindi ko na talaga kaya. “We’re not dating. It’s just a friendly lunch. She invited me to come over and I said yes.” Hinawakan ako ni Mommy sa pisngi. Kalmado niya akong tiningnan sa mga mata. “Honey, no one's rushing you and you don’t have to explain to me. You can have lunch, dinner, breakfast with anyone, as long as you’re happy. Okay?” Tumango ako. “I’ll go ahead.” Humalik muna ako sa kanya bago ako umalis. *** Pagbukas ng pinto ni Mela, sumalubong agad sa ‘kin ang masarap na amoy ng pagkain. Whatever she’s cooking, I’m sure masarap. “The chicken’s almost done. Tamang-tama ‘yung sa dating mo,” nakangiti niyang sabi. “Come in.” Hindi ito ang unang beses na nakapasok ako sa unit niya kaya napansin ko ‘yung pagbabago. “The walls used to be white ‘di ba?” tanong ko habang ibinababa ko sa countertop ‘yung wine na dala ko. “You noticed? Yeah. I had it painted, mga two months ago. Naumay na ‘ko sa puti and sabi nila relaxing daw ‘yung color green, kaya I chose that color.” “Maganda naman. Relaxing nga,” sabi ko habang iniikot ko ang paningin ko sa paligid. “Are you hungry na?” tanong niya habang binubuksan ‘yung oven. “Medyo.” “The table's almost ready. Itong chicken na lang ang kulang.” Napatingin ako sa mesa na may mga nakapatong nang mga plato at utensils. Nandoon na rin ‘yung rice and side dishes. “Ouch!” Napabalik ang tingin ko sa kanya nang marinig ko siyang sumigaw. Subo na niya ‘yung hinlalaki niya. Napaso ata siya. Nalaglag din niya ‘yung pot holder sa sahig. “Ako na d’yan,” sabi ko at dinampot ko ‘yung pot holder na medyo maliit at may kanipisan. Inabot naman niya sa ‘kin ‘yung isa pa. “Careful,” paalala niya sa ‘kin. “This looks and smells delicious. Mela, I’m starving,” sabi ko pagkalabas ko ng glass tray na may lamang roasted chicken kaya napangiti siya. Binitbit ko ‘to at inilapag sa gitna ng table. “Dig in,” sabi niya pagkaupo namin. Kasusubo ko pa lang nagtanong na siya agad. “How is it? Masarap?” Nginuya ko munang mabuti, bago ako nag-thumbs up. Masarap ‘yung chicken. Well seasoned at hindi dry ‘yung meat. Even ‘yung side dishes masarap din. “Ang galing mo palang magluto.” “I learned the recipe from my mom.” “Nasaan pala family mo? Do you have siblings?” tanong ko sa kanya bago ako sumubo nang isa pa. Sabi niya nasa U.S. na raw ‘yung buong family niya pati mga kapatid niya at siya na lang ang naiwan dito mag-isa. “Why?” tanong ko uli. “Ayoko do’n. Mas gusto ko ‘yung buhay dito sa Pilipinas ‘tsaka ayokong pinapakialaman ‘yung mga ginagawa ko. Lagi kasi akong kino-compare ng nanay ko sa Ate ko. Imbis magtalo kami, nagpaiwan na lang ako.” “We’re kinda same pala. Ako naman kinukumpara ng Dad ko sa mga anak ng mga kaibigan niya.” Nagkwento pa ako sa kanya about my not so good relationship with my Dad until I realized na mula pala nang magising ako from the accident, hindi pa kami nagtalo ni Dad. Kahit nakikita niya ‘kong umuuwi nang late na, wala siyang sinasabi. Minsan nga nakikipag-kwentuhan pa siya sa ‘kin and he’ll ask me about school, my friends or even just random things. He changed a lot. Well, a lot of things changed naman talaga after the incindent. Ang hindi ko lang naman nagustuhang pagbabago ‘yung sa amin ni Tina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD