KABANATA 15
BLAKE
Nasa bar na naman ako ako at mag-isa. I’m drowning my sadness gamit ang alak. Hindi ko na niyaya ang mga kaibigan ko dahil ayokong makaabala sa kanila. Tulad ko, mga graduating students na rin sila, maliban kay Tommy na computer engineering ang course na kinukuha. Si Pete at Justin naman parehong multimedia arts ang kinukuha habang ako business administration.
“Billy, isa pa,” sabi ko sa bartender pagkatapos kong inumin nang diretso ang whiskey na in-order ko kani-kanina lang. Pangatlong baso ko na ‘to. Gusto kong malasing agad habang napapaligiran ako ng maingay na tugtog at mga tao na nasa loob ng bar. Somehow it lessens the pain dahil hindi ako mag-isa.
Nilapag na ni Billy sa harapan ko ‘yung baso na may lamang whiskey. Hinawakan ko ito at iinom na sana ako nang may magsalita sa tabi ko. “Hey, pretty boy,” sabi ng isang babaeng lumapit at tumabi ng upo sa ‘kin. Tiningnan ko lang siya pero hindi ko pinansin. Una, hindi ko siya kilala at pangalawa I’m not in the mood to flirt kahit pa maganda siya at sexy. Huli ko na si Mela at ayoko nang maulit ‘yon. Ayoko nang makapanakit pa ng babae. I’ve been a jerk for a very long time at oras na siguro para tumigil ako. Kaya nga siguro kinarma ako at nawala sa ‘kin si Tina dahil sa mga kagaguhan ko. “Bakit ang suplado naman? Pero ganyan ang mga tipo ko,” sabi niya at pinaikot pa niya ang dulo ng daliri niya sa ibabaw ng kamay ko na nakahawak sa baso. Hindi ko pa rin siya pinansin. Inilayo ko ang kamay ko sa kanya at saka ako uminom.
“If I were you, I’ll stop flirting with that guy. Trust me, you’ll thank me later.” Alam ko kung kanino ‘yung boses na ‘yon kahit hindi ko siya nakikita. Si Mela. Biglang nawala ‘yung mapang-akit na ngiti ng babaeng katabi ko. Halatang nawalan siya ng gana. Tumayo na siya at naglakad palayo sa ‘kin. Si Mela naman ang pumalit at tumabi sa ‘kin. “Bakit hindi ka na lang sa bahay mo uminom? Pumupunta ka pa rito sa bar at umaagaw ng atensyon ng mga babaeng gustong magpakama sa ‘yo.”
“I don’t wanna talk about my problems, I just wanna get drunk,” sagot ko at inubos ko na ang laman ng baso.
“Problemado ka na ba noong time na binitin mo ‘ko? Ang malas ko naman pala. Buti pa ‘yung babae kanina nagawa kong warning-an, kung hindi may isang babae na naman na umiiyak na lalabas ng condo mo.”
Tiningnan ko siya. “Mela, I’m sorry. I’m really sorry. I didn’t mean to offend you that night.”
“Kalimutan na natin ‘yon. I’m not the type that hold grudges specially sa mga taong mukhang broken katulad mo.”
“Thanks.”
“Babae ba problema mo? ‘Yung girlfriend mo ba na nakitang kong dinala mo sa unit mo? ‘Yung maliit na morena na mukhang kuting na mangangalmot kapag nagalit?” Sa pagkaka-describe niya sa tingin ko si Tina ‘yung tinutukoy niya. So, dinala ko na pala talaga siya sa unit ko. Pero si Tina, nagalit? Mukhang kuting?
“Yeah. Pero ngayon ex na.”
“You love her?” Tumango ako. “Bakit nandito ka? Tell her. Kaming mga babae, marunong magbigay ng second chances, basta pakita mo lang na sincere ka.”
“Too late. May bago na siya.”
“Oh… That’s very unfortunate.”
“Billy, isa pa nga.” Isinenyas ko pa ang hintuturo ko.
“Pang-ilan mo na ‘yan?” tanong ni Mela.
“My fourth.”
“That’s enough.” Inilayo niya ‘yung baso sa ‘kin. “Billy ‘wag mo nang bigyan.”
“Pero…” Nag-aalangang sagot ni Billy lalo na’t alam nito na kaibigan ko ang may-ari nitong bar.
“Huwag kang matakot dito kay Blake. Basta huwag mo nang bigyan.”
Tiningnan ko si Mela. “I said sorry and we’re good, but it doesn’t mean that you can meddle with my business here.”
“Hindi sa lahat ng pagkakataon, sagot ang alak. Minsan kailangan mo lang ng makakausap o makikinig. Tara.” Tumayo siya at hinila ako sa braso pero hindi ako natinig. “Blake, tara.” Mas binigyan niyang pwersa ang pagkakahatak sa ‘kin. Ayoko siyang masaktan kaya napilitan na akong tumayo.
“Saan tayo pupunta?”
“Magka-kape and I’ll lend you my ears.”
May dalang kotse si Mela, kaya doon kami sumakay hanggang sa makarating kami sa malapit na coffee shop. Ipinarada niya ‘yung kotse sa harapan nito facing the street. Buti na lang may umalis na isang kotse kaya nakapag-park kami. “Stay here,” sabi niya bago bumaba ng kotse.
“Hindi tayo sa loob magkakape?”
“No. Just stay here and wait for me.” Hindi na ‘ko umangal pa at sinunod na lang ang sinabi niya. Nakita ko mula sa labas na mahaba ang pila sa loob ng coffee shop kaya sa tingin ko matatagalan bago makabalik si Mela. Kanina pa ‘ko nakakaramdam ng pagkahilo pero hindi pa naman ako lasing kaya isinandal ko na lang muna ang ulo ko at ipinikit ang mga mata ko. Pagpikit ko, mukha agad ni Tina ang nakita ko kaya napadilat ako. Dapat ata nag-stay na lang ako sa bar at itinuloy ang pag-inom ko o kaya umuwi na lang ako para doon na lang magpakalasing. I wanted to leave pero ayokong magka-atraso na naman kay Mela. She’s being nice to me and I think I should do the same.
I played some music on my phone at isinaksak ko sa tenga ko ‘yung earphone. The louder the music, the better. Hindi naman heavy metal kind of music, kundi EDM. I pumped up the volume at saka ako tumingin sa labas at pinagmasdan lahat ng mga taong naglalakad at mga sasakyang dumadaan. Ilang sasakyan na ang dumaan na hindi ko na mabilang. May dalawang lalaking nag-aaway sa may bangketa. Sa buka ng mga bibig nila, halatang nagsisigawan sila. Hindi ko dinig kung ano’ng pinagtatalunan nila. Pera ata dahil pinakita ng isa ang bulsang walang laman. May dumaang matandang babae na nakatungkod. Bababa sana ako para tulungan, dahil nanginginig ang kamay nito na nakahawak sa tungkod nang may dalagitang tumakbo palapit rito. Magkasama ata sila, dahil kumapit sa braso ng dalagita ang matanda. May nakita rin akong mag-asawa na may kasamang anak na batang babae na mukhang five o six years old pa lang. Huling nakita ko bago dumating si Mela ang isang babae na kasing height, kasing katawan at kasinghaba ng buhok ni Tina, pero alam kong hindi siya ‘yon dahil nakita ko ang mukha ng babae. Mapait akong napangiti. Kahit ano’ng gawin ko talaga, sinusundan ako ng mga bagay na magpapaalala sa kanya.
“Ang haba ng pila,” sabi niya at inabot niya sa ‘kin ‘yung hawak niyang mga kape na nakalagay sa cup holder bago siya pumasok sa loob ng kotse na may hawak namang papebag. Inabot niya sa ‘kin ‘yung paperbag. “Palagay sa likod. Mamaya na tayo kumain, pagdating natin do’n.” Nagmaneho si Mela hanggang sa makarating kami ng Antipolo. Ipinarada niya sa gilid ng kalsada ‘yung kotse at mula sa kinapwepwestuhan namin, kita ‘yung overlooking view ng Manila. ‘Yung maliliit na ilaw mula sa mga bahay, buildings na kitang-kita lalo na’t gabi na.
“Bakit tayo nandito?”
“Dito kasi ‘ko nagpupunta kapag problemado ako. Hindi ko alam pero parang kumakalma ako kapag nakikita ko ‘yung ganyang view. Gusto ko lang i-share sa ‘yo. Malay mo, baka same ang maging effect sa ‘yo. Anyways, are you hungry? I bought us some food. Pakuha naman,” sabi niya kaya kinuha ko sa likuran ‘yung papegbag na nilagay ko roon kanina. Inabot ko ‘yun sa kanya. “Eating and drinking lots of liquid can help you sober up.”
“I’m not drunk Mela. I’m tipsy but not drunk.”
“Much better,” sabi niya at saka niya inabot sa 'kin ang isang plastic na food container na may lamang pasta at chiken fillet.
“Thanks.” Hindi ako gutom pero tinanggap ko pa rin.
“Ewan ko ba pero matakaw talaga ako kapag gabi. Palagi akong nagmi-midnight snack bago matulog. And ang cravings ko pa palaging fried food.”
“Hindi halata.” Sa ganda ng katawan niya hindi halatang matakaw siya.
“Thanks to my mom’s genes. Hindi rin siya tabain, tulad ko.” Tinanggal na niya ‘yung takip ng microwavable container. “C’mon, eat. Sabayan mo naman akong kumain, tapos kwentuhan mo ‘ko. Tell me anything about your ex.”
“I don’t wanna talk about her.”
“Promise, it will lessen the pain. I’ve been there. So, what’s her name again? Nabanggit mo na before, pero nakalimutan ko. Parang nag-start ‘yon sa letter T eh.”
“Tina.”
“Okay, Tina. So, what happened between you and Tina? What went wrong?”
“It’s my fault. I pushed her away. Nang ma-realize ko how much I love her, I’m too late. May nahanap na siyang iba. End of the story. No more questions Mela.”
“But—.”
“Mela, please? You can ask me anything, but let’s not talk about her.” Mayber she’s right. Baka nga talking about Tina, can lessen the pain pero hindi pa ‘ko handa na i-share ‘yung kwento ng buhay ko sa kanya. For now, I’ll just enjoy her company.